CHAPTER 15: SWEET EVENING

488 6 3
                                    

Clide's Pov

Ang lakas padin nang kaba na nararamdaman ko ngayon habang binubuksan ko ang pinto,  jusko po! Ikaw nang bahala sakin!  Sana naman po hindi si sadako ang nasa labas! 

"Clide Mag iingat ka hah! " sabi ni audrey nasa kama lang siya habang tinitignan akong bumubukas nang pinto! Nilakasan ko na Ang loob ko para buksan Ang pinto,  napapalunok ako habang unti unti ko yung binubuksan,  ang dami pang pawis na dumadaloy Sa katawan ko Sa sobrang takot!  Grabi! Bakit ba kailangan pa Mag brown out !

Huminga ako nang malalim!
"Game! " bulong ko sa sarili,  mabilis kong binuksan yun at isang ilaw Ang tumambad sa mukha ko! Kaya napatabon ako nang mukha

"Good evening sir! "Putcha, yung guard lang pala akala ko naman kung sino,  nagsisipag tayuan pa tong balahibo ko, guard lang pala!

"Good evening din! " bati ko sakanya
"Sorry sir!  Nag ka short circuit po kasi tayo ngayon!  Kaya walang ilaw hindi pa po namin alam kung anong oras maaayos kaya siguro po matatagalan pa bago Mag ka ilaw! " paliwanag niya

"Ah!  Ganon sige salamat sa impormasyon! " sabi ko
"Sige sir mauna na po ako! " tumango ako sakanya at isinira ko na ang pinto!

"Grabi akala ko naman kung sino! " rinig kong sabi ni audrey
"Baka matatagalan pa daw bago Mag ka ilaw! Nagka short circuit daw kasi !"paliwang ko sakanya

"Uy! Wag ka munang aalis dito hah!  habang wala pang ilaw   Natatakot ako! " sabi niya
"Bahala ka iiwan kita dito! " panakot ko sakanya

"Ede umalis ka duon ka dumaan Sa fire exit makaka salubong mo dun si sadako! " hindi ko inaasahan ang sasabihin niya,  pero ikinatayo nang balahibo ko yun,  putik!  Natatakot pa naman ako kay sadako!

"Eto naman hindi mabiro! " pagpapalusot ko!
"Ang sabihin mo natatakot ka lang talaga! " pang iinis niya sakin

"Ewan ko sayo! " umupo ako malapit sakanya!  Hihintayin ko nalang na mag ka ilaw at uuwi na ako!
Bigla kong naramdaman na pumulupot siya Sa braso ko! At pinatong Ang ulo niya Sa balikat ko!

Nakakatuwa naman sana hindi na matapos to!
Kinuha ko ang headset malapit Sa isang table at nagpatutug ako gamit Ang cellphone ko para hindi naman masyado boring!

Now playing: Nothing like us by Justine bieber

Ito na yata ang theme song namin bawat linya kasi may ipinapahiwatig na relate samin ni audrey!  I really love this song

"Clide? " tawag sakin ni audrey kaya napatingin ako sakanya
"Hmmmm?"

"Wag mo akong iiwan hah!  Dito ka lang! " sabi niya, napangiti naman ako, hindi naman ako mawawala Sa tabi niya eh!  Kahit kailan

"Promise dito lang ako hindi kita pababayaan! " sabi ko sakanya
"Thank you clide!  I love you! " sana totoo nalang Ang mga I love you niya yung hindi I love you bilang kaibigan kundi i love you na totoong mahal niya talaga ako sana ganon nalang yun dahil ako bawat I love you ko sakanya lahat yun totoo,  pero hindi niya nakikita yun,dahil iba Ang nilalaman nang puso niya at hindi ako yun!

Hinalikan ko ang noo niya, para ipaalam sakanya kong gaano siya kahalaga sakin at kung gaano ko siya kamahal sana maramdaman niya din yun, isa lang naman Ang gusto ko eh!  Ang mahalin din niya ako hindi bilang kaibigan!

Kinuha ko ang headset sa tenga niya at itinabi ko muna yun! Ihiniga ko siya upang makatulog siya nang maayos,  inaalis ko ang mga hibla nang buhok niya na tumatabon sa mukha niya, 
Nakita ko ang totoo niyang ganda,  ang mapupulang labi gaya nang mga strawberry, yung mga mahahabang pilik mata niya at ang matangos niyang ilong, she's so perfect! 

Bumibilis Ang tibok nang puso habang pinagmamasdan ko siya, parang may tumutulak sakin na gusto ko siyang halikan , hindi ko namalayan na unti unti ko na palang nilalapit Ang labi ko sa labi niya!

(RING)

Bigla akong napatigil nang may tumawag sakin,  at nakita kong tumatawag si mommy kaya sinagot ko agad yun!

"Hello ma!" Panimula ko
"Uuwi ka ba anak? " tanong ni mama
"Hindi ko po alam!  My problema po ba? " tanong ko sakanya
"Wala naman anak tinatanong ko lang kung uuwi ka ngayon! " sabi niya

"Hindi ko alam ma eh, Wala kasing kasama dito si audrey nag ka short circuit kasi kaya walang ilaw dito! Ehh, alam niyo naman na matatakutin din to!! Tatawag nalang ulit ako kapag makakauwi ako! " paliwanag ko sakanya

"No! Anak its ok! Samahan mo muna siya diyan!  diyan ka na din muna matulog dont worry about me andito naman si yaya helen kaya wag mo na kong alalahanin dito, sige na anak bye!  Good night I love you ingat kayo diyan! " agad niyang pinatay Ang tawag, si mama talaga,  ang daming kalokohan! 

Siguro nga na matatagalan pa bago mag ka ilaw sasamahan ko nalang muna si audrey dito! Ayoko naman mapahamak siya baka hindi ko kayanin!  At hindi ko pa mapatawad Ang sarili ko!

Tumabi ako sakanya sa pag higa!  At Naka tingin lang ako sakanya,  hindi naman masyado madilim dahil nag rereflect naman yung ilaw nang buwan galing Sa labas nang bintana, kaya kitang kita ko Ang maganda niyang mukha!

"Ako nalang Ang mahalin mo audrey! Promise ko sayo hindi kita sasaktan at mamahalin kita habang buhay! ", bulong ko sa sarili ko! 

Sana talaga ganon lang kadali yun, pero bakit hindi man lang niya ako makita hindi bilang kaibigan niya,  kahit kailan ba wala man lang siyang feelings para sakin!  Dahil ako meron, sasabog na yata tong puso ko habang yumayakap siya sakin feeling ko nag sloslow motion ang paligid ko!

Hinawi ko ulit ang buhok niya at nilagay ko yun sa tenga niya!  Napahawak ako Sa malambot niyang pisnge, gustong gusto kong pisilin yun, pero hindi pwede dahil baka magising pa siya, mahirap na baka mabatukan ako nang wala sa oras!

Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko siya
Sabi nga nila "love is amazing" kung pareho lang sana kami nang nararamdaman!  Para sakin napaka romantic na nang gabi na to kahit hindi kami nag uusap!

Pwede bang wag mo nang tapusin ang araw nato, kahit ganito lang masaya na ako! Basta makita ko lang siya araw araw,  gusto ko sa pagtulog at pag gising ko siya palagi Ang unang nakikita ko! Masayang masaya na ako dun,  kung meron lang sana akong time machine para patigilin ang oras gagawin ko! Basta makasama ko lang Ang taong pinaka mamahal ko!



Kahit Mag kaibigan lang muna tayo ngayon, basta akin ka sa tamang panahon !!! ♡




--

Why so sweet Clide?  *^O^*

Comment!!  Libre!

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon