Russel's
He kissed me. Wala akong nagawa kundi hayaan nalang ang labi niya na angkinin ang akin. Parang mababaliw ako sa nararamdaman ko ngayon.
"Thank you" He sincerely said after the kiss. Thank you for what Rhys? Ako nga ang dapat magpasalamat dahil sa saya na binigay mo sakin.
Di ako nakapagsalita at yumuko ulit. Di ko alam ang gagawin ko nahihiya lang talaga ako sa kanya. Maya maya pa ay tumayo na siya at nagpaalam na sakin na uuwi na siya.
Ni goodbye wala akong nasabi sa kanya. I am speechless right now. Nag wave siya sa akin at tsaka tuluyang lumabas na ng bahay.
Panigurado mapupuyat ako neto sa kaiisip sa kanya.
8:30 AM.
LATE na ako ng pumasok sa school kaya di nalang ako ummatend ng first sub ko. Nagtungo ako ng canteen at nakita ko si Rhys at ang tropa niya. Napadaan ako sa table nila. Akala ko papansinin ako ni Rhys pero tumingin lang siya saglit sakin at ibinalik ang attention niya sa kanyang nga kaibigan.
Deadma?
Di ko na lamang pinansin yun at umupo na sa usual spot ko. Siguro ay yun lang talaga ang pakay ni Rhys ang mahalikan ako pero di naman ako galit sa kanya. Sino ba naman ako para seryosohin niya?
Patuloy lang ako sa pagkain ng egg pie. Tss naalala ko tuloy si Rhys. Kaya napangiti ako.
"Why are you smiling, Gray?" May biglang nagsalita kaya napaangat ako ng tingin pero agad naman akong yumuko.
"Gray?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
Umupo naman si Rhys sa harapan ko at kinuha ang isang egg pie na binili ko. "Eye color mo" sabi niya.
"Sorry kanina. Di kita pinansin" seryoso niyang sabi sakin.
Tumango naman ako bilang sagot at pinatuloy lang ang pagkain ko. Nakakailang lang talaga siyang kaharap parang anytime sasabog na ako neto.
"Let's watch some movie" bigla niyang sabi sa akin.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano daw?
Tumawa naman siya ng konti at tumingin sakin.
"Let's go on a date, Gray" seryoso niyang sabi habang nakatitig parin sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Shattered
Teen Fiction"Ayoko lang kasing masanay na palagi kang nandito sa tabi ko. Alam ko naman na iiwan mo lang ako". Malungot niyang sabi at dahan dahan niyang isinara ang pinto. A S H E Y R E E H E Y