CHAPTER 39: SAYANG

290 8 0
                                    

Audrey's Pov

Nagising ako 11:30 A.M maaga pa kasi kami kaninang umalis mga 4:00 AM tapos dumating kami dito 7:30 kaya natulog na muna kami dahil mamayang hapon pa naman yung photoshoot ko at alam kong lahat nang staff at manager namin pagod sa byahe! 

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si clide na napaka himbing ang tulog!  Tulog mantika talaga!  Kung maka tulog akala mo walang bukas

Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may text si skyler sakin!

Skyler text
Hey! Gising kana ba? Puntahan mo ako dito sa tabing dagat kapag gising kana I'll wait for you! :)

Ano? Anong ginagawa niya sa tabing dagat,  mabilis akong nag bihis,  nag suot ako nang white na short at black tshirt nag tsenelas nadin ako dahil puro buhangin naman dun sa tabing dagat, sa labas lang naman eh, malapit kasi yung tinitirahan namin sa dagat

Agad akong lumabas nang kwarto at pumunta ako sa labas,  nahagip ko kaagad ang isang lalaking Naka upo sa buhangin at Naka tingin ito sa dagat! 

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumapit sakanya

"Ehem! " paninula ko

"Ikaw pala audrey! Upo ka! " sabi niya, umupo naman ako sa tabi niya

"Anong ginagawa mo dito, at bakit mo ako pinapunta dito may sasabihin kaba?" Tanong ko sakanya

"Sa totoo lang meron! " napatingin naman ako sakanya at ganon din siya

"Ano naman yun!" Tanong ko

"Sigurado ka bang magkaibigan lang talaga kayo nang clide nayun? Kung umasta kasi siya parang girlfriend ka niya! " ano bang iniisip niya

"Ano kaba!  Bestfriend ko lang si clide, simula kasi nong bata kami magkaibigan na talaga kami dahil mag kaibigan din ang parents namin,  bakit mo ba natanong yan?"

"Feeling ko kasi may gusto siya sayo! Ayaw na Ayaw niya sakin,  para sayo!  Sa palagay mo ba papayag siya nang maging tayo?" Tanong niya

"Skyler kaibigan ko lang talaga si clide, at wala naman siyang magagawa dahil ako ang gagawa nang desisyon kung papayag ako na maging girlfriend mo! " paliwanag ko

Napatingin naman siya sakin at tinanggal niya ang buhok na tumatabon sa mukha ko at inilagay niya yun sa likod nang tenga ko

"Ibig sabihin! Pwede na pala maging tayo?" Sabi niya habang Naka tingin sakin

"Malay mo!" Pakipot ko
Narinig ko namang umiling siya

"Ang cute mo talaga kapag nag blublush ka! " Ano daw ako nag blublush,  napahawak ako sa pisnge, shet nang iinit nga

"Sa palagay mo ba! Bagay talaga tayo sa isat isa?" Tanong niya

"Hindi naman tayo bagay eh!  Tao tayo! " pang bibiro ko napatingin uli siya sakin

"Seryoso? " sabi niya, habang may seryosong mukha

"Bakit hindi ba? " tanong ko! 
Napatawa naman siya

"Ikaw talaga,  ang hilig mong mag biro! " bigla niya hinawakan ang kamay ko at tinignan siya ako nang napaka seryoso! 

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang lumapit siya sakin at magkalapit na ang mga mukha namin sa isat isa! 

Hahalikan niya ba ako?  Totoo na ba to?  Sabihin niyo naman oo!!  Dahil parang sasabog natong puso ko sa sobrang kilig! 

Naamoy ko na ang mabango siyang hininga,malapit nalang audrey!  Malapit naaaaaa!!!!

"Audrey! " anak nang tokwa ka talaga clide panira moment, biglang lumayo sakin si skyler halata sa mukha niya ang pagka dismaya dahil sa nangyari, kainis naman kasi to si clide eh napaka epal!  Kainis sarap batukan .

"Kanina pa kita hinahanap nandito kalang pala!  Hinahanap ka na nang manager mo! Sabi niya kakain na daw! Hali kana" Bigla niya akong hinila at inakbayan! 

"Aray naman clide ang bigat nang kamay mo!  Ahmm!  Skyler sama kana samin! " pangyayaya ko sakanya

"Sige mauna na kayo!  Susunod ako! " sabi niya

"Sigurado kaba? " tanong ko ulo

"Sigurado na yan!  Hali kana audrey gutom na ako! " sabi ni clide at hinila ako papunta sa loob! 

Panira talaga tong si clide kahit kailan , yun na yun eh sayang talaga ,

"There you are audrey saan kaba nanggaling?  Asan na yung isang kasama niyo? " tanong samin nang manager ko

"Susunod daw,  busy pang tignan yung dagat sa labas! " sabat naman ni clide kaya siniko ko siya!

"Aray! " sigaw niya

"Oh bakit anong nangyari? " tanong nang manager ko

"Ah wala po!  Nagugutom lang po yan! " sabi ko

Umupo ako at ganon din si clide! 
"Sorry nahuli ako! " sabi ni skyler mula sa likod ko at Umupo na siya sa tabi ko! Ngumiti siya sakin kaya kinilig nanaman tong lola niya,  bakit ba kasi ang cute cute niyang mag smile sarap tuloy pisilin yung magkabilang pisnge niya!

"Ok! Ngayon kumpleto na tayo!  Let's eat guys! We have lot things to do mamaya para sa photo shoot!  Enjoy your meal! " sabi nang manager ko

"Gusto mo nang hipon?" Tanong sakin ni skyler

"Allergy siya diyan!  Eto nalang kainin mo audrey isda! " sabay lagay sa pinggan ko nang isang malaking tilapya

Nakita kong ulit na nadismaya si skyler sa ginawa ni clide,  pero totoo namang may allergy ako dun

"Sorry hindi ko alam! " sabi niya

"No its ok!  Hindi mo kailangan humingi nang sorry sakin! " ngumiti ako sakanya upang mapangiti ko din siya, 

" thanks audrey! "

Binaling ko ang tingin ko sakanya at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko, nakakahiya talaga para kay skyler ang ginagawa ni clide!  Naaawa tuloy ako sa tao!  Kainis kasi tong si clide eh!!!  :/







To be continued.......
Sorry po kung bitin!!  ✌✌✌

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon