Ang gusto ko lang naman kanina ay lumapit siya. Gusto ko lang makatabi siya pero di niya ginawa. Pero okay lang mawawala din ito.
Di niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Ayoko sanang gawin yun pero di ko lang kasi mapigilang magparamdam sa kanya para maalala niya naman na nandito ako.
Ngayon lang naman to eh. Siguro ay wala lang siya sa mood kaya di ko nalang poproblemahin yung kanina. Napangiti ako ng maalala na bukas na ang monthsary namin. Ang bilis talaga ng panahon.
Nag ipon talaga ako para makabili ng pang regalo sa kanya. Relo ang napili ko. May kamahalan nga lang pero ok lang kasi kasya naman ang naipon ko pero sana ay magustuhan niya iyon.
Natulog na ako ng maaga dahil napagod ako sa paglalakad para bumili ng regalo ko sa kanya.
Kinaumagahan ay may na tanggap ako na mensahe galing kay Rhys. Magkikita daw kami sa coffee shop.
Natuwa naman ako.
Agad akong naligo at nag ayos para sa lakad namin ngayon. Kailangan kong magmadali dahil maglalakad pa ako patungo dun medyo malayo ng kaunti yun.
Pagkatapos kong mag ayos ay kinuha ko na ang maliit na paperbag na naglalaman ng regalo ko. Agad akong umalis at nagmamadaling tinungo ang daan papunta sa coffee shop.
Nang makarating ako ay nakita ko si Rhys sa isang table at ang tropa niya sa kabila.
"Hi. Sorry natagalan" mahina kong sabi at umupo na kaharap siya. Tinignan naman niya ako ng seryoso.
"Naglakad ka lang?" Tanong niya.
Tumango naman ako. "Hindi naman masyadong malayo"
Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.
"Russel, let's talk" seryoso niyang sabi.
Tinignan ko naman siya at ngumiti.
"Okay. Tungkol saan?" Mahina kong tanong.
Tumingin naman siya sa mga tropa niya saglit at bumalik ang tingin sa akin.
"About us" mahina niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Shattered
Fiksi Remaja"Ayoko lang kasing masanay na palagi kang nandito sa tabi ko. Alam ko naman na iiwan mo lang ako". Malungot niyang sabi at dahan dahan niyang isinara ang pinto. A S H E Y R E E H E Y