Agad niyang binuksan ang pinto. Sinalubong naman niya ako ng matamis na ngiti. Hinalikan ko ang noo niya at pumasok na ng tuluyan.
"Kumain ka na ba? Nagluto kasi ako" nahihiya niyang sabi sakin. Napangiti naman ako.
"Hindi pa babe" sagot ko sa kanya at ngumiti naman siya ng napakalawak at pinaupo na ako sa silya. Agad naman siyang naghanda ng kubyertos at inilapag na ang mga pagkain.
Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain kami. Naguguilty ako dahil ang bait bait niya sa akin at mukhang siniseryoso niya kung ano ang nasa amin ngayon which is opposite sa nararamdaman ko.
"Kumusta ang bonding niyo ng tropa mo?" Tanong niya bigla.
"Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay bagay" walang gana kong sagot. I really don't want to talk about them right now.
Tumango naman siya at di na nagsalita. Isa rin ito sa gusto ko sa kanya hindi siya madaldal at di niya ako kinukulit.
"Masaya ka ba sakin?" Seryoso niyang tanong at napatingin naman siya sa akin.
"Yeah. Komportable akong kasama ka" sagot ko at umiwas na sa tingin niya.
Pagkatapos naming kumain ay iniligpit na niya ang mga plato at hinugasan na ang mga ito. Di na niya ako pinatulong baka daw isugod ako bigla sa ospital.
"Ahm. Gabi na Rhys baka hinahanap kana sa inyo?" Nahihiya niyang sabi sa akin.
"Bat moko palaging minamadali na umalis babe?" Irita kong tanong sa kanya. Napapansin ko lang talaga eh kahit noong dinidiskartehan ko pa siya.
"Hindi naman sa ganun" mahina niyang sabi at yumuko na.
What am I going to do with this girl? She's different.
"Do you want me to sleep here?" Bigla kong tanong sa kanya. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Eh. Ano kasi Rhys. Baka hinahanap kana sa inyo" sabi niya habang nakatingin sa kanyang mga paa.
Tumayo nalang ako. Tinataboy na ako eh. Tumayo naman siya at sumunod na sa akin.
"Okay uuwi nalang ako tinataboy mo na ako eh" sabi ko ng mkarating na ako sa labas ng pinto.
She kissed me. Smack lang yun pero kakaiba talaga ang naramdaman ko. Umatras naman siya papunta sa loob at yumuko.
"Ayoko lang kasing masanay na palagi kang nandito sa tabi ko. Alam ko naman na iiwan mo lang ako" malungkot niyang sabi at mahina niyang isinara ang pinto.

BINABASA MO ANG
Shattered
Fiksi Remaja"Ayoko lang kasing masanay na palagi kang nandito sa tabi ko. Alam ko naman na iiwan mo lang ako". Malungot niyang sabi at dahan dahan niyang isinara ang pinto. A S H E Y R E E H E Y