t w e n t y s i x

45 2 0
                                        

Nakakatawang isipin na nag taong gustong gusto mo makita noon ay siyang gustong mong mawala ngayon.

Ilang hakbang nalang ay maabot ko na ang pinto ng aking bahay. Huminto ako saglit at tinignan lamang ang sementong naapakan ko ngayon. Napaisip ako ng gagawin para sumaya naman ako kahit ngayon lang.

Mag mall? Ay wag. Wala akong pera eh. Humakbang ako papalapit sa pinto at agad kong inilabas ang susi para buksan ito.

Wala akong gana sa lahat. Ganito ba talaga ako ka broken hearted? Wasak na wasak?. Pero ganito naman talaga ako kahit noon pa. Walang gana sa buhay.

Humiga ako sa sofa at nag isip ng maaring gawin. Try ko kayang mamasyal. Mag eenjoy nalang ako sa paglilibot sa park.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Tinali ko ang buhok ko at inayos ang konting gusot sa shirt ko.

Pinagmasdan ko ang mga berdeng dahon sa paligid. Nakakaginhawa ang tanawin. Napangiti ako. Noon kasi si Rhys lang ang naaalala kong dahilan para ngumiti.

Naalala ko noon tuwing uwian na ay halos takbuhin ko ang parking lot para lang makita siya. Kahit labag sa loob kong pumasok sa cafeteria dahil mapapagastos lang ako ay ginawa ko para lang makita ang napakaperpekto niyang mukha.

Nalungkot naman ako bigla. Gusto ko talaga siya-- ay hindi. Mahal ko talaga siya.

Umupo ako sa bench at tinignan ang mga batang naglalaro.

Minsan napapaisip ako bat ganito ka dull ang buhay ko.

Napatagal yata ang titig ko sa mga bata kaya nag angat ako ng tingin at nahagip ko ang mga tropa ni Rhys na nakatambay sa bench na masiyang nag kwekwentuhan.

Wala siya.

Nakaupo parin ako sa bench at nag iwas ng tingin sa kanila.

Maya maya ay may umupo sa tabi ko. Tumingin nan ako sa kanya.

"Pweding tumabi? Hinihintay ko kasi girlfriend ko eh" sabi niya at tumango naman ako.

Wala akong balak na kausapin siya. Pero siya may balak yata.

"Ikaw lang ba mag isa dito?" tanong niya at tumango naman ako.

"Nasaan girlfriend mo?" tanobg ko sa kanya.

"Nasa bahay pa nila. Hihintayin ko na lang siya" sagot niya.

Tumango naman ako.

"Kilala mo ba yung mga lalaki dun?" tanong niya pero nakayuko parin ako.

"Kanina ka pa kasi nila tinitignan" habol pa niya.

Nag angat naman ako ng tingin at nakita ko ang mga kaibigan ni Rhys na nakatingin sa amin.

Pero..

Wala siya.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon