CHAPTER 59: SCARED

352 8 0
                                    

Clide's Pov

Lintek na babae yun,lagyan ba naman nang maraming sugar yung coffee, baliw ba siya, mag kaka diabetes ako sa ginagawa niya eh! Hindi naman kasi ako kagaya niya na mahilig sa matamis, talaga bang sinusubukan niya ako pwes pagbibigyan ko siya!  Tignan natin ngayon kung kayanin mo!
Ms.Audrey Mendoza

--

5:30 PM

"Sir hindi pa ba tayo uuwi? " sabi niya nang maka pasok siya sa office ko

"No! Hindi kapa pwedeng umuwi!  " seryoso kong sabi

"Po! May ipapagawa kapa ba? " tanong niya

"Eto oh! " sabay abot sakanya Ang napakaraming mga papel

"Ho! Eh mag gagabi na po!" Sabi niya

"Nag rereklamo ka! Sige madali naman akong kausap eh , may rason na yata ako Kay mommy para palitan ka! " sabi ko

Bigla niyang hinablot Ang mga papel sa kamay ko!

"Sabi ko nga eh gagawin na po! "

"Buti naman! Sige uuwi na ako!kakailanganin ko yan bukas 7:00 AM hindi ka makakauwi kung hindi mo tatapusin yan,mag commute ka nalang kapag uuwi kana! " paliwanag ko

"Po!  Iiwan niyo ako dito? Eh Wala na pong tao dito eh nagsi uwian na po sila, ako nalang po Ang matitira dito "

"Ang tanda tanda mo na matatakutin ka padin! Nasa ilalim ang guard kung may kailangan ka tawagan mo lang siya sa telepono ok bye!" sabi ko
Sabay alis

Iniwan ko siya sa office ko para gawin niya Ang mga papers nayun that's yung punishment for making me angry tignan natin kong hindi ka mangayayat sa takot dito! 

Sumakay na ako nang elevator papunta sa first floor,
Nakasalubong ko naman Ang guard na nasa pinto nang company ko

"Bye sir ingat po!" Sabi niya

"Thanks!" Sabay punta sa sasakyan na nag hihintay sakin!
Haiy! Makakapag pahinga nadin ako nang maayos mamaya sa bahay alam kong matatagalan pa yung baliw na babae nayun!

Audrey's Pov

Shet! And dilim ako nalang Ang tao dito sa office nasa first floor pa naman yung guard, mommy ko po baka may momo! Baka nandiyan si the grudge, O si sadako oh di kaya si Freddie ! my gad patay ako neto! 

Wag naman po sana!  Bwisit kasi na clide yun,gumaganti ba talaga siya, papatayin yata ako sa takot non!  Lagot ka talaga sakin kapag  my mangyari saking masama dito mumultuhin ko talaga siya! 

Nasa office niya ako at naka harap ako sa loptop ngayon!  Shet di ba pwedeng sa bahay ko nalan gawin to!  Kailangan ba dito talaga,

"Boogsh! " bigla sumirado ang pinto

"Waaaa! " napasigaw ako sa sobrang gulat at takot, shet eto na ba good bye earth na ba ako,  nagsisitayuan Ang mga balahibo ko,

Tumingin tingin ako sa paligid wala namang tao!

Hinga nang malalim
"Hangin lang yan audrey! Hangin lang yun! Wag kang matakot!" kausap ko sa sarili ko!

"Waaaaahhhhhhhhhhhhh!" Biglang nag brownout Mommy!!!! ≧﹏≦

Mabilis kong kinuha ang telepono ,shet naiiyak na ako sa sobrang takot! Mabilis kong tinawagan ang guard ,shet brownout pala! Langhiya naman huhuhu mommy

Kinuha ko ang phone ko papatayin ko na talaga Ang hiya ko naiiyak na talaga ako sa takot
Mabilis kong tinawagan si clide

"Please clide answer the phone! " sabi ko habang mangiyak ngiyak na

"Hello! " haleluya sinagot niya

"Hello!  Bakit tumawag ka! "Inis niyang sabi

"Cli-clide! Pu-puntahan mo na ako dito pl-please! Nata-takot na ako!  Please clide! !" Nagiyak ngiyak kong sabi

"Bakit ba?"

