CHAPTER 8: SELOS

582 7 0
                                    


Clide's Pov

"Badj!  Bilisan mo!" Sabi niya habang hila hila ako papasok nang mall akala mo mauubusan nang ticket Sa sinehan, hindi naman yata siya excited Ano!

"Slow down audrey! " bigla naman siyang napatigil at tumingin siya sakin
"Naman eh! Bilisan mo na kasi, sigurado madaming manonood ngayon dahil maganda Ang palabas!! " hay nako Ano pa bang magagawa ko! Onyok ikaw bayan!  Sumunod nalang ako hanggang makarating kami Sa bilihan nang ticket grabi Ang dami ngang tao!  Si audrey Ang bumibili nang ticket siya na yung pinabili ko dahil gusto niya siya Ang maunang bumili alam ko naman na hindi magpapatalo yan Sa pilahan, makikisiksik talaga makabili lang nang ticket

Nakatayo lang ako dito habang hawak hawak ko ang pagkain na binili namin at pinagmamasdan Ang mga tao Sa paligid, bigla akong nakahagip nang pamilyar na tao at hindi nga ako nagkamali na siya yun, Ang crush ni audrey ibang babae nanaman Ang kasama, grabi napaka playboy talaga tssk,

"Let's go!" Biglang hila sakin ni audrey papasok Sa sinehan, agad kaming umupo Sa pinaka dulo, mas maganda kasi dito kitang kita mo buong buong Ang pelikula, kapag nasaharapan kasi masakit Sa mata at nanduduling ako!

Binigay ko agad Ang popcorn ni audrey at yung mineral water,  tahimik lang kaming nanood ni audrey nang nagsimula na Ang palabas,  kainis Ano ba to love story tapos may iyakan pa,  bigla akong nakaramdam nang tubig na pumatak Sa braso ko! Kaya napatingin ako Sa ibabaw akala ko kasi tumutulo Ang kisame,  wala naman,

Napatitig ako kay audrey umiiyak siya dahil Sa pinapanood niya, baliw talaga napaka emosyonal, 
"Kawawa naman si Enrique Gil!" Sabi niya habang walang tigil Ang pag agos nang luha niya Ang pinapanood kasi namin
"JUST THE WAY YOU ARE"
Hindi ko alam ganito pala siya ka emosyonal kapag nanonood nang mga ganito, baliw talaga!

Kinuha ko Ang panyo na nasa bulsa ko,hinarap ko siya sakin at pinunasan ko ang luha Sa mga mata niya
"Tama na yan!  Para kang bata diyan na inagawan nang lollipop!" Pang aasar ko gusto ko lang kasi na tumawa siya, pero imbis na tumawa siya hinampas niya ako Sa braso
"Aray naman! " sigaw ko!

"Shhhhhhh!" Sabi nang nasalikod namin paano naman kasi tong si audrey Ang kulit!
"Sorry po!" Sabi ko sabay peace sign, narinig ko naman Ang mahinang pagtawa ni audrey kaya sinamaan ko siya nang tingin,

"Ang cute mo pala mag sorry habang nag pepeace sign! " sabi niya habang nagpipigil nang tawa
"Sige tawanan mo lang ako diyan!" Inis kong sabi, binaling ko Ang tingin ko Sakanya at nag focus nalang ako Sa panonood at ganon din siya!

Napatingin ako Sa ilalim na nasa right side namin, nakita ko Ang crush ni audrey habang nakikipag harutan Sa kasama niya, napatingin naman ako kay audrey! 
"Oh bakit?" Tanong niya at biglang napatingin din siya Sa right side kung saan Ang crush niya at Ang kasama niyang babae,

"Si crush ba yun?" Tanong niya sakin, binalik ko Ang tingin ko dun at tumango tango ako sakanya
"Iba nanaman Ang kasama niyang babae! " dagdag pa niya
"Playboy nga kasi! " paliwanag ko!

Bigla naman nag Iba Ang aura niya, galit na galit na yata siya ngayon, napatingin ulit ako Sa dalawa at nakita kong naghahalikan ito, Sa loob ba naman mismo nang sinehan yak!  Kadiri masyado silang PDA,

Nakita kong kinuha ni audrey Ang mineral water niya five seconds lang naubos na niya ito grabi Anong balak niya, 
"Hoy anong gagawin mo?" Tanong ko!
"Watch Ang learn!" Inis niyang sabi, Agad niyang binato Ang mineral bottle Sa dalawa at tinamaan yung babae!

"Boom! Three points!" Mahina niyang sabi,binalik biya agad Ang tingin Sa pinapanood niya na akala mo walang nangyari!  Binalik ko na din Ang tingin ko Sa pinapanood namin baka kasi mapagkamalan pa ako! 

Napapabalik tingin ako Sa dereksyon nang dalawa at nakita kong hinahanap nila Ang nagtapon non! Habang hawak hawak nang babae yung ulo niya!  Grabi!  Napaka amazona talaga netong kasama ko! Buti nga sakanila yan masyadong kasing malandi Sa paningin lalo na Sa madaming tao pa nila  ginagawa yun!

Nagpipigil lang ako nang tawa Sa ginawa ni audrey!  Baliw talaga, 
"Tawa tawa mo diyan? " tanong niya! 
"Wala naman! Ang saya lang kasi nang ginawa mo Sa dalawa! " paliwanag ko!
"Bagay lang yan Sa babaeng yun! Ang landi kasi!  Halikan ba naman Ang crush ko Sa ganitong lugar yak!  Cheap! " irita niyang sabi!

Nang matapos ang pinapanood namin agad kaming lumabas ni audrey!  Bigla naman napadaan Ang dalawa Sa harap namin kaya umuusok nanaman yung ilong ni audrey Sa galit,  pinwesto niya Ang paa niya nang dumaan Ang dalawa kaya biglang natumba Ang babaeng kasama nang crush niya,

"Oh! I'M SO SORRY I DIDN'T MEAN IT!" sabi niya Sa babae, tinulungan naman nang lalaki Ang kasama niyang babae
"I mean I mean it!" Bulong niya sakin
"Pwede ba ilagay mo yang panget mong paa Sa tamang lugar! " sigaw nang babae na pinatid niya,  agad naman mas sumama Ang tingin ni audrey,
"Talaga! Hindi kaba nakakaintindi na hindi ko nga sinasadya at isa pa kung gusto mong ilagay ko Ang maganda kong paa Sa tamang lugar wag mong iladkaran yang mabaho mong paa Sa maganda kong paa,  dahil Ang paa ko dyosa, eh sayo bruha!! " galit na sabi ni audrey, grabi Iba talaga siya,  siya yung babae na hindi agad magpapatalo, gusto pa yata makipag away dito Sa public place,

"How dare you!" Sabi nang isang babae!
"Lets go !" Utos ko kay audrey habang hinihila ko ang braso niya
"Teka hindi pa ako tapos! " dagdag pa ni audrey!
"Tama na audrey! " sigaw ko!

"Wait I know you!" Sabi nang crush ni audrey! Kaya napatigil kaming dalawa
"Diba ikaw yung babae na nakaagaw nang ex girlfriend ko! Sa isang boutique" dagdag pa niya

"Hindi siya yun!" Agad kong hinila si audrey palayo sakanila
"Oo ako nga yun!" Sigaw ni audrey habang hinihila hila ko siya palayo! Hindi na sumabat Ang isang babae nanahimik nalang siya sa gilid nang lalaki!

"Ano ba clide bitawan mo nga ako! " pagpupumiglas niya sakin
"Tama na nga audrey nakakahiya oh! Nasa public place ka eh paano kung kilala ka pala nang ibang tao, tapos anong sasabihin , na yung model nang starlight company nakikipag away Sa isang mall!  May gad audrey! "

"Tama ka nga!  Sorry clide!  " sabay yakap sakin!  Ano pa bang magagawa ko kung hindi patawarin siya
Naka pouty lips pa siya habang nakayakap sakin!
"Oo na OK na! Pinapatawag na kita! " bigla naman siyang ngumiti sakin

"Akalain mo yun nakilala ako ni crush!  Pero kainis kasi!  May babae nanaman siyang kasama sarap sapakin! " napangiti nalang ako Sa naging reaction nang mukha niya,  Ang cute niya kasing tignan kapag nagseselos Sa ibang tao nga lang! 

sakit Sa heart tol!" 💔

--

Enjoy reading!  Love you!! ♡♡♡
Nagseselos nga siya Sa ibang tao nga lang, diba Ang sakit!

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon