f o u r

49 1 0
                                    

Russel's

One week na ang nakakalipas ng hingin ni Nathan ang number ko pero wala naman akong natangap na text miski isa. Hindi naman ako umaasa na e.text niya ako napapaisip lang talaga ako kung bakit niya hiningi ang number ko.

Wala namang nangyari ngayon sa campus. Di ko nakita si Rhys pero nag iwan ako ng sulat kanina para sa kanya.

Agad naman akong humiga sa kama. Nakakapagod din ang araw nato plus di ko pa nakita si Rhys.

Kinapa ko ang cellphone ko ng bigla itong nagvibrate.

From 0946*******
Hello.

Napakunot naman ako ng mabasa ang text. Sino to? Si Nathan ba to?

To 0946*******
Hi. Sino to?

Mga ilang minuto bago ito ng reply sakin.

From 0946*******
It's Rhys.

Halos maitapon ko ang cellphone ko ng mabasa ang text. Totoo ba to? Baka niloloko lang ako eh. Si Rhys? Magtetext sakin? Wow. Di naman yata yun kapanipaniwala.

To 0946*******
Yung totoo po. Di po ako nakikipagbiruan.

From 0946******
I'm serious. Si Rhys nga ito.

Nainis naman ako bigla. Pinagloloko ba nila ako? Di nalang ako nagreply sa kanya baka mauto pa ko eh.

Maya maya ay nag ring ang cellphone ko.

0946****** calling...

Sinagot ko naman ito. Nakakainis lang.

Hello?

Hi Russel. Si Rhys ito

Hindi ako nakapagsalita ng marinig ang boses niya. Si Rhys nga talaga. Bigla namang lumakas ang kabog ng puso ko.

Hello Russel? Nanjan ka pa ba?

H-ha? Ah eh O-oo

So? Naniniwala kana? Si Rhys to. Hiningi ko number mo kay Nathan.

Halos sumigaw ako sa kilig. Siya pa talaga ang humingi ng number ko.

Bakit?

Wala lang. Gusto lang kitang makilala.

Di ako nakapagsalita at bigla kong na end ang tawag. Totoo ba talaga to?

From 0946******
Uy. Bat mo inend? Where are you?

To 0946******
Rhys. Baka ibang Russel ang hinahanap mo.

From 0946******
Russel Laureen. Di ba ikaw yun? Ikaw nga ang sadya ko.

To 0946*****
Ako nga. Bakit po?

Lumipas ang ilang oras ay di na siya nagreply napagtanto siguro niya na hindi ako ang Russel na hinahanap niya. Kinilig naman ako kahit papano.

Pumikit na ako at hinayaang tangayin ako ng antok. Pero di talaga maiwasang isipin yung nangyari kanina. Nakakakilig lang.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon