"Tahimik ka Jan? Galit kaba sakin! " tanong ko sakanya habang nagmamaneho pauwi Sa bahay
"Kainis ka kasi eh halata naman na mas kinakampihan mo pa Ang sales lady na yun kanina! " pagmamaktol niya, napangiti naman ako Sa sinabi niya napaka selosa talaga nang babaeng to!,
Agad ko namang hininto Ang kotse ko para makapag usap kami nang maayos,"Oh! Bakit ka huminto? " tanong niya agad namang humarap ako sakanya! At pinisil ko Ang magkabilang pisnge niya gustong gusto kong gawin to kanina pa pero hindi ko magawa dahil nagmamaneho nga ako
"Aray masakit! " sigaw niya"Ikaw talaga napaka selosa mo gusto lang naman kitang inisin kanina! " tawa tawa kong sabi sakanya
"Ah! Ganon so! Pinagtritripan mo pala akong gunggong ka!" Wow sakit nang word na yun hah!
"Gunggong talaga badj? " sabi ko sakanya"Umalis na nga tayo isusumbong pa kita Kay tita cathy! " napailing naman ako! Selosa na nga sumbungera pa! Agad kong pinaandar Ang kotse papunta Sa bahay!
Pagkadating namin duon bumaba agad si Audrey !
"Hey wait up!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin deretcho lang siya Sa paglalakad hanggang makaabot siya Sa pinto nang bahay namin !
"Hey! Galit ka pa din? " tanong ko sakanya, bahagya niya akong tinignan at binigyan niya ako nang masamang tingin! Galit nga siya,
"OK! I'm sorry OK! " Sabi ko pa! Napaharap ulit siya sakin bago niya binuksan Ang pinto nang bahay namin!"Oh! Andito na pala kayo! Tamang tama nakapagluto na ako! Hello Audrey! Kumusta kana iha?!" Bati sakanya ni mommy!
"OK lang po tita! Medyo na badtrip lang! " sabay beso niya kay mommy napatingin naman sakin si mommy na para bang tinatanong niya kung bakit! Hindi ko alam pero parang matatawa ako! Mukha kasing bata si audrey kulang nalang isumbong niya ako Kay mommy,
Binaling naman agad no mommy Ang tingin niya sakin at Kay audrey naman siya tumingin,
"Bakit ka naman badtrip iha? " tanong ni mommy sakanya
"Paano po kasi tita yang anak niyo imbes na ako Ang kampihan kanina yung sales lady pa yung kinampihan! " pagmamaktol niya
"Clide!" Sigaw ni mommy nang makatingin siya sakin
"What? Paano kasi sinusupladahan niya yung saleslady kanina, at kasalanan ko ba na napogian Ang saleslady nayun sakin!" Binigyan naman ako nang masamang tingin no audrey"Paano naman kasi panay pa cute mo dun! " sabat niya
"Teka! Ano ba talagang nangyari? Maupo na nga muna kayong dalawa! " sabi ni mommy kaya umupo nalang din kami,"Eh kasi tita! Bibili po sana kami kanina dun Sa boutique nang damit tinanong ko yung saleslady kung meron pa silang stock non! Tapos sabi niya wala daw, Tapos nong nagtanong naman to si clide sinabi niya na meron pala silang stock iba nga lang Ang kulay! " paliwanag niya
"So bakit kaba nagagalit Kay clide?" Tanong ni mommy sakanya!
"Eh paano po kasi galit na galit na ako kanina pinagtatawanan pa niya ako tapos sabi niya inaaway ko daw yung saleslady! " muli niyang paliwanag kay mommy!"Clide!" Tawag sakin ni mommy
"Iniinis ko lang naman siya! Mukha kasing bata! Alam mo ba kanina nakipag bangayan pa siya Sa isang babae dun Sa boutique dahil gusto niyang bilhin yung damit nayun, eh yung isang babae ayaw din magpatalo Kaya ayun nag bangayan sila hanggang dumating yung boyfriend nang babae! Paalis na sana sila pero yang si audrey na starstruck pala dun Sa lalaking yun! Kaya ayun binigay nalang Ang damit, kanina ayaw magpaawat sa huli ibibigay din pala!" Napatawa naman si mama sa kwenento ko!"Hay nakong mga bata kayo! Tama na nga yan kumain na tayo lalamig yung niluto ko!" Sabi ni mama tumayo ito Sa kinakaupuan niya para kumuha nang juice Sa ref. Agad naman akong napatingin Kay audrey, pero hindi niya ako tinitignan, grabi pala pag nagtampo to Ang galing umarte sana pala nag artista nalang siya,
Inabot ko sakanya Ang isang maliit na slice nang redvelvet cake! Kaya napatingin siya dun! At agad namang napatingin sakin!
"Ano yan? " tanong niya
"Peace offering ko sayo! " umiling naman siya!
"Talaga lang hah!" sabi pa neto agad naman akong tumayo at niyakap ko siya mula Sa likod niya habang siya naman Naka upo!"Sorry na badj! Please!! I love you audrey! " pagpapacute ko sakanya habang yakap yakap ko siya mula Sa likod!
"Oo na! Apologize accepted! Umupo kana nga! " pagmamaktol niya!"Ehem ehem! " biglang dumating si mommy kaya bumitaw na ako Sa pagkakayakap ko sakanya,
"Ah! Ma pinapagaan ko lang po ang loob!" Sabi ko!
"Talaga lang hah!", sabi naman ni mama ,napakamot naman ako nang ulo ko at umupo ako Sa upuan ko para makakain na kami!"So iha! Ok naman ba Ang pag stay mo Sa condo mo? Pwede ka namang tumira dito eh! Alam mo naman na hindi kana iba samin, para na kitang anak kung ituring! Dito ka nalang para mas safe ka!" Sabi ni mama sakanya!
"No tita it's OK! Malaki na po ako, kaya ko na po Ang sarili ko! gusto ko din naman pong maranasan mabuhay mag isa ,at isa pa dinadalaw naman po ako ni clide dun eh! Kaya wag na po kayong mag alala! " paliwang niya kay mommy
"Sure ka ba jan iha? " tanong ni mommy! Ngumiti ito para sabihin na OK siya!"Basta kapag nagbago Ang isip mo, welcome na welcome ka dito Sa bahay hah! Wag kang mahihiya na tumira dito! Wala kasi akong nakakausap dito Sa bahay Alam mo yung girl to girl talk! Si clide kasi walang alam yan Sa girl to girl talk dahil nga lalaki siya! " napatawa naman si audrey, Ang lakas din nang trip ni mama
"Ma! Malamang malay ko ba Sa mga girl to girl talk niyo jan! Hindi naman ako babae!" Pagmakmaktol ko!
Pagkatapos naming kumain nagsalita ulit si mama
"Audrey anak! Pwede bang dito kana matulog! Gabing gabi na kasi at dilikado na sa daan baka mahirapan si clide mag maneho! At isa pa umuulan oh!" Ang galing talaga nang mommy ko mag dahilan , ikaw na ma the best ka eh!,"Ahm! Sige po tita! Susulitin ko nalang Ang araw na to! Minsan lang naman po tayo mag kita eh! Dito na po ako matutulog!" Sabi ni audrey
"Yes! Sige ihahanda ko muna yung tutulugan mo hah! " sabay takbo habang nagtatatalon si mama papunta Sa tutulugan ni audrey! Pati si mama nag mumukhang bata!"Ang cute ni tita mukha siyang bata! " sabi ni audrey kaya napatingin ako sakanya!
"Ewan ko ba jan gusto yatang mag kaanak nang babae! " sabi ko!
"Eh! Bakit hindi sila gumawa ni tito? " tanong niya
"Badj! Sa palagay mo ba Sa tanda nilang yan magkakaanak pa sila?" Tanong ko!"Malay mo! Walang himala clide!" Paliwanag niya
Napailing naman ako Sa sinabi niya! Baliw talaga tong si audrey Ang daming nalalaman!To be continued..............
--
Don't forget to vote thank you! ツ
![](https://img.wattpad.com/cover/80599266-288-k499802.jpg)
BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Siya
RandomKung ako ba siya mapapansin mo? Kung ako ba siya mamahalin mo? Ano ba ang meron siya na wala ako Kung ako ba siya iibigin mo! Ikaw lamang ang minahal nang ganito, Sabihin mo kung paano lalayo sayo!