Rhys'
Ilang araw na din akong nakakatanggap ng mga sulat sa tuwing binubuksan ko ang aking locker. Natutuwa naman ako sa mga sulat na binabasa ko. I wonder kung saan galing to.
Pagkatapos ng klase ay pumunta na kami sa cafeteria. Nagkakatuwaan lang. Hanggang sa nakita ko siya. Yung babaeng palaging mag isa.
Tinignan ko siya hanggang sa makarating siya sa sulok ng cafeteria at mag isang kumain. Natuon naman ang atensyon ko sa mga kaibigan ko ng mag halakhakan sila.
Maya maya pa ay biglang nag salita si Aries. "Rhys, tignan mo yung babaeng yun oh. Kanina pa tingin ng tingin sa iyo"
Tinignan ko naman kung sino ang tinutukoy niya at nakita ko yung babaeng loner na nakatingin sa akin at parang lutang ang isip.
Napansin niya siguro na tinititigan siya namin kaya bigla siyang nag look away at yumuko na.
Na weweirdohan ako sa babaeng yan. Palagi ko kasi siyang nakikitang mag isa lang at palagi ko siyang nakikita bago ako umuwi. Hindi naman ako nag aasume na sinusundan niya ako pero araw araw ko kasi siyang nakkikita sa parking lot eh wala naman siyang sasakyan.
Patuloy parin siyang kumakain habang ako naman ay tinitigan siya. Ang weird niya talaga.
"Ligawan mo pare mukhang deads sayo eh" matawa tawang sabi ni Aries.
Umiling naman ako "Di ko type eh"
"Sus. Sabihin mo nalang torpe ka at mahina ka sa mga babae" biro nila.
Nainis naman ako bigla sa sinabi nila.
"Alam mo naman na lahat ng gusto ko ay nakukuha ko" proud kong sabi.
"Talaga? Patunayan mo nga" pang aasar ni Drake.
"May naisip ako !" Biglang sigaw ni Timothy
Sinabi naman niya ang kanyang plano at sumang-ayon naman kami.
"Ako nalang bahala sa first step" sabi ni Nathan.
Tumango naman sila at pati na din ako.
"One month" sabi ni Timothy at tumango naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/80475287-288-k115784.jpg)
BINABASA MO ANG
Shattered
Teen Fiction"Ayoko lang kasing masanay na palagi kang nandito sa tabi ko. Alam ko naman na iiwan mo lang ako". Malungot niyang sabi at dahan dahan niyang isinara ang pinto. A S H E Y R E E H E Y