"Brown out kasi dito! Please clide nanginginig na ako sa takot please puntahan mo na ako dito!  Baka hindi ko kayanin baka atakihin ako nang asthma ko! "

"Sh*t wag kang aalis!  I'm on my way! " sabi niya sa kabilang linya!  Sabay call ended neto

Napayakap ako sa sarili ko!  Upang mabawasan Ang pangiginig ko sa takot!  Baka mamaya atakihin ako nang asthma ko! Ginagawa ko nalang na ilaw yung phone ko para kahit papano may nakikita ako! 

Sinubukan kong ipatong ang ulo ko sa table at ipikit ang mga mata ko!  Susubukan kong balewalain ang lahat, sana sa pag gising ko nandito na si clide!  Baka hindi ko na kayanin sa sobrang takot! 

Clide's Pov

Shet! My asthma Nga pala siya, baka himatayin yun sa sobrang takot!

"Dexter ihanda mo Ang sasakyan! " sigaw ko

"Ye-yes sir! Ipagdadrive ko na po kayo! "Sabi niya

"Wag na ibigay mo nalang sakin Ang susi bilis! "

"Eto po!" Sabay abot nang susi nang kotse!

Mabilis kong pinaharurot Ang sasakyan pabalik sa office, sinubukan kong tawagan Ang cellphone niya pero walang sumasagot

"Sh*t audrey pick up the phone! " sabi ko habang nagdadrive!

Mas pinabilisan ko ang pag drive
Ilang minuto lang eh naka dating na ako sa companya

"Sir clide bakit po kayo bumalik?" Tanong sakin ng guard

"Bilis! Samahan mo ako sa taas, magdala ka nang flashlight!  Nasa itaas si audrey! baka nawalan na yun nang malay! "

"Si-sige po!" Taranta niyang sabi! 

Mabilis kaming dumaan sa fire exit hindi naman namin magamit Ang elevator dahil ng brownout kaya sa fire exit nalang kami dumaan! 

"Bilisan mo!" Sigaw ko sa guard

"Sige po sir! " nasa 5th floor pa Ang office ko!Shet nakakapagod

Hingal na hingal na ako pagdating sa 5th floor, Ang guard naman naiwan pa sa 4th floor

Mabilis akong tumakbo papunta sa office ko, ginamit ko nalang yung cellphone ko para kahit papano my ilaw na gumagabay sakin sa mga dadaanan ko

Nakita ko si audrey na naka higa sa table! Mabilis akong lumapit sakanya

"Audrey!  Audrey gising!" Unti unti niyang minumulat Ang kaniyang mata at napatingin siya sakin!  Magang maga Ang kaniyang mata sa kakaiyak

"Clide! "Sabay yakap niya sakin

"Clide uwi na tayo natatakot na ako dito! " sabi niya

"Oo uuwi na tayo!" Binuhat ko siya upang makalabas na office ko

"Sir OK na po ba siya! " hingal na hingal na sabi nang guard

"Oo manong salamat"

Maya maya lang bumalik na ang ilaw kaya pwede na kaming gumamit nang elevator, si audrey naman tolog habang binubuhat ko!  Sobra yata siyang natakot Buti nalang hindi siya inatake nang asthma niya

"Salamat manong edwin!  Uwi na apo kami! " sabi ko

"Sige po ingat po kayo! " tumango ako sakanya at pinasok na si audrey sa kotse ngunit tolog padin ito! Hinimas ko ang buhok na tumatabon sa mukha niya,

"Sorry audrey! " bulong ko






--

Next chapter

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon