t w o

96 2 0
                                    

Napamulat ako ng makaramdam ng gutom. Agad akong bumangon at nagsimula ng maghanda ng pagkain. Umupo na ako at sinimulan ng ubusin ang kanin sa harapan ko.

Agad ko naman kinuha ang cellphone na pinadala sakin ni Tita. Tadtad ito ng stolen shots ni Rhys. Minsan kasi di ko mapigilan ang pagkuha sa kanya ng litrato.

Patay na patay ako sa kanya pero di ko iyon pinapahalata. Kyaaa! Bat ba kasi sa kanya pa ako nagkagusto?

Nagpagulong gulong na laman ako sa kama ko. Kilig na iniimagine ang mukha ni Rhys hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan paggising ko ay agad akong bumangon at naghanda na para pumasok. Kailangan kong maging maaga dahil maglalakad pa ako papasok.

Nang makarating ako sa campus ay agad kong tinungo ang locker ni Rhys at naghulog muli ng sulat. Sana naman ay mabasa niya ito. Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa room namin dahil ayokong may makakita sakin.

Tahimik lamang akong nakikinig sa klase at iniimagine si Rhys. Sorry po talagang patay na patay ako sa kanya.

Di ko namalayan na tapos na ang klase. Tumayo naman ako bigla at pumunta na ng canteen. Baka sakali ay makita ko ulit si Rhys.

Nag order na ako ng pagkain at naglakad na papunta sa bakanteng mesa na nasa sulok ng canteen. Wala naman akong pakialam kung mag isa lang ako sanay na din naman kasi ako.

Hanggang sa makita ko ang barkada ni Rhys na nagtatawanan habang siya naman ay nakikinig sa kanila. Di ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya.

Nabalik na lamang ako sa aking sarili ng makita kong pinagtitinginan na ako ng mga barkada ni Rhys at ganun din siya. Agad naman akong napayuko. Nakakahiya baka ano pa ang sabihin nila.

Pagkatapos nun ay agad akong lumabas na ng canteen at nagpunta na sa aking locker.

"Hi" nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.

Humarap ako sa kanya. Nathan napabulong ako.

Si Nathan Verano. Isa sa mga kaibigan ni Rhys. Napakunot ako ng noo ng ngumiti siya sa akin.

"H-hello" mahina kong sabi.

Tumawa siya ng mahina at ngumiti siya sa akin. Gwapo din siya katulad ni Rhys. Actually gwapo naman silang magkakaibigan pero si Rhys lang talaga ang nag standout sa paningin ko.

"Pwedi ko bang makuha ang number mo?" Mahinahon niyang sabi sakin.

Natulala muna ako saglit. Bat naman niya kukunin number ko? May gusto ba siya sakin? Ayoko din namang mag assume.

Nakatayo lang kami. Naghihintay siya at ako naman ay nanigas sa kinatatayuan ko.

Hanggang sa tumango ako at binigay na ang number ko. Wala naman sigurong masama kung ibibigay ko nu?

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon