Bumalik nalang ako sa coffee shop at kinuha ang mga gamit ko. Wala na din dun sina Aries. Naalala ko ang binigay sa akin ni Russel kanina. Kinuha ko ang paperbag at tinignan ang laman.
Relo. May naka attach din na card kaya binasa ko ito. Nasaktan at nalungkot naman ako sa pagbasa.
Happy Monthsary Rhys. I love you. Salamat sa pagpapasaya sa akin. Sana magtagal pa tayo.
P.S. sana magustuhan mo. pinag-iponan ko talaga to. Hehe I love you.
Agad kong tinawagan si Russel hoping na sasagutin niya ang tawag ko pero wala yata siyang planong sagutin iyon. Umalis na lamang ako at tinahak ang daan mag isa.
Hindi ko naman akalain na mahuhulog talaga siya sa akin. I even took her purity. Naaawa lang talaga ako sa kanya dahil in the first place wala naman talaga siyang ginawang mali.
Sinuot ko ang relo na bigay niya. Napangiti naman ako at di ko alam kung bakit. Hanggang sa di ko namalayan na papunta na pala ako sa bahay niya.
Nandito lang ako sa kotse at tinitignan ang bahay niya. Ayoko namang magpakita sa kanya dahil alam kong ayaw pa niya akong makita.
Biglang bumukas ang ilaw sa pinto at kasabay din ang paglabas niya. Nakaripped jeans at itim na sweater siya at mejo messy ang buhok pero maganda parin siya.
Tumingin tingin siya sa paligid at umupo sa may pintuan. May hinihintay ba siya? Mukhang wala naman. Nakatingin siya sa cellphone niya. Agad ko namang kinuha ang cp ko baka sakali ay tinext niya ako.
Pero wala eh. Walang text mula sa kanya. Hanggang sa tumayo na siya at pinatay ang ilaw sa loob ng bahay at tanging ang ilaw na lang sa kwarto niya ang nakabukas.
Out of the blue ko siyang tinext.
To: Russel
I'm sorry.Maya maya pa ay wala ng ilaw na nakabukas sa bahay niya kaya umalis na lamang ako at umuwi na.
She's okay. Ok na din ako na makita siya.

BINABASA MO ANG
Shattered
Ficção Adolescente"Ayoko lang kasing masanay na palagi kang nandito sa tabi ko. Alam ko naman na iiwan mo lang ako". Malungot niyang sabi at dahan dahan niyang isinara ang pinto. A S H E Y R E E H E Y