CHAPTER 60: PAIN

372 8 0
                                    

Clide's Pov

Imbis na magalit ako sayo ngayon bakit hindi ko magawa, parang mas na kokonsensya ako sa ginawa ko, matagal na kitang kinalimutan sa isip at sa puso ko ,pero bakit ngayon pinaglalapit nanaman tayong dalawa nang tadhana

Dapat galit ako sayo ngayon dahil hindi mo ako pinaniwalaan noon, pero bakit ngayon ang hirap na magalit uli ako sayo, matagal ko nang kinalimutan ang nararamdaman ko para sayo pero bakit parang bumabalik Ang lahat nang nararamdaman ko!

"I'm sorry audrey! " kausap ko Kay audrey habang natutulog sa kama niya,  nasa kwarto niya kasi ako ngayon!

Hinimas himas ko ang buhok niya, pero habang ginagawa ko yun napapatingin ako sa labi niya na para bang may tumutulak sakin na halikan siya! 

Napakapula nang mga labi neto, gusto ko uli matikman Ang kaniyang napaka tamis na labi

Hindi, hindi pwede clide hindi mo dapat gawin yun, matagal mo nang kinalimutan Ang nararamdaman mo para sakanya diba, wag ka na ulit magpaka tanga clide, masasaktan ka lang!

Paalis na sana ako nang hablutin niya Ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya
"Dito ka lang muna please! " sabi pa neto

Napaupo ako sa gilid niya habang hawak hawak padin niya Ang kamay ko!

"Thank you " sabi niya

"So-sorry " hiya hiya kong sabi nakakaguilty naman talaga kasi  eh pano kung namatay siya dahil sa asthma niya

"I'm OK now thank you Nga pala binalikan mo ako kanina! " sabi niya

"Wala yun! secretary kita kaya importante ka sakin,hindi naman dapat kita pabayaan na mawalan nang malay dun nang dahil sakin! "

"Salamat! "

"Para saan? " tanong ko

"Dahil hanggang ngayon importante padin ako para sayo"
Sabi niya

Hindi ako nakapagsalita, parang umurong kasi Ang dila ko, mali yata Ang nasabi ko!

"Sige na magpahinga kana! ipapagawa ko nalang yun sa ibang employee ang ibang papers na hindi mo nagawa kanina! "

"Pero clide! Diba kailangan mo na yun bukas! ako nalang ang tatapos non bukas, aagahan ko nalang nang pagpasok para matapos ko before 7:00 AM " Sabi niya

"No! Mag pa hinga ka muna dito hayaan mo nalang na iba ang gumawa non! "Sabi ko at tumayo na ako

"Sige!  Salamat clide! Good night!" Tumango nalang ako at tumalikod at nagsimula nag lakad palabas

"Clide! " natigilan ako nang tinawag niya uli ako, naramdaman ko nalang na may yumakap sakin mula sa likod ko!

"Thank you so much,sana mapatawad mo na ako sa sinabi ko dati!  Ngayon lang ako nagkalakas loob na sabihin sayo yun!" Sabi neto,  tama ba ang narinig ko humihingi siya nang tawad

"Pwede naman ulit tayong maging magkaibigan diba? " akala ko sasabihin niya na mahal niya ako pero hindi eh, hanggang ngayon kaibigan padin Ang tingin niya sakin , akala ko eto na ang simula pero hindi padin pala! 

Siguro nga hindi niya talaga ako minahal dahil hanggang ngayon kaibigan padin Ang turing niya sakin!

"Matulog kana audrey! " sabay alis nang kamay niya na nasa tiyan ko! Mabilis akong lumabas at isinira ang pinto

Napahilamos ako nang mukha ko, feeling ko kasi ang sakit sakit nang nararamdaman ko ngayon, parang bumabalik Ang lahat nang sakit na pinagdaanan ko!

Bumaba ako nang hagdan para pumunta sa kusina kumuha ako nang nakakalasing na alak!  Parang gusto kong magpakalunod sa alak ngayon upang maibsan ang nararamdaman kong sakit!

Ininom ko yun lahat! Kahit isang patak walang natira

--

Audrey's Pov

Galit padin kaya siya sakin? Hindi padin ba niya ako mapatawad sa mga nagawa ko?

Napahiga nalang ako sa kama ko habang naka tingin sa dingding!  Iniisip ang dating nagawa ko kay clide,

Parang may humihila sakin na puntahan siya, parang gusto ko siyang kausapin, gusto kong mapatawad na niya ako sa mga nagawa ko, yun lang ang tanging paraan para magkaayos kami, gusto kong ibalik ang dati naming pagsasama na nasayang lang dahil sa kagagahan ko! Naniwala ako dun sa gago kong ex boyfriend at hindi ko siya pinagkatiwalaan!

Dapat sakanya ako naniwala at hindi sa gagong yun,ede sana hindi ako nagakatanga nang ilang linggo! 

Sana maayos pa kami ni clide hanggang ngayon, nawala sakin Ang career ko pati nadin ang Bestfriend ko, matagal ko nang kinalimutan si mommy at daddy dahil kahit minsan hindi nila ako minahal,  kung mahal nila ako ede sana hindi sila naghiwalay para sakin pero ginawa nila yun for their own good sake at hindi para sakin!

Napaka makasarili nila!  Hindi man lang nila inisip ang mararamdaman ko! Si clide, Si tita at tito lang Ang nagmahal sakin, sila lang yung taong nag aruga sakin simula nang iwan ako nila mommy at daddy, 

Habang naaalala ko ang mga yun, kusa nalang tumutulo ang mga hula na nanggaling sa mga mata ko!  Ang sakit sakit kasi kapag binabalik balikan ko ang mga pangyayaring yun! 

Nagmana nga siguro ako sa mga magulang ko,padalos dalos mag desisyon sa buhay!, hindi man lang iniisip ang magiging kalalabasan neto! 


To be continued..........

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon