t w e n t y f o u r

54 2 4
                                    

Para akong akyat bahay na naghihintay ng tsempo para lusubin ang bahay niya. Nandito lang ako sa kotse at pinagmamasdan ang bahay niya. Bukas ang mga ilaw ng bahay sigurado ay nanjan siya sa loob.

Maya maya ay bumukas ang pinto. And there I saw her. Lumabas siya at tumingin sa langit. Ngumiti naman siya and somehow napangiti din ako.

I never wanted to hurt her. I admit that hindi ko naman siya mahal pero I always want her to be okay. Umupo siya and parang gusto ko din umupo katabi niya.

Maya maya ay nag ring ang cellphone ko. It's her.

I answered the call. Matagal kaming tahimik at pinagmasdan ko lamang siya.

"Russel?" Malambing kong sabi. Gusto ko din naman siyang makausap.

Then she cried. I really don't want to see her like that. Kahit papano ay di ko siya gustong masaktan.

Ayoko nang isipin ang pinagusapan namin. Ayokong maalalang nasasaktan siya. Nandito parin ako sa labas ng bahay nila at alam kong gising pa siya.

To: Russel
Sleep. I'm sorry sana mapatawad mo ako kahit di ngayon"

Naguguilty kasi ako sa mga ginawa ko sa kanya. Gusto kong makasama siya ngayon at bumawi sa kanya. Pero bakit ko naman gagawin iyon? Dapat nga maging masaya ako dahil natapos na din to pero bakit parang nasasakta din ako.

Siguro ay dahil naging malapit kami sa isa't-isa. I don't love her--- yet.

Nag beep ang cellphone ko and it was her.

From: Russel
Ok lang. Alam ko naman na iiwan mo lang ako.

Nalungkot naman ako bigla. Russel? Bat ka ba ganito?

Bumaba ako sa kotse at pumunta sa bahay niya. Ayokong pumasok pero napunta ako dito.

Para akong tanga na nakatayo dito. Nag aalinlangan ako kung tatawagin ko ba siya o hindi nalang.

I was about to call her ng mamatay ang ilaw ng kwarto niya.

Maybe not. Good night Russel-------babe

Tumalikod na lamang ako at naglakad na pabalik ng kotse. Pinaandar ko na ito at umalis na.

Gusto ko lang talagang makita siya palagi. Nasanay na kasi ako na palagi ko siyang nakikita. I miss her silence. Namiss ko yung mga tingin niya sa akin na para bang nahihiya siya kapag tinititigan ko siya.

I smiled nang maalala ko ang mga yun.

I'll make things right Russel.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon