Russel's
Ayoko sanang pumasok ngayon pero kailangan ko. Medyo makulimlim ang langit at mahangin din. Umalis na ako ng bahay at nagsimula ng maglakad.
Grabe ang ginaw. Niyakap ko na lamang ang sarili ko dahil kahit naka sweater ako ay tagos parin ang lamig sa aking balat. Nasasaktan ako sa tuwing maaalala ko si Rhys. Akala ko kasi magiging masaya na ako pero hindi pala.
Tinext niya ako kagabi pero mas lalo akong nasaktan. Minahal ko na kasi siya. Binigay ko nga pagkababae ko sa kanya. Tumingin ako sa paligid. Gusto ko siyang yakapin ngayon.
Nang makarating ako sa room namin ay tahimik lang akong nakatingin sa bintana minamasdan ang bawat pag ihip ng hangin sa mga dahon.
Pagkatapos ay di na ko pumunta sa canteen dahil alam kong nandun sila at tiyak pagtatawanan nila ako. Pumunta na lamang ako sa rooftop at umupo na sa bench.
Agad kong inilabas ang baon kong pagkain at nagsimula ng kumain ng tahimik. Nakatitig lang ako sa mga halaman. Medyo nalungkot naman ako ng maalala ko si Rhys.
Pumupunta kasi siya dito kapag di niya ako mahanap dahil dito lang naman ako pumupunta. Pero walang Rhys na nagpakita ngayon. Tanggap ko naman na hindi ako naging importante sa kanya.
Nag beep ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino.
From: +63946********
Nasaan ka?Kumunot naman ang noo ko. Sino to? Impossible namang si Rhys to. Naka save pa kasi ang number niya sa akin.
To: +63946********
Sino to?Kailangan ko na sigurong magpalit ng number.
From: +63946********
Ay. Sorry wrong number.Nag roll eyes naman ako. Kainis akala ko pa naman si Rhys na yun. Umaasa kana naman Russel. Kahit kasi sinaktan niya ako parang hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Bumaba na ako ng rooftop at napagdesisyonan ko nang umuwi. Nakakatamad kasi at isa lang naman ang subject ko ngayong hapon.
I froze. He's here. Nagkatitigan lang kami dito sa may hagdan. Pupunta ba siya ng rooftop? Agad akong nag look away at nagmamadaling bumaba na.
"Mag ingat ka. Baka mahulog ka at iba ang sasalo sa iyo" seryoso niyang sabi. Di ko na pinansin ang sinabi niya at deretso na akong bumaba.
Damn Rhys! Pano ako neto makaka move on?
![](https://img.wattpad.com/cover/80475287-288-k115784.jpg)
BINABASA MO ANG
Shattered
Teen Fiction"Ayoko lang kasing masanay na palagi kang nandito sa tabi ko. Alam ko naman na iiwan mo lang ako". Malungot niyang sabi at dahan dahan niyang isinara ang pinto. A S H E Y R E E H E Y