Clide's Pov
Nandito na kami ngayon sa company ko, tinatanong niyo kung anong ginagawa nang babaeng katabi ko!
Ayun knock out sinuntok ko! Ang daldal kasi! Syempre biro lang yun! Ayun knock out dahil tulog! Naglalaway pa kadiri
"Hoy gising! Kahit kailan talaga tulog mantika ka! " sabi ko
"Hmmm!" Pungay pungay niyang sabi
"Bumaba kana malalate na ako sa meeting niyan eh! " inis kong sabi
Pinahiran neto yung laway niya! Yak kadiri talaga, at lumabas na siya ganon din ako
Nakabuntot lang siya sa likuran ko habang papasok kami sa loob nang company
"Good morning sir! " sabi sakin ni manong guard
"Good morning! " sabi ko
"Good morning ma'am audrey!"
"Good morning manong!" Masigla netong bati, at tuloy tuloy na kaming pagpasok sa loob
Sumakay kami nang elevator himala kami lang yatang dalawa Nandito, mabilis sumira ang pinto nang elevator at nakaka ilang floor na kami! Nang biglang
"Teka anong nangyayari?" Tanong ni audrey, tumigil kasi ang elevator at pumapatay sindi yung ilaw dito!
"Clide! Anong nangyayari?" Kaba Kaba niyang sabi
"Nasiraan yata tayo!" Biglang huminto nang mabilis ang elevator kaya parang nag ka earthquake! Bigla kaming natumba pero hawak ko Si audrey
"So-sorry!" Sabi ko at hiniwalay ko siya sakin!
Tumayo kaming dalawa at sinubukan na buksan ang elevator
"Shet" sigaw ko! Kinuha ko ang phone ko pero walang signal!, kung minamalas ka nga naman
"Clide! Natatakot na ako!" Sabi ni audrey at umupo eto sa gilid na parang hinihingal, shet my asthma nga pala siya at konting hangin lang ang pumapasok sa elevator!
Bigla kong pinulpog ang pinto upang humingi nang tulong, nagbabakasakali na may maka rinig samin
"Tulong!" Sigaw ko
"Clide! " tawag neto sakin kaya napatingin ako sakanya, lumapit ako upang tignan siya,
Sobrang namumutla na eto na parang mauubusan nang hangin
"Audrey! Kapit lang ok! Makakalabas din tayo dito!" Sabi ko sakanya
"Hindi ako maka hinga clide!" Sabi neto na parang hinahabol ang hininga niya!
"Audrey calm down ok! Inhale! Exhale!" Sabi ko at ginawa naman niya yun! Pero parang walang epekto!
"Clide" mahina netong sabi na parang huling hininga niya yun
"Shet audrey! Hintay lang!" Inis kong sabi sobrang natataranta na ako! Ano bang pwede kong gawin Wala namang hangin dito!
"CPR!" Naalala ko, bahala na kailangan niya to! Ayoko na mag paka patay malisya, kesa naman mamatay tong babae na to
Mabilis kong hinawakan ang magkabilang pisnge niya at hinalikan siya upang bigyan nang hangin!
Kumalas ako pero hindi padin siya nagkakamalay
"Shet audrey gising!" Hinalikan ko ulit siya
Biga niya akong itinulak at napaubo eto!
"OK ka lang ba? Thank god!" Alala Kong tanong at napayakap ako sakanya!
Naramdaman ko din ang pagyakap niya sakin
"Thank you clide!" Napakalas ako! Bakit ang bilis nang tibok nang puso ko? Tama ba to! Nahuhulog nanaman ba ako sakanya? Napahawak ako sa dibdib ko!
"Clide!" Napatingin ako sakanya at nakatingin din siya sakin!
Bigla nalang niyang hinila ang polo ko at hinalikan ako! Sa una gulat na gulat ako sa ginawa niya!, parang Kahit anong oras pwede nang sumabog ang dibdib ko
Hindi ko namalayan na tumutugon na pala ako sa mga halik niya! Pinihit ko ang bewang niya upang mas lumalim pa ang halikan namin
Napaisip ako bigla, Tama ba to? Kumalas ako sa pagkaka halik at bigla akong napatayo
Tumalikod ako sakanya at napaisip uli,
"Hindi mali to! Mali to!" Bulong ko! Nang biglang nakaramdam ako nang mga kamay sa bewang ko, nakayakap sakin Si audrey
"Clide! Mahal na yata kita!" Natigilan ako sa sinabi niya! No hindi pwede to, diba sabi ko na ibang clide na ang makikilala niya, this can't be! Matagal ko nang binura ang pagmamahal ko sakanya pagod na akong umasa ulit na baka mali nanaman to! At masasaktan lang ako .
"No! Hindi pwede to audrey! Tumigil kana! " sabi ko sakanya at kinalas ko ang kamay niya sa bewang ko
"Galit ka padin ba sakin clide? Oo alam ko na may mali ako dahil hindi kita pinaniwalaan noon pero nagsisisi na ako ngayon clide!" Si audrey
"Kaya ngayon naisip mo na mahal mo nadin pala ako ngayon audrey? Ganon ba yun? Dahil noon bulag na bulag ka sa pag mamahal mo kay skyler ha!" Ako
"Clide I'm so sorry! Siguro nga OK na nangyari sakin yun upang magising ako sa katotohanan!"
"Katotohanan na ano audrey na ako pala ang mahal mo at hindi ang skyler nayun! " Inis kong sabi
"Dati may naramdaman din ako sayo! Oo inaamin ko yan! Pero hindi ko muna kinumperma yun!"
"Dahil Ano natatakot ka na mahalin ako, na baka mas sasaya ka kay skyler at hindi sakin hah!" Ako
"Hindi! Natatakot ako dahil baka masira lang ang pagkakaibigan natin! " sabi niya
"Bullish*t! So Hindi mo man lang inisip dati kung masisira din ang pagkakaibigan natin dahil sa skyler nayun dahil siya ang pinaniwalaan mo at hindi ako!,
Ako! Ako ang kaibigan mo audrey! Pero kahit kailan ba nag tiwala ka sakin? Hindi!" Sigaw ko sakanya,nakita kong may tumulo na luha galing sa mga mata niya
"Im so sorry clide ! Im so stupid in that day! Sising sisi ako sa mga nagawa ko! Pero sana naman clide bigyan mo ako nang chance kahit! Mabalik nalang ulit ang pagkakaibigan natin! Please" pagmamakaawa niya habang hawak ang kamay ko!
Pagkakaibigan! Yan nalang ba palagi ang bukang bibig niya kaibigan! sana deneretcho niya nalang ako eh! Na hindi niya talaga ako mahal at hanggang mag kaibigan lang talaga kami
"Tama na audrey let's forget about this! Isipin mo nalang na hindi nangyari to! " biglang umandar ang elevator, buti naman sa ganon at baka ano pa ang masabi ko sakanya
Napayuko nalang siya at hindi tumingin sakin! Tama lang siguro ang ginawa ko! Ayoko nang masaktan pa! Sobra na ang naidulot niya sakit dati. Dapat nga hindi ko na siya kinakausap ngayon eh! Dahil iba na ako! Ibang clide na ako ngayon at hindi yung clide na nakilala niya dati! Ako ang boss dito at secretary ko lang siya matagal ko nang tinapos ang pagkakaibigan namin!
To be continued..........
BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Siya
RandomKung ako ba siya mapapansin mo? Kung ako ba siya mamahalin mo? Ano ba ang meron siya na wala ako Kung ako ba siya iibigin mo! Ikaw lamang ang minahal nang ganito, Sabihin mo kung paano lalayo sayo!
