CHAPTER 26: WAG MONG SABIHIN

453 6 0
                                    

Audrey's Pov

"Iho, iha!  labas na kayo diyan kakain na tayo!" Sigaw ni tita mula sa labas

Tumayo si clide sa kama niya at sabay kaming bumaba
"Kain na! " sabi ni tita nang makababa kami

"Hmmm!  ang bango naman, siguradong masarap yan ma! " sabat ni clide sa mama niya

"Syempre naman anak!  may bisita tayo eh dapat lang na masarap ang lutuin ko , sige na maupo na kayo kumain na tayo!" Sabi niya.

Umupo ako at ganon din si clide kaya magkatabi kami,
"Saan ka pala pumunta ma? " tanong ni clide sa mommy niya

"Doon sa opisina nang daddy mo may inasikaso lang na mga papeles! " paliwanag ni tita, napakunot noo ako , para saan naman kaya yun, para kaya sa pag tanggap ni clide nang business nila.

"Ganon po ba! Uuwi ba ngayon si daddy? " tanong ni clide

"Hindi anak eh!  Sabi ko nga umuwi naman muna siya at sumabay sa dinner natin kaso hindi daw pwede dahil may dadating na client mamaya! " sabi ni tita, grabi ganon ba talaga ka busy ang daddy niya eh paano nalang kung si clide na ang humawak nang business nila siguradong magiging busy na siya,hindi na niya ako masasamahan at mahahatid sa mga photoshoot ko.

"Ganon po ba! "

"Oh ikaw iha! Kumusta ka naman dun sa condo mo? " tanong sakin ni tita

"Ok naman po, dinadalaw din naman po ako clide palagi eh! " sabi ko

"Saan nga nakatira ngayon ang mommy mo? " tanong niya naalala ko tuloy si mommy

"Ma!" Sigaw ni clide

"Oh bakit?  Nag tatanong lang naman ako! " sabi niya

"It's ok clide,  nasa canada po siya ngayon kasama ang bago niyang asawa! " paliwanag ko

"Grabi talaga yang mommy mo!  Hindi na ako binibisita dito sa pilipinas,  pag nag ka chempo ako pupuntahan ko talaga yun duon!  " sabi niya

"Wala nga po siyang time para puntahan ako at kamustahin man lang, kung buhay pa ba ako o nakakakain ba ako nang tama sa isang araw! O namiss din kaya nila ako kahit minsan" napayuko ako dahil kahit anong oras pwedeng pumatak Ang luha na dumadaloy sa mga mata ko

Lumapit sakin si tita at niyakap ako mula sa likod
"Sorry hah! Sana pala hindi na ako nag tanong tungkol sa mommy,  pero hayaan mo, ituturing kitang anak,  at ituring mo din akong monmy mo! Naku bata ka palang mag kaibigan na kayo nang anak ko kaya hindi kana iba samin! " sabi niya
Napangiti naman ako kahit papano

Naramdaman ko naman Ang paghawak ni clide sa balikat ko
Kaya napatingin ako sakanya
"Wag kang mag alala hindi ka namin pababayaan! Diba ma?"

"Oo naman anak! Parang anak ko naman talaga tong si audrey,  alam mo ba pinangarap ko ding magkaanak nang babae para naman may kausap ako! " sabi niya napatawa naman ako

"Ma! Naman!  Wag na no!  Siguradong mag tsitsismisan lang kayong dalawa hanggang maghapon! At isa pa swerte naman kayo ni daddy dahil nag kaanak kayo nang gwapong katulad ko! " nagkatinginan kami ni tita Cathy at bahagyang napatawa sa sinabi ni clide

"Sige pagtawanan niyo lang ako, palibhasa pareho kayong babae sige na ako na ang OP sainyu!" Pagmamaktol ni clide

Lumapit naman si tita kay clide at niyakap ito mula sa likod
"Asus etong baby ko nagtatampo kay mommy! Pa kiss nga! " sabay halik sa pisnge ni clide,  ang sarap naman nila panuorin, buti pa si clide andiyan ang mommy at daddy niya para suportahan siya ang swerte niya sa pamilya niya, pero ako wala na sigurong pag asa para mabuo ang pamilya namin! 

"Ma naman nakakahiya!" Sabi ni clide, natawa naman ako

"Aba!  Kailan ka pa nahiya kay audrey auh,  ikinakahiya mo ba ang magandang mommy mo hah! Ikaw talagang bata ka! " sabay pingot sa tenga neto

"Aray ma masakit! " sigaw niya, agad namang binitawan ni tita ang tenga niya kaya napahawak siya dun! 

Umupo ito at hindi ko padin matigilan tumawa dahil sa ginawa niya kay clide, napaka amazona din pala ni tita cathy

"Ma naman eh! " pagmamaktol ni clide

"Tumahimik ka diyan, nag tatampo ako sayo! " sabi nang mommy niya

Tumayo naman si clide at niyakap Ang mommy niya mula sa likod

"Ma! Naman sorry na!  Hindi naman kita kinakahiya eh!  Kahit kailan hindi kita ikakahiya, ikaw kaya ang pinaka magandang mommy ko! "Lambing nito sa mommy niya, ang sweet nilang panuorin

"Oo na, Ang galing mo talagang mambola anak! " sabi niya natawa nanaman ako

Umupo ito at kumain na kami nang dinner,  nagugutom nadin kasi ako

--

"Oh! Iha saan ba gusto mong matulog sa guest room oh sa kwarto nalang ni clide? " tanong sakin ni tita pagkatapos naming kumain

Napatingin naman ako kay clide
"Dito nalang po ako kay clide! " sabi ko napatingin naman siya kay clide ngiti ngiti pa ito, anong pinag dedeal nilang dalawa sila lang yata ang nakakaintindi! 

"Hali ka na! " sabay akbay sakin ni clide patungo sa kwarto niya

"Saan ako matutulog? "Tanong ko

"Ede sa kama ko, wag mong sabihin naiilang kana? " sabi pa niya habang Naka cross arm eto

"Hindi no!" Sabay lakad para Naka higa na,  bahagya akong humiga sa kama ni clide, inaantok na na kasi ako eh,

Napatingin ako sa kinakatayuan ni clide at nakita ko itong hinuhubad Ang damit niya,  shete abs abs abs O_o

"Bakit ka nag huhubad hah? " tanong ko sakanya

"Bakit hah!  Nang iinit kaba makita ang abs ko hah?" Sabi niya gamit ang sexy niyang boses, lumapit ito sakin at tinignan ako nang napaka seryoso

"Wag mong sabihin na naiilang kanang tignan ako habang walang damit?" Lumapit ito sakin as in sobrang lapit na sa mukha ko na para bang hahalikan ako  ano bang ginagawa niya, napapakunok nalang ako dahil malapit yung abs niya sakin,  whooa, damn!

Napapikit ako dahil sa katawan niya, at dahil inilalapit niya yung mukha niya sakin,
Ano ba audrey bakit hindi mo siya tinutulak palayo, hindi mali to audrey itulak mo na siya, wag mong sabihin na gusto mo din tong bruha ka!  Sabi ko sa sarili ko

Napamulat ako, nakita ko si clide na nag pipigil nang tawa niya
"Assuming kadin ano! " sabi niya habang Naka tayo sa gilid ko!

"Ewan ko sayo matulog ka na nga, " tumagilid ako upang hindi ko siya makita

"Tumabi ka nga! " itinulak niya ako upang makahiga siya sa gilid ko! Bigla nalang akong niyakap neto mula sa likod at yung mukha niya nasa leeg ko

"Hoy anong ginagawa mo? "Taka kong tanong sakanya

"Ede matutulog! ", aba pilosopo,

"Alan kong matutulog ka pero bakit ka nakayakap sakin? ", tanong ko

Napatingin naman siya sakin
"Wag mong sabihin naiilang ka na din,  parang hindi mo ako niyayakap ah!  Wag ka na ngang maarte diyan Ang choosy mo!," sabay may point din naman siya, normal nadin kasi samin tong dalawa,

Hinayaan ko nalang siya at sinubukan king ipikit ang mga mata ko para makatulog .



Itutuloy................♡

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon