TK_9

35 2 0
                                    

Di ako mapakali habang kinakain ko ang egg pie na dala ni Rhys. Naiilang kasi ako dahil katabi ko siya. Siya naman ay nakatitig lang sa bulaklak na nasa harapan namin habang kumakain.

"Ahm. Rhys ok lang ako dito pwedi ka naman bumalik sa tropa mo" sabi ko bigla.

Tumigil naman siya sa pagkain pero nakatitig parin siya sa bulaklak. Nakakainggit naman ng bulaklak tinititigan siya ni Rhys.

"Bat mo ba ako tinataboy palagi?" Sabi niya at muling isinubo ang pagkain niya.

Tinataboy palagi? Siya nga halos di ako tinitignan noon.

"Ha? Hindi naman sa ganun. Baka kasi hinahanap ka na nila" seryoso kong sabi sa kanya.

"They know kung nasan ako" seryoso niyang sabi at tsaka tumingin sakin.

Sumikip naman ang dibdib ko at di ko alam kong anong e.rereact ko.

"Bat mo ginagawa to Rhys? Pinagtitripan niyo ba ako?" Seryoso kong sabi. Totoo naman eh. Bat all of the sudden pinapansin niya ako? Pinupuntahan? Tinitext? Tinatawagan? Impossile lang talaga.

Nagulat naman siya sa tanong ko pero agad siyang ngumiti at hinawakan ang tuhod ko.

"Like I said. Gusto kitang makilala" seryoso niyang sabi.

Napaiwas naman ako ng tingin at inusog ko ang sarili ko konti palayo sa kanya. Ayoko lang talagang mahalata niya na may gusto ako sa kanya baka mag take advantage pa siya.

"Kilala mo naman ako diba? Russel Laureen ang pangalan ko" seryoso kong sabi sa kanya.

Tumawa naman siya ng konti at tsaka tumingin sakin.

"you're funny. pangalan lang at kung saan ka nakatira ang alam ko sayo hindi lahat" at ngumiti naman siya.

Bat naman niya ako gustong makilala? Gusto kaya niya ako? Pero impossible naman yun. Bat naman niya ako magugustuhan?

Nakatingin parin siya sakin kaya umiwas nalang ako ng tingin. Medyo tumawa naman siya sa ginawa ko. Shit nakakahiya.

"Dark gray" sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Anong dark gray?

"Ano?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan naman niya ako.

"Sabi ko dark gray. Eye color mo" kinilig naman ako sa sinabi niya. Alam niya ang eye color ko so ibig sabihin pinagmasdan niya talaga ako. Kyaaaaaa nakakakilig naman.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Napansin mo pala"

"Maganda kasi ang kulay bagay sayo" seryoso niyang sabi.

"Salamat" at tuluyan akong napangiti ng tunay.

Ngumiti naman siya sakin. Nakakakilig lang talaga.

"Rhys. Uwi na ako sa amin" bigla kong sabi.

Tumayo naman siya. "I'll walk you home again"

"Naku wag na. Nakakahiya naman at tsaka baka mapagod kapa" sabi ko habang nililigpit ko ang gamit ko.

"I insist" sabi niya at tinulungan niya ako sa pagliligpit.

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon