t w e n t y f i v e

48 2 2
                                        

Hello✋ this chapter ay para kay chapterKAYEreaL. Kasi siya ang kauna unahang nag vote at nag comment sa story nato kahit di ko alam kung bakit haha pero nagpapasalamat parin ako sa kanya. Many thanks ! 😘😘😘

Ayokong pumasok pero ayoko ding magmukmok dito sa bahay. Bumangon na lamang ako at sinimulan na ang routine ko.

Pagkarating ko sa room namin ay agad akong pumwesto sa sulok at sinaksak ang headset sa tenga ko. Ayokong magpadistorbo at mas lalong di ko gustong makipag usap ngayon.

Iniisip ko lang kung paano makakaiwas kay Rhys at sa mga tropa niya. Ayokong maalala ang ginawa nila at gusto ko ng magpatuloy sa napakaboring kong buhay.

I'm falling inlove but it's falling apart

I need to find my way back to the start

When we were inlove, things were better than they are

Let me back into.. into your arms

Tangna! Naisip ko na naman tuloy siya. Bat ba kasi ito pa ang napili kong kanta.

Maya maya pa ay nag dismiss na ang prof namin kaya agad akong lumabas ng room at tinungo ang rooftop at nagmamakaawa na wala dun si Rhys.

Pag-akyat ko ay agad akong pumwesto sa dati kong inuupuan. Tahimik lang ako habang minamasdan ang mga bulaklak. Maya maya ay bumukas ang pinto at kumirot ang dibdib ko ng makita ko siya.

Nag look away ako at pumasok siya. Umupo siya sa gilid.

Awkward Silence.

Ni wala sa amin ang may planong magsalita. Halos di ako mapakali sa kinauupuan ko. Nandito si Rhys pero wala akong balak na lingunin siya. Mahirap na baka masaktan na naman ako.

Maya maya ay inayos ko na ang mga gamit ko. Gusto ko ng umalis dito. Ayokong mapalapit sa kanya.

Tumayo ako at tinungo ang pinto ng bigla siyang magsalita.

"Salamat sa regalo" kumunot naman ang noo ko. Pinagsasabi niya?

Nilingon ko siya pero agad ko din binawi ang titig ko sa kanya. Mahirap na baka mapaiyak ako sa harap niya. Agad akong umalis at nagmamadaling bumaba na.

"Kahit anong iwas mo hahanapin pa rin kita" napatigil ako sa paghakbang at tumingala sa nag salita.

Di na ako nagsalita at mas binilisan ang pagbaba ng hagdan dahil naramdaman kong bumaba na rin siya. Ayoko neto. Ayokong makausap siya kahit miss na miss ko na siya.

Natapilok ako pero agad akong tumayo. Nakakahiya! Hindi ko na siya nilingon baka mas malala pa sa pagkatapilok ang mangyari sa akin.

"I told you. Mag iingat ka ayan tuloy natapilok ka mabuti naman at walang sumalo sayo" seryoso at medyong naiinis na sabi niya.

Papalapit na siya sa akin at naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko.

"Gusto ko sa akin lang. Sa akin ka lang mahuhulog at ako lang ang sasalo sayo" diin niya.

Nainis ako bigla kaya agad akong tumakbo palayo. Wala akong pakialam kung magtaka ang mga estudyante dito.

Basta ang alam ko lang ay kailangan ko ng lumayo sa kanya.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon