Rhys
Simple. One word to describe her. Minsan tinititigan ko siya habang naglalakad kami papunta sa bahay nila. I'm not used to this palagi kasi akong nakasakay sa kotse kasama ang tropa.
Tahimik lang siya at nakatingin lang sa daan. Wala din naman akong balak na makipagkwentohan sa kanya. Ano naman ang pag uusapan namin? Kaya tahimik lang kami na naglalakad.
Walang masyadong tao at sasakyan sa dinadaanan namin. Medyo pagod na din ang paa ko. Natitiis talaga niyang mag lakad ng ganito? Pwedi naman siyang sumakay eh hindi naman siguro kamahalan ang pamasahe.
Huminto siya sa tapat ng isang bahay. Simple lang din ito at di kalakihan sakto lang. Sinabi niya na dito na lang daw siya. Tinignan ko muna ang bahay.
"Pwedi maki-inom? Uhaw na uhaw na talaga ako eh. Nakakapagod maglakad.
Kumunot naman ang noo niya. Ngumiti ako sa kanya. Nakakatuwa kasi ang expression niya. Agad naman siyang pumasok at sumunod na lamang ako.
Maganda at malinis ang loob ng bahay. Simple lang talaga. Tinignan ko siya habang kumukuha ng tubis sa loob ng mini ref. Nagtataka naman ako. Wala ba siyang kasama dito?
Tinanong ko siya tungkol sa parents niya at sinabi niyang wala na ang mga ito. Nalungkot naman ako sa sinabi niya. So siya lang talaga ang tao dito? Ayos to. Malaya akong makakabisita sa kanya.
Gusto na talaga niya akong umuwi na dahil tanong siya ng tanong kung hindi pa ba ako uuwi. Nagtaka naman ako kung bat atat siyang paalisin ako ang iba kasing babae halos di ako pinapauwi eh.
Lumabas na ako sa kanila pero bago ako tuluyang umalis ay tinignan ko muna siya na ngayon ay nakayingin din sa akin. Tumalikod na lang ako at ngumiti.
Sakto naman na nag ring ang cp ko.
Nathan calling...
"Kumusta ang first day?" Tanong agad niya.
Napangiti naman ako.
"Success pare".
BINABASA MO ANG
Shattered
Подростковая литература"Ayoko lang kasing masanay na palagi kang nandito sa tabi ko. Alam ko naman na iiwan mo lang ako". Malungot niyang sabi at dahan dahan niyang isinara ang pinto. A S H E Y R E E H E Y