t w e n t y t h r e e

47 1 0
                                    

Agad akong humiga sa kama ko. Mahal ko talaga siya at nasasaktan ako dahil kahit isang buwan lang nagkakami ay pinasaya niya talaga ako.

Akala ko pa naman ay gusto din niya ako. Umeffort kasi siya eh. Dinadalaw niya ako sa bahay. Sinasabayan kumain. Pati yung surprise niya sa birthday ko. Akala ko talaga totoo na eh. Akala lang pala.

Mahal ko siya eh. Noon pa man may gusto na ako sa kanya. Inaabangan ko siya palagi sa parking lot. Pumupunta ako ng canteen para makita siya kahit ayaw kung gumastos kasi di naman ako mayaman eh. Tinitignan ko siya palagi kahit nasa malayo.

Tumutulo na ang luha ko pero ayokong punasan ang mga ito. Alam ko naman na matatapos din yun pero hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan.

Gusto ko siyang tawagan. Gusto ko marinig ang boses niya. Gusto kong nandito siya.

Tinignan ko ang cellphone ko. Gusto ko talaga siyang tawagan. Pero parang ang tanga ko naman nun. Ako na nga niloko ako parin naghahabol.

Di ako makatulog. Bumangon ako at bumaba sa hagdan. Gusto ko lumabas baka sakali ay dadaan si Rhys dito.

Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng napakagandang tanawin sa kalangitan. Puno ng kumikinang na bituin ang langit ngayon. Napangiti naman ako. Ang ganda kasi pero mas maganda kung nandito siya ngayon.

Umupo ako sa labas. Out of the blue kong natawagan si Rhys.

Sinagot niya ang tawag sa ikatlong ring. Matagal kaming tahimik at walang kumikibo.

"Russel?" Malambing niyang sabi.

Di ko magawang magsalita. Ang alam ko lang ay tahimik akong napaiyak nang tawagin niya ang pangalan ko. Pinahid ko naman ang luhang u!aagos sa pisngi ko.

"Please don't cry" nag aalala niyang sabi.

Paano niya nalaman na umiiyak ako? Dinig ba niya ang hikbi ko?

"I'm not" mahina kong sabi.

Nagbuntong hininga naman siya.

"Don't lie. Alam ko naman eh" medyo inis niyang sabi.

"Ang sakit kasi eh. Alam mo yun? Mahal kita eh sobra akong masaya sayo kahit di ko pinapakita. Pero ok lang Rhys. Alam ko naman na sasaktan mo lang ako".

Agad kong inend ang tawag baka di ko makayanan. Agad akong tumakbo papasok at sinara na ang pinto.

I'm drowning in pain.

Hello :) wag po kayong magtaka kung bakit maikli lang ang bawat chaps. Short story lang kasi sana ito 😊😊😊

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon