t w e n t y

37 1 0
                                    

Tumingin naman siya sa akin ng seryoso. Napabuga ako ng hangin. Saan ba ako magsisimula?

"Let's end this" seryoso kong sabi sa kanya. Mukhang nabingi naman siya sa sinabi ko dahil hindi siya umumik.

"Bakit?" Mahina niyang tanong. Kumirot naman ang dibdib ko alam ko kasing nasasaktan siya pero kailangan ko tong gawin. Ayoko ng magpanggap pa.

"It's just a bet. Yung panliligaw ko sayo yung relasyon natin. Pustahan lang yun" seryoso kong sabi. Napayuko naman siya sa mga sinabi ko.

Matagal din kaming tahimik. Tapos bigla siyang umimik.

"Nagpanggap ka lang?" Mahina niyang tanong.

Tumango ako. Tumingin naman siya kina Aries pero agad din siyang tumingin sa akin at yumuko.

"Masaya ka ba sa akin nun?" Tanong niya ulit.

Yes I was. Pero di ko sinagot ang tanong niya. Pareho lang kaming tahimik.

"Wag muna lang sagutin" bulong niya at tumayo na rin. Aalis na sana siya pero napatigil siya at lumapit sa akin. Akala ko ay sasampalin niya ako pero inabot lang niya sa akin ang maliit na paperbag.

"Para sayo. pero kung ayaw mo ibigay mo na lang sa iba. Sige mauna na ako" mahina niyang sabi. Puno ng sakit ang tono ng pagsasalita niya.

Tinignan ko lang siya habang palabas na sa pinto. Umuulan sa labas kaya tumayo na rin ako at sinundan siya pero wala na siya kaya agad akong sumakay sa kotse at pinaandar na ito at tinahak na ang daan patungo sa bahay niya.

Tinawagan ko siya pero ring lang ng ring ang cp niya.

Where are you Russel?

Malapit na ako makarating sa kanila at nakita ko siyang naglalakad at basang basa sa ulan. Bumaba na ako ng kotse at tumakbo patungo sa kanya.

"Bat kaba nag papaulan?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Wala akong payong" mahina niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya. "Sakay"

"Wag na. Sige na alis na malapit na naman ang bahay eh" sabi niya.

"Russel. Halika na" sabi ko at hinila siya.

"ANO BA RHYS ! SINABING OK LANG AKO EH ! DI KO NAMAN KAILANGAN NG TULONG MO ! WAG MO NA AKONG SAKTAN PA !" Sigaw niya sa akin at tumakbo na palayo.

Napako naman ako sa kinatatayuan ko.

I'm really sorry babe.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon