"Rhys. Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko habang nakayuko. Bigla niya kasi akong hinila kanina at ngayon ay nandito kami sa isang kwarto at sa tingin ko ay sa kanya 'to.
Hindi siya sumagot at humiga na sa kama habang ako ay nanatiling nakatayo sa may pinto.
Makalipas ang ilang sandali na walang nagsasalita ay tumayo si Rhys at humakbang patungo sakin habang ako ay napako sa kinatatayuan ko.
"Who was that guy?" Seryoso niyang tanong sakin.
"Hindi ko nga kilala nakiupo lang siya hinihintay niya girlfriend niya" ewan ko ba kung bakit nagpapaliwanag pa ako sa kanya.
Hinawakan niya ang pisngi ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.
He weakly smiled.
"Madamot ako Russel at mas lalong gahaman ako. I want you all for myself" seryoso niyang sabi.
"Para lokohin? Wow" mahina kong sabi pero sinadya kong iparinig sa kanya.
He smiled. "Just watch" he kissed my forehead.
Hindi ko siya maintindihan. Katulad ngayon sweet siya tapos maya-maya magiging cold yan.
My heart was racing fast and one more move from him siguradong mararating ng puso ko ang finish line.
"I missed you so bad" Bulong niya.
"Ano na naman 'to Rhys? Lokohan ulit? Maawa ka naman sakin oh. Wala naman akong ginawang masama sayo" medyo inis pero naiiyak kong sabi.
Ayokong umasa sa mga pagpapakilig niya. I just wanted to be loved seriously and honestly.
Hindi ko siya matignan kasi baka di ko kayanin at siguradong madudurog na naman ako neto.
"Hindi naman kita niloloko. Why can't we be like this? We were a couple back then" matamlay niyang sabi.
"We were never a couple. One sided yun! Ako lang yung nagpakatanga sayo! I was trying to be the girl that would make you happy! Nakakagago lang kasi kahit anong iwas ko sayo ikaw naman tong lumalapit. Rhys please, wag mo na akong ganituhin" hindi ko na talaga napigilan na umiyak sa harapan niya.
"Sorry. Please wag kana umiiyak nasasaktan ako" lumapit siya sakin at ikinulong ako sa mga braso niya. He kept on kissing the top of my head and saying 'sorry' for the nth time.
"I just wanted to be happy" hikbi ko.
"I am your happiness. Please stop crying, babe" Sabi niya at mas lalong humigpit ang yakap niya.
"Mahal kita Rhys pero this love is my destruction" sabi ko at hinayaang yakapin niya ako. I need his warmth. I need his embrace. I need him.
"Then i'll fix you. Please wag kang humintong mahalin ako"
With that he claimed my lips.

BINABASA MO ANG
Shattered
Teen Fiction"Ayoko lang kasing masanay na palagi kang nandito sa tabi ko. Alam ko naman na iiwan mo lang ako". Malungot niyang sabi at dahan dahan niyang isinara ang pinto. A S H E Y R E E H E Y