Russel's
KAMI NA. Di parin ako makapaniwala. Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin sakin. Easy to get. Pauto agad pero di niyo alam ang nararamdaman ko. Handa akong masaktan basta siya ang dahilan. Gustong-gusto ko siya at di ko papalampasin ang pagkakataong maging boyfriend siya.
Nakatitig lang ako sa notebook ko habang patuloy na nag didiscuss ang prof namin. Lutang ang isip ko at si Rhys lang ang laman ng utak ko ngayon.
Ano kaya ang gagawin ko kapag magkasama kami. Di parin kasi mag sink in sa utak ko na kami na. Dinismiss na kami ng prof namin kaya lumabas ako kaagad. Nakita ko si Rhys na nakasandal sa pader katapat ng pinto namin.
Nang makita niya ako ay ngumiti siya. Kinilig naman ako. Tinitignan siya ng mga babae na napapadaan sa kanya pero di niya ito pinapansin dahil nakatingin lang siya sa akin.
"Babe" He said at hinalikan ang pisngi ko. Halos magwala naman ako sa ginawa niya pero di kasi ako showy eh. Tinatago ko lang ang nararamdaman ko.
"Hi" mahina kong sabi sa kanya. Tumawa siya ng konti at ginulo ang buhok ko.
"Cute. Lunch tayo babe kasama tropa ko" sabi niya sakin. Kasama tropa niya? Bigla naman ako kinabahan di kasi ako marunong makisama sa iba.
Ngumiti ako ng alanganin sa kanya. Ayoko namang tanggihan siya baka sumama loob niya sakin. Tumango na lamang ako at tinungo na namin ang canteen.
Nang makarating kami sa table ng tropa niya ay tumingin sila sa amin more like sa akin. Nailang tuloy ako sa mga titig nila sa akin.
"Si Russel girlfriend ko. Babe tropa ko" pakilala niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanila at nakangiti sila sa akin. Parang may iba sa mga ngiti nila.
Pinaupo ako ni Rhys sa tabi niya. Umorder siya ng pagkain namin kaya ako naiwan ako kasama ang tropa niya.
"So Russel pala pangalan mo" sabi nung isa. Di ko kasi alam pangalan nila eh.
"Oo" tipid kong sagot. Tinitigan naman nila ako. Naiilang talaga ako. Gusto ko sanang mag excuse na pupunta muna sa banyo kaso nandito na si Rhys.
"Inaway kaba nila babe?" Tanong niya sa akin. Umiling naman ako. Inilapag na ni Rhys ang pagkain sa mesa ko. Egg pie alam kaya niya na paborito ko ito?
Na o-OP na ako kanina pa. Para kasing wala lang ako dito eh. Busy si Rhys na nakipagkwentuhan sa tropa niya habang ako ay nakikinig laman sa kanila.
Nahagilap ko si Nathan na nakatingin sa akin. May kakaiba sa tingin niya. Para siyang naaawa sakin. Awa yun ang nakarehistro sa mga mata niya.
"Ok ka lang?" Tanong ni Rhys sa akin kaya tumango na lamang ako.
Tumingin naman ang tropa niya sa akin. Iba talaga tingin nila sa akin.
Pagkaawa.
BINABASA MO ANG
Shattered
Ficțiune adolescenți"Ayoko lang kasing masanay na palagi kang nandito sa tabi ko. Alam ko naman na iiwan mo lang ako". Malungot niyang sabi at dahan dahan niyang isinara ang pinto. A S H E Y R E E H E Y