CHAPTER 44: JEALOUS CLIDE

333 7 0
                                    

Audrey's Pov

After 2 days

Dingdong

Binuksan ko ang pinto at bumungad agad sakin si skyler
"Good morning babe! " sabay halik sakin papasok sa loob at isinira ang pinto,

Hinalikan niya ako hanggang napa upo na kami sa sala

Natigilan lang kami nang may nag
"Dingdong"

Anak nang ** bwisit istorbo agad na umalis si skyler sa unahan ko at tumayo nadin ako para buksan ang pinto

"Good morning badj! " sabi ni clide na nasa labas nang pinto

"Go-good morning badj anong ginagawa mo dito? " tanong ko

"Aba!  Bakit bawal na ba akong pumunta dito siguro may tinatago ka no! " papasok na sana siya nang makita niya si skyler sa likod ko

"Oh ikaw pala bro! " sabi ni skyler kay clide

"Anong ginagawa mo dito? " tanong niya kay skyler

"Binibisita ang girlfriend ko eh ikaw? " sabi ni skyler

"Binibisita ang bestfriend ko! " sabi niya naman

"Pumasok ka nalang nga kung papasok ka ang gulo niyo! " buti naman at pumasok din siya

"Ano yang dala mo? " tanong ko kay clide

"Spaghetti, noodle tiyaka yung favorite mo nutella! " sabi niya

"Talaga!" Agad akonh lumapit at tinignan yun,  I love nutella kahit na hindi mo na ako bigyan nang ibang chocolates kahit nutella lang solve na ako!

Umupo kaming tatlo sa kusina upang kumain,

"Opps sorry pre hindi kita nabilhan! " sabi ni clide kaya napatingin ako kay skyler ang sama talaga netong si clide

"Hati nalang tayo babe!" Sabi ko buti nalang at ngumiti na ang baby ko

"Thanks babe! "Sabi niya

"Say ahhh babe!" Sabi ko kay skyler habang sinusubuan siya nang pagkain

"Pwede ba may mga kamay naman kayo at may sari sarili din kayong kutsara at tinidor ,kailangan pa bang mag subuan pa kayo sa harap ko !" Sabi ni clide kaya natigilan ako  kill joy talaga tong unggoy nato

"Inggit ka lang ,dahil wala kang lovelife! " sabi ko, bigla siyang natahimik at tumayo, agad niyang niligpit ang kanyang pinagkainan at pumunta sa may sala

"Uy! Anong ka dramahan nanaman yan clide! " sigaw ko

"Babe, tama na nga yan nagagalit na yung tao,  hayaan mo nalang kasi siya! " tseee ang arte arte palibhasa affected siya bahala nga siya! 

"Hayaan mo siya diyan kumain nalang tayo! " Sabi sabay subo uli sakanya

Clide's Pov

Walang utang na loob ako na nga tong nagmamagandang loob para dalhan siya nang pagkain, siya pa tong nang aaway, ibang klase, nag iiba na yung ugali niya dahil sa gagong lalaki na yun,

Parang wala lang ako sakanya, samantalang ako matagal na niya akong kilala, pero yung gagong yun, ilang buwan palanh niya nakikilala

Mas importante ba talaga ang lalaking yan kesa sakin?

Napatingin ako sa direksyon nila at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko WTF

naghahalikan sila! Shet,  nakaramdam ako nang galit kaya nilakumos ko ang kamao ko sa sobrang galit,  gusto kong manapak nang tao ngayon,

Doble ang sakit na nararadaman ko ngayon, mga walang hiya, talagang dito pa hah kung saan nandito ako nakatingin sakanila,  hindi man lang ba nila iniisip kung may tao bang nasasaktan o nakakakita sakanila,

Binaling ko ang tingin ko sa tv dahil feeling ko may mga luha namamang pumapatak galing sa mga mata ko, kaya mabilis ko yung pinunasan

Ang sakit sobrang sakit na ang taong mahal mo ,iba pala ang mahal .

Umaasa ka padin clide kahit alam mong hindi ka naman mahal nang mahal mo dahil iba ang mahal niya at hindi ikaw yun,  bakit kaba nagpapakatanga sa taong hindi ka naman mahal, 

Pero hindi eh, hindi ko kayang mawala siya buhay ko, dahil buong buhay ko siya na ang kasama ko simula nong pagkabata at hanggang ngayon, kaya napakahirap sakin na basta kalimutan nalang siya at kalimutan ang nararamdaman ko para sakanya,

Feeling ko kasi mababaliw ako,  lalo na't nakikita kong masaya siya sa taong mahal niya, pero clide nangako ka diba na hindi mo siya susukuan at ipaglalaban mo siya, habang may chance walang himala

Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko

"Clide galit kaba?  Sorry na oh! " sabi niya

"Pwede ba, andiyan ang boyfriend mo! Tumabi ka nga! " inis kong sabi

"Ok lang hindi naman yun seloso eh!,  siya pa nga ang nagsabi sakin na mag sorry sayo! " sabi niya

"So ibig sabihin kong hindi ka pa niya inutusan na mag sorry sakin, hindi ka talaga mag sosorry,  tsss so pathetic! " inis ko uling sabi

"Ikaw naman, sorry na nga oh! Sige na please , alam ko naman na hindi mo ako matitiis eh!" Kung kaya ko lang sana audrey tiisin ka matagal ko nang ginawa pero ang hirap talaga eh, bakit ba hindi ko kayang walain ang nararamdaman ko para sayo,

Kasalanan mo to eh, ikaw kasi ang nagpa fall sakin kaya eto ako ngayon ,hindi alam ang gagawin, magpapakatanga nalang ba ako palagi, kahit alam kong sobra na akong nasasaktan sa mga nakikita ko, sobra na eh,

Pero lintek na buhay to, kahit anong gawin ko si audrey padin ang laman nang puso ko!




**

Poor clide ;'(

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon