s i x t e e n

34 1 0
                                    

Russel's

Alam ko naman na dadating ang panahon na matatapos din kung ano ang nasa amin ni Rhys. Ang tanong lang kung hanggang kailan.

Kasalukuyan akong nagsusulat para sa ihuhulog ko bukas sa locker niya. Hanggang ngayon kasi ay ginagawa ko pa din ito kahit KAMI na.

Biglang umilaw ang cp ko kaya binuksan ko ito at tinignan kung saan galing ang mensahe.

From: Rhys
Goodnight babe. Wag ka nman mag isip ng ganun.

Hindi Rhys. Alam ko kasi na may kataposan ang lahat ng ito. Ramdam ko eh.

To: Rhys
K. Goodnight

Pinatay ko na ang cp ko at humiga na sa kama. Kailangan kong matulog ng maaga may klase pa ako bukas ng alas syete.
__________

Agad akong nagtungo sa locker ni Rhys at binilisang ihulog ang sulat at pagkatapos nun ay tumakbo na ako palayo. Wala pa namang masyadong tao sa room pagdating ko.

Naisipan kong e.text si Rhys. Ang cold ko kasi kagabi ayoko namang maging ganun din siya sa akin.

To: Rhys
Hi Good Morning Rhys :)

Di ba yun naman talaga ang ginagawa ng mag syota di ba? Magtetext palagi sa isa't-isa. Magpaparamdam palagi para hindi magsawa at humanap ng iba.

Maya maya ay biglang nag beep ang cp ko.

From: Rhys
Good morning too babe.

Napangiti ako. Yung dating tinitignan ko lang ngayon ay akin na. Hanggang kailan kaya kami ganito?

Nung dinismiss na kami ay di muna ako umalis at tinapos muna ang assignments ko. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako. Agad akong nagpunta sa rooftop.

Gusto ko talaga dito tumambay. Nawawala kasi ang lungkot ko kapag  nakatitig ako sa mga bulaklak dito.

"There you are" Si Rhys. Agad niyang niyakap ang likod ko at hinalikan ang pisngi ko.

"Hi" mahina kong sabi sa kanya. Humarap naman siya sa akin at hinalikan ang ilong ko.

Rhys. Please wag kang ganito! Mahihirapan ako neto.

"Happy birthday" malawak na ngiti niya.

Birthday ko?

Kumunot naman ang noo ko. Pano niya alam?

"Girlfriend kita kaya alam ko" mahina niyang sabi. Para namang nabasa niya ang iniisip ko.

Girlfriend. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon