TK_8

34 1 0
                                    

Russel's

Agad kong inihulog ang sulat sa locker ni Rhys at nagtungo na sa rooftop ng school namin. May para kasing orchidarium dun at talagang napakaganda pero konti lang ang pumupunta dun.

Nang makarating ako ay agad akong umupo sa bench na nasa loob ng orchidarium. Ako lang yata ang tao dito ngayon minsan kasi may nakakasabay ako dito pero di ko naman sila kilala.

Tinitigan ko na lamang ang mga bulaklak na naka paligid sa akin. Nagulat ako ng magring ang cp ko.

Rhys calling...

Nagtaka naman ako kung bat siya tumatawag. Tinitigan ko muna saglit at sinagot ko na bago pa ma end ang call.

"H-hello?" Nagtataka kong sagot sa tawag.

"Hey Russel. Asan ka ngayon?" Masigla niyang tanong.

"Sa school" mahina kong sabi.

"Saan? Nandito din naman ako. I don't see you" naiinis niyang sabi. Hala? Bat nagalit bigla?

"Sa rooftop" sabi ko.

"Anong ginagawa mo diyan?" Inis niyang sabi.

Bat ba naiinis siya?

"Ha? Eh-" Hindi na ako nakasagot dahil bigla niyang inend ang tawag. Kainis ha ako pa talaga ang binabaan?

Di ko na lamang pinansin ang nangyari. Naiinis ako dahil kapag nanjan si Rhys ang galing kong umarte na parang wala lang pero kapag wala siya ay hinahanap hanap ko siya at di mapigilang kiligin sa tuwing iniimagine ko siya.

"What are you doing here? Bat ka nandito?" Nagulat na lamang ako ng may magsalita sa harap ko.

Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko ang gwapong mukha ni Rhys na nakatitig sakin. Di ko mabasa ang expression sa mukha niya.

"Ha? Eh. Tambayan ko kasi dito" seryoso kong sabi at yumuko na. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko kaya umusog na lamang ako.

"Kumain kana? I brought some foods" sabi niya habang inilalabas ang pagkain mula sa paper bag.

Tumingin naman ako sa kanya. Nagtataka lang kasi ako kung bakit all of the sudden lumalapit sya sa akin. Ayoko namang mag assume na gusto niya ako pero bakit siya lumalapit sakin?

"Bat ka nandito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Coz you're here" sabi niya at pinagpatuloy ang pagkuha ng mga pagkain sa paperbag.

Tinitigan ko naman siya at sakto din na timingin siya sa akim. Ang seryoso niya kaya napaiwas na lamang ako ng tingin.

Please Rhys, wag moko paasahin.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon