TK_6

42 1 0
                                    

Hindi ako mapakali ngayon dahil kasama ko si Rhys na naglalakad pauwi. Di ko maiwasang yumuko at tignan ang mga hakbang namin.

"Bat ka naglalakad lang?" Seryoso niyang tanong sakin.

"Ah. Eh walking distance lang kasi ang bahay namin at tsaka nagtitipid ako" seryoso kong sabi. Tinignan naman niya ako pero hindi siya nagsasalita.

Nahiya naman ako bigla. Patuloy lang ang paglalakad namin na walang nagsasalita. Di ko kasi ma explain ang nararamdaman ko ngayon eh.

Hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay ko. Huminto ako at humarap kay Rhys.

"Nandito na tayo. Salamat" nahihiya kong sabi.

Tinignan muna niya ang bahay at tinignan ako.

"Pwedi maki-inom?" Tanong niya.

Binigay ko ang baso ng tubig kay Rhys at ininom naman niya ito agad.

"Kaw lang mag isa dito?" Tanong niya.

"Oo" tipid kong sagot.

"Nasaan parents mo?" Tanong ulit niya. Ang kulit naman nito.

"Wala na sila" mahina kong sagot.

Bigla naman siyang natahimik at nakatingin lang sakin.

"Sorry" seryoso niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.

Agad ko naman itong binawi sa kanya.

"Okay lang. Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong nandito siya pero nahihiya talaga ako sa kanya. Big time.

Tumayo naman siya. "Sige mauna na ako"

Inihatid ko naman siya sa gate. Tumingin muna siya sa akin bago umalis ng tuluyan.

Tinignan ko lamang siya hanggang sa di ko na siya nakita pa. Ano naman ang ibig sabihin nito? Ayoko naman mag assume eh pero siguro ay gusto lang niya akong maging kaibigan.

Kaibigan lang talaga?

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon