f i v e

56 1 0
                                    

Nagising ako ng maaga at di ko talaga maiwasang isipin si Rhys. Patay na patay ba? Sorry naman talagang tinamaan ako sa kanya eh.

Agad akong nagbihis at nagsimula ng kumain. Kailangang matapos ako agad dahil maglalakad pa ako papasok. Eh tipid mode kasi ako eh.

Nagsimula na akong maglakad. Sinaksak ko ang earphones ko sa tenga at nagsimula ng magpatugtog. Max volume para feel mo ang kanta.

Nang makarating na ako sa campus ay agad akong dumeritso sa locker ko at kinuha na ang mga gamit ko pero bago pa ako pumasok sa room namin ay huminto ako saglit sa locker ni Rhys para maghulog ulit ng sulat.

Agad naman akong kumaripas ng takbo. Mahirap na baka makita pa ako.

Nakikinig lang ako sa prof namin at pagkatapos nun ay pumunta ako agad sa cafeteria umorder ng pagkain at pumwesto na sa mesa na parang pagmamay-ari ko na.

Kinuha ko ang notebook ko at nagsimula ng magsulat para sa susunod na ihuhulog ko sa locker ni Rhys.

"Hi" agad naman akong napatingala sa nagsalita. Literal na huminto ang mundo ko ng makita ko si Rhys sa harapan ko.

"Pwedi bang maki upo?" Tanong niya.

Nabalik naman ako sa realidad. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang barkada ni Rhys na nakatingin sakin.

"Ha? Eh. Bakit?" Tanong ko sa kanya. Wala akong ibang masabi eh.

Umupo naman siya. Nakita ko na nakangiti ang barkada niya sa amin. Nainis ako bigla kahit patay na patay ako sa kanya naiinis parin ako.

"Pinagtitripan niyo ba ako?" Seryoso kong tanong sa kanya at tumingin ng deretso sa kanya.

Mukhang nagulat naman siya sa tanong ko pero ngumiti naman siya.

"Hindi. Bawal bang makiupo?" Ngiti pa niya.

"Nandun kasi barkada mo oh. Tsaka di pa naman puno ang mesa nila" paliwanag ko sa kanya.

Di naman niya pinansin ang sinabi ko. Kumain lang siya at tinignan ako.

"I texted you last night. Tumawag pa nga ako eh" bigla niyang sabi.

Napatulala ako sa sinabi niya. So siya talaga yung kagabi? Bakit naman niya ako etetext?

"Bakit ka nagtext?" Tanong ko sa kanya.

Tinitigan naman niya ako kaya napayuko ako dahil ayoko talagang makipagtitigan sa kanya tumawa naman siya ng mahina.

"I want to know you" seryoso niyang sabi.

Napatingin naman ako sa kanya. Bakit naman? Bat moko gustong makilala?

Hindi na ako nagsalita at ibinalik ang atensyon ko sa sinusulat ko pero bigla kong naalala na nandito si Rhys kaya agad kong ipinasok sa bag ang notebook ko.

Akmang tatayo na ako ng magsalita si Rhys.

"I'll walk you home Russel" seryoso niyang sabi.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon