Audrey's Pov
Hinay hinay kong iminulat ang mata ko, umaga na pala feeling ko masakit padin yung paa ko pero hindi naman masyado,
Napatingin ako sa gilid nang kama ko, at nakita kong natutulog si clide sa tabi ko! naka upo ito sa upuan habang nakapatong naman ang ulo niya sa kama,Napangiti ako dahil hindi niya ako pinabayaan kagabi, akala ko talaga uuwi siya, pero bakit diyan pa siya natulog eh, pwede naman siyang tumabi sakin, ay oo nga pala masyado kasing choosy to! Sabihan ba naman akong manyak! Seriously? Hindi kasi siya mabiro!
Hinimas ko ang buhok niya, habang naka tingin sakanya nang deretcho, ang gwapo talaga nang baby labs ko! ang tangos nang ilong tapos ang haba pa nang pilik mata, hindi ko ipagkalaila na cute din siyang tignan kapag natutulog
Napapangiti nalang ako habang tinitignan ko siya, nakakatuwa lang kasi isipin na para ko siyang boyfriend, na hindi ako basta basta iiwan, napaka swerte naman nang mapapangasawa ni clide, dahil bukod sa mabait na ,gwapo pa,mayaman,may abs, may pagka topak nga lang minsan ,
Pero ok lang nag mana kasi yan sakin ,kaya pareho na kaming topakin ngayon,
Bigla nalang siyang nagising dahil sa kakahimas ko nang buhok niya, kaya napa tingin siya sakin
"Oh! Good morning!" Bati niya sakin habang nilalakumos ang mata neto,"Good morning din! Bakit dito ka natulog?" Tanong ko! Hindi ko din kasi alam kung bakit dito pa siya natulog ,eh pwede naman siyang umuwi, tiyaka baka mag alala si tita
"Napag isip isip ko na dito nalang matulog dahil inaantok na talaga ako,baka hindi ko kayanin mabunggo pa ang sasakyan ko! at tiyaka sinabi ko na din kay mommy na hindi ako makakauwi!" Mahabang paliwanag niya,
"Ahhh! Eh bakit diyan ka natulog eh pwede ka naman tumabi sakin? " tanong ko sakanya
"Baka kasi pagsamantalahan mo ako eh!" Isang batok ang natamo niya sakin, baliw kasi eh, ako pa talaga ang mananamantala sakanya, baka ako pa ang pagsamantalahan niya eh,
"Aray!" Sigaw niya habang hawak hawak ang ulo niya
"Seriously clide? Talagang ako pa ang mananamantala hah! " Pagmamaktol ko"Oo kaya! Eh manyakis ka eh! " Sabi pa niya
"Aba talagang sinusubukan mo ako hah! Lagot ka talaga sakin! " panakot ko!"Oo na! Hindi na ako lalaban, baka ma flying kick ako palabas nang condo na to!"
"Buti naman at naiintindihan mo!" Tumayo ako sa kama at pumunta sa kusina dahil gusto kong kumain nang nutella, paborito ko yun eh! Kaya walang kokontra,
"Haiy nako ang aga aga nutella ang pinapapak mo diyan! " natigilan ako sa pagkain nang nutella at binigyan ko siya nang isang irap, umupo siya sa harap ko para makapag kape siya,
Kinuha ko ang cellphone ko para makapag open nang facebook, at natigilan ako, isang magandang impormasyon ang nakita ko ngayong araw nato
"Kyaaaaah! " napatingin sakin si clide dahil sa pag titili ko!
"Tumahimik ka nga ano bang pinagtitili mo diyan?" Tanong niya"Inaccept na ni crush yung friend request ko!" Sabi ko narinig kong umiling siya kaya napatingin ako sakanya
"Akala ko naman kung ano na, kung maka tili ka diyan akala mo nanalo ka sa lotto! " kahit kailan napaka bitter netong si clide palibhasa walang crush
"Inggit ka lang" pang iinis ko sakanya
"Tsssk! Mas gwapo kaya ako diyan!""Ang dami nanaman bang pumasok na hangin diyan sa utak mo clide hah!"
"What? I'm just saying the truth, bawal ba yun hah? " tssk baliw talaga ,binalik ko ang tingin sa phone ko at nag message ako kay skyler.
Skyler Ricaforte
Tnx for accepting my friend request! ツMagpapapansin din pag may time, wala namang mawawala kung susubukan diba,
"Clide! " tawag ko sakanya
"Oh! Bakit? " tanong niya sungit,"Nagugutom ako kain tayo sa labas, please!" Pagpapacute ko, alam ko naman na hindi niya ako matatangihan eh,
"Saan mo ba gustong kumain?" Sabi na eh hindi niya ako matatanggihan
"Gusto kong kumain nang spicy noodles !" Sabi ko
"Naglilihi kaba? " isang hampas ang pinadapo ko sakanya, pagkamalan ba naman akong buntis"Aray naman! "
"Baliw ka talaga clide, hindi ako buntis no! Hindi ba pwedeng gusto ko lang kumain non, at kung buntis man ako sino naman ang ama hah?" Tanong ko sakanya
"Malay mo ako pala! " isang hampas nanaman ang pinadapo ko sakanya, baliw kasi eh kung ano ano ang pinagsasabi,
"Gago ka clide!" Sigaw ko
"Bakit ba! Malay mo naman! wag kang mag alala pananagutan kita!" Inirapan ko siya nakakainis kasi gaya gaya nang line!"Ikaw pala yung nag nanasa sakin eh!" Sabi ko sakanya
"Hindi kaya! Ikaw kaya , pinag nanasaan mo nga ang katawan ko eh, tulo laway ka pa! " unggoy talaga, nakaka inis sarap batukan"Hali ka na nga, kumain na tayo baka mabatukan pa kita! " pagmamaktol ko
Pumunta ako sa banyo at nag bihis ako nang damit, maikling shorts at white tshirt lang ang sinuot ko, pagkatapos non lumabas na ako, nakita ko si clide na walang suot na tshirt at kumukuha siya nang tshirt dun sa cabinet ko! Kaya agad niya yung sinuot,
"Lets go!" Sabi niya kaya tumango nalang at sabay kaming lumabas nang condo,
--
Nag drive siya papunta sa kakainan namin, excited na talaga akong kumain takam na takam na talaga akong kumain nang spicy noodles
Agad kaming naka abot sa kakainan namin, umupo kami malapit sa ilog , maganda kasi ang view dito at masarap ang simoy nang hangin
"Good morning ma'am /sir Ano pong order niyo! " ako na sana ang magsasalita kaso inunahan ako ni clide
"Two spicy noodles please and two nestea! Thank you!"sabi ni clide
"OK sir! " umalis na din yung waitress ,binaling ko ang tingin sa ilog ang ganda talaga ang sarap siguro Mag boating dito kung may bangka lang sana
"Gusto mong maligo, hagis kita!" Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya, ang sama kasi, itapon ba naman ako sa ilog, eh kung siya kaya yung itapon ko dito!
"Ikaw kaya maligo, subukan mo kakagatin ka nang mga alimango diyan!" Natawa naman siya sa sinabi ko! Natigilan lang siya nong dumating na yung order namin
" here you go ma'am, sir enjoy your spicy noodles! " napangiti naman ako buti nalang hindi malandi tong babae na to hindi gaya nang mga babaeng nakakakita Kay clide
Agad kong kinuha ang spicy noodles nagugutom na talaga ako eh!
"Uy hinay hinay lang auh mainit!" Bago pa yung sinabi niya napaso na ang dila ko sa sobrang takam ko sa noodles nato,
"Aaahhhh! " sigaw ko habang pinapaypayan ang dila ko! Biglang inabutan ako ni clide nang tubig at ininom ko yun
"Ayan! Sabi kasi sayo eh hinay hinay lang! " lumapit siya sakin para tulungan ako
"Aannseket! " hindi na ako masyadong makapag salita dahil sa napaso ang dila ko!
"Patingin nga!" Pinakita ko Ang dila ko sakanya, sobrang hapdi talaga,
"Ikaw kasi eh ang takaw takaw mong baboy ka! Careful ok!! " Kahit baboy yung tawag niya sakin nakakagaan padin nang loob because he cared about me ang sweet lang!!
"Thank you clide! " napatingin siya sakin parang nagtataka pa siya sa sinabi ko!
"For what? " he asked"For taking care of me! Thank you baby labs! " napangiti naman siya at pinisil ang ilong ko!
"Ikaw talaga ang cute cute mo!" Sabi niya
"Che! Umupo ka na nga ok na ako!" Sabi ko!"Careful ok! Wag kasi masyadong matakaw sa pagkain!" Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagkain ko!
to be continued................
--
Tnx for reading ツ
BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Siya
RandomKung ako ba siya mapapansin mo? Kung ako ba siya mamahalin mo? Ano ba ang meron siya na wala ako Kung ako ba siya iibigin mo! Ikaw lamang ang minahal nang ganito, Sabihin mo kung paano lalayo sayo!