CHAPTER 34: WAR

310 7 0
                                    

Clide's Pov

"Uuwi na ako 6:00 pm na pala,sigurado kabang ok ka lang dito?" Tanong ko sakanya

"Yes I'm fine!  Sige na baka na mimiss kana ni tita Cathy,"

"Ok bye! " sabay halik sa pisnge niya, agad akong lumabas nang Condo unit niya at sumakay nang elevator pababa, 

Pag dating sa parking lot ,sumakay ako kaagad at umalis na, 

Isang araw nanaman nang isang magandang alala ang nangyari ngayon,  nakakatuwa lalo na't kapag binabalikbalikan ko ulit ang mga nangyari kanina

Bago paman ako makalayo, napahinto ako dahil wala dito ang cellphone ko!
Naalala ko na nailagay ko pala dun sa may kama ni audrey, 

Mabilis akong na lumiko pabalik sa condo ni audrey, 
Malapit lang naman eh, hindi pa naman ako nakakalayo,

Pagdating ko dun natigilan ako nang makita ko si audrey palabas nang DreamHeaven at may isang lalaki na Naka motorsiklo ang umaabang sakanya, Naka helmet ito kaya hindi ko makilala, 

Binigyan naman niya si audrey nang helmet at umangkas ito sa likuran ,

Sino kaya yun,saan ka pupunta audrey, wala kanamang sinasabi na may pupuntahan ka eh, kelan kapa nagsisinungaling sakin audrey

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko at sinundan ko sila, dumestansiya ako nang konti sakanila para hindi nila mahalata na sinusundan ko sila, 

Lagot ka talaga sakin mamaya audrey, marunong kanang mag sinungaling sakin ngayon, siguraduhin mong hindi yan yung gagong babaero dahil baka masuntok ko siya wala sa oras,

Nakita ko silang nag park sa isang restaurant, at bumaba si audrey sa motor pareho nilang tinanggal ang helmet nila, 

Uminit bigla ang ulo ko nang makilala ko ang lalaking kasama ni audrey at hindi nga ako nagkamali na yung gagong babaero ang kasama niya,lintek ka audrey kailan pa to!

Nakita kong pumasok sila sa loob nang restaurant at umakbay pa yung unggoy sa balikat ni audrey,

Walang hiya ka babaliin ko yang kamay mong hayop ka! 

Nag park ako sa isang madilim na sulok, at lumabas  na ako,  nag stay lang ako sa labas nang restaurant dahil kitang kita ko naman sila mula dito dahil glass ang nasa harapan nang restaurant,

Nakita kong inalalayan niya si audrey para maka upo,  and she's wearing red fit dress,  talaga lang hah,  nag suot talaga siya nang sexy para lang  mabighani sakanya ang babaero nayan

Nakita kong dumating ang waiter tapos nag order sila,
Pagkaalis nang waiter nagkatingin yung dalawa, si audrey naman parang kilig na kilig sa mokong nayun nakakainis

Nakita kong binubuka nang lalaki ang bibig niya kaya alam ko kinakausap niya si audrey, ano naman kaya yung pinagsasabi niya , nakita kong nagsalita din si audrey at ngiti ngiti pa eto, hindi pwede dapat sakin ka lang tumatawa audrey at hindi sa taong yan,

Napakagat labi ang lalaki na akala mo nag papacute pa kay audrey, walang hiya tabasan ko kaya yung bibig niya,  akala mo naman cute,  pakshet siya! 
Babaero!

Nakita kong kinausap niya uli si audrey, at mas kumulo ang dugo ko nang makita ko ang sunod na ginawa niya, hinawakan niya ang kamay ni audrey at nagkatinginan sila, 

Walang hiya ka talaga,  puputulin ko talaga yang kamay mong gago ka!  ibang usapan na yan,

Sa sobrang inis ko pumasok  ako sa loob, nakita kong gulat na gulat si audrey nang makita ako

"Cli-clide an-anong ginagawa mo dito? " tanong niya

"Diba dapat ikaw ang tanungin ko niyan, bakit mo kasama ang lalaking ito! " galit kong sabi,

"Ahhm! Nagyaya lang siyang mag dinner clide! "

"At tapos wala kang sinasabi sakin na aalis ka?  Kailan kapa nagsisinungaling sakin audrey!" Hinila ko siya sa kinauupuan niya at hinila ko siya palabas,

"Aray clide Ano ba nasasaktan ako!"

"Pare teka!  Nasasaktan na si audrey,  niyaya ko lang naman siyang mag dinner sa labas wala naman sigurong masama dun diba!  Hindi ka naman niya boyfriend! "

Natigilan ako sa sinabi niya at napaharap ako para suntukin siya

"Sayo wala, pero sakin meron!"
Napahiga siya sa suntok ko, hinila ko naman agad si audrey palabas

"Ano ba clide!  Nasasaktan na ako! "

"Sakay! " awtoridad kung sabi, binuksan ko ang pinto nang kotse ko at pinasakay ko siya sa loob

Sumakay nadin ako at napatingin ako sakanya, 

"Ano bang problema mo clide?"sigaw niya nang makasakay kami sa kotse

"Anong problema ko! Ikaw audrey ikaw ang problema ko! Kailan ka pa nagsisinungaling sakin, lumalabas ka nang hindi ko alam at kasama mo pa talaga ang babaero na yun, hindi mo pa nga siya kilala audrey eh bakit ka sumasama sakanya? " galit kong sabi

"Niyaya lang naman niya akong mag dinner ano bang problema dun clide!"

"Ang problema dun Audrey, paano kung may masamang balak pala yung lalaking yun sayo, alam mo naman na iba iba ang babae niya diba, bakit ba ang tigas tigas nang ulo mong babae ka! " sigaw ko uli sakanya

Nakita ko nakahawak siya sa kamay niya at umiiyak ito,  nasaktan nga siya siguro sa kakahila ko, 

"Sorry clide,sorry kung hindi ko sinabi sayo na lalabas ako kasama si skyler, sorry kung pinag alala kita! " nakaramdam ako nang awa sakanya , habang walang tigil ito sa pag iyak

Pinihit ko siya papalapit sakin at niyakap ko siya, 
"Sorry!  Nag aalala lang naman kasi ako sayo eh,  paano kung may nangyari sayong masama? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari yun!" Sabi ko habang yakap yakap ko siya,  hanggang ngayon hindi padin siya tumitigil sa pag iyak, 

"Sorry, kung nasaktan kita kanina,  nadala lang ako sa galit ko , sorry audrey! " sabi ko

"Sorry din clide, promise sa susunod magpapaalam na ako sayo para hindi kana mag alala!" Mali eh maling mali,  akala ko kasi ang sasabihin niya hindi na siya makikipag kita sa lalaking yun pero hindi eh,  iba ang sabi niya , ibig sabihin makikipag kita padin siya sa lalaking yun pero magpapaalam siya sakin bago siya makipag kita sa lalaking yun,Ano ba talagang gusto niyang mangyari, ganon na ba talaga niya kagusto ang babaerong yun!







--

#sorry

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon