CHAPTER 16: 1,2,3

512 2 0
                                    

Audrey's Pov

Cuz if you like the way you look that much oh! Baby you should go and love yourself, and if you think that I'm still holding on to something you should go and love yourself

turottuto turotto turottuto turotto turottuto turo tuturotuto!

Ang aga aga ang ingay ingay!  rinig na rinig ko ang boses ni clide mula sa banyo at naririnig ko din ang tunog nang shower

"Hoy unggoy!  Tumahimik ka nga natutulog Ang tao! " sigaw ko sakanya,

"Oh! Gising kana pala! Good morning sleeping beauty! " sabi niya,  napamulat naman Ang mata ko at napatingin sakanya,
Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong anim na pandesal!  na naka tayo sa harap ko ,

Naka towel lang ito pang ibaba, he's naked pero half lang naman!  Whooa grabi nang iinit ako sa six pack abs niya!  Ang matcho nang nasa harap ko ngayon!  Kyaaah

"Hoy yung laway mo! Pinagnanasaan mo nanaman yung katawan ko!" Sabi niya napahawak naman ako sa bibig ko putik may laway nga!  Narinig ko na tumawa siya nang mahina kaya inirapan ko nalang siya

"Dito ka natulog? " tanong ko sakanya
"Yup! Hindi ba halata! " aba pilosopo! Putcha naman bakit hindi pa siya nag bibihis tumutulo na ang laway ko! Pumunta siya nang kitchen at nagtimpla nang kape!

"Gusto mo nang kape? " tanong niya! 
"Yes please! " ngumiti naman siya!  Shet gwapo! 

"Bakit hindi kapa nag bibihis may damit ka naman dun sa gilid nang drawer ko !" Sabi ko!
Napatingin naman siya sakin nang napaka seryoso at tumayo siya sa kinauupuan niya! 
Bigla naman siyang lumapit sakin kaya lumaki ang dalawa kong mata! This boy is on fire!

Napatitig siya sa dalawang mata ko as in magkalapit na talaga Ang mukha namin
"Gusto mo ba talagang Mag bihis ako! " sabi niya gamit ang sexy voice niya, napakagat ako nang labi ko! At hinihintay ang gagawin niya, ngumiti pa ito nang nakakaloko sakin

Nilagay niya Ang dalawa niya kamay Sa towel na nasa ibaba niya!
"Eto na! " sigaw niya
"Hoy anong gagawin mo!" Gulat kong tanong sakanya
"Isa! " sigaw niya uli
"Hoy tumigil ka nga ang laswa mo clide!  kadiri ka! " sabi ko habang tinatakpan ang dalawa kong mata gamit ang dalawa kong kamay!

"Dalawa! " sigaw niya pa uli
"Gunggong ka clide! " sigaw ko!
"Tatlo! " agad niyang kinuha Ang towel na nasa ilalamin niya, at tinapon niya yun sakin!  Narinig ko nalang Ang malakas na pag tawa niya ! .

"Yak!  Kadiri ka clide!  Ang laswa mo!" Nakita kong Naka boxer pala siya at tumalikod siya sakin habang pinagpapalo Ang pwet niya, yak kadiri! 

"Tumigil ka nga! Ang panget mo kadiri ka! " tawa tawa kong sabi! Paluin ba naman ang pwet niya na naka harap sakin,  yak!

"Akala mo makakaisa ka sakin hah! " sabi niya!
"Nek nek mo!" Sabi ko!
Agad naman siyang pumunta Sa drawer ko at hinanap ang damit niya,  kinuha ko ang cellphone ko para Mag facebook, titignan ko kung inaccept na ba ni Mr. Crush ang friend request ko!

Una kong tinignan Ang notification ko ,nalungkot ako nang wala akong makitang inaccept niya, kainis naman oh!

"Ops! Sumabit!" Sabi niya kaya napatitig ako sakanya at hawak hawak pa neto Ang underwear ko!

"Hoy! Bitawan mo yan!  Ang bastos mo talaga clide! " sabay tapon nang isang unan sakanya
"Aray! Kasalanan ko bang sumabit! " tawa tawa niyang sabi, inