CHAPTER 24: SICK

428 10 0
                                    

Audrey's Pov

Anong oras na ba?  Wala padin si si clide nagugutom na kaya ako,  hindi pa ako nakakapag breakfast matawagan nga,

Dinial ko ang no. ni clide pero matagal pa bago may sumagot nito

"Hello clide! " panimula ko
"Hello iha! " si tita pala asan kaya si clide?

"Tita si clide po asan? " tanong ko

"Nandito siya sa bahay Ang taas nga nang lagnat eh!  Ayaw naman mag padala sa ospital at ayaw ding uminom nang gamot." Sabi na eh magkakasakit siya, kailangan ko siyang puntahan

"Iha pwede bang humingi nang favor! " sabi ni tita

"Ano po yun tita? " tanong ko

"Pwede bang ikaw muna mag bantay kay clide dito may importante kasi akong pupuntahan , please! " sabi ni tita

"Sure tita, ako na pong bahala kay clide! " sabi ko

"Talaga iha!  Thank you talaga hah! "

"No promblem tita, maliligo lang po ako at mag bibihis pupunta na po ako agad diyan! "Sabi ko

"Sige iha hihintayin kita dito, mag iingat ka hah! " sabi niya

"Sige po tita, bye! " inend ko ang tawag. Mabilis akong nag tungo sa banyo para maligo at mag bihis, 

Pagkatapos non lumabas na ako ,nag hintay ako nang taxi na dadaan,  buti nalang at may pumarang taxi sa unahan ko!

"Saan po tayo ma'am? " tanong nang driver sa taxi

"Sa Aleng Tina's Spicy noodles po! Mag oorder po muna ako nang noodles dun  tapos deretcho na po tayo sa mission hills! " sabi ko

"Sige po ma'am! " agad niyang pinaandar ang kotse papunta sa bibilhan ko nang spicy noodles, 

After 15 minutes Naka dating nadib kami dun!

"Hintayin niyo nalang po ako dito hah, mabilis lang to! Sabi ko sa driver

"Sige po!"

Tumakbo ako papunta sa loob at bumili ako nang spicy noodle

"Dalawang order nga po nang spicy noodles! " sabi ko

"Ok po ma'am! "

Nag hintay ako nang dalawang minuto bago dumating ang order ko

"Here you go ma'am! " kinuha ko yun at inabot ang bayad

"Salamat!" Sabi ko mabilis akong lumabas at dumeretcho sa loob nang taxi

"Alis na po tayo manong! " sabi ko

Agad siyang nag drive papunta sa mission hills kung saan nakatira si clide

"Dito nalang po salamat! " inabot ko ang bayad sakanya

"Ay ma'am sukli niyo po!" Sabi niya

"Keep the change manong!  Salamat sa pag hatid! " ngumiti ako sakanya at lumabas na nang tuluyan

"Salamat po ma'am! "

Nag lakad ako papunta sa gate nila clide at nakita ko kaagad ang guard nila

"Ay! Ma'am audrey kayo po pala!" Pinagbuksan niya ako nang pinto para makapasok ako

"Asan po si tita at clide? " tanong ko

"Nasa loob po hinihintay na po kayo ni ma'am cathy! " sabi niya

"Sige po salamat! " naglakad ako papunta sa pinto ni clide para kumatok, bumungad naman agad sakin si tita

"Iha!  I'm glad your here!  Nasa itaas si clide andun siya sa kwarto niya,  ikaw nang bahala sakanya hah,  may importante talaga akong pupuntahan eh,  tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka hah! " sabi niya

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon