e i g h t e e n

39 1 0
                                    

Nakuha ko siya. I devirginized her. Hindi ko akalaing magagawa ko yun sa kanya but hell she felt so good. Mas sumubra ang guilt na nararamdaman ko sa kanya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguilty na ako sa kanya. Nawala ako sa pag iisip ng mag vibrate ang cp ko.

From: Russel
Good morning Rhys :)

Nalungkot naman ako. I ignored her text at pumikit nalang para mawala ang mga nasa isip ko.

Pumasok na ako at nagtungo na sa canteen. Late na kasi ako pumasok. Nakita ko sina Aries at nagtungo na ako sa table nila.

"Nakita ko girlfriend mo" sabi ni Nathan. Tinignan ko naman siya.

"Saan?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng nakakaloko.

"Uy. Gusto niya alamin. Nahulog na kasi" kantyaw pa nina Aries. Di ko na lamang sila pinansin.

Then I saw her. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti ng konti at nagtungo na sa usual spot niya. Umupo na siya at nilabas niya ang baon niya.

Hindi ako lumapit sa kanya at di ko alam kung bakit. Patuloy parin sa pag tatawanan sina Aries pero di ako nakikinig sa mga sinasabi nila. Tinitigan ko lang si Russel.

Ayokong lumapit sa kanya dahil ayokong masaktan lang siya lalo at lumala ang pagka guilty ko sa kanya.

"Malapit na kayong mag one month" sabi ni Nathan.

Tumingin naman ako sa kanila.

"Anong plano mo?" Tanong ni Aries.

Ano nga ba ang plano ko?

Di ko nalang sinagot ang tanong nila at tinignan ulit si Russel. Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad. Nang dumaan siya sa amin ay tinignan niya ako.

"Mauna na ako Rhys" mahina niyang sabi at umalis na.

Gusto ko sana siyang sundan pero di ko nagawa.

I just can't.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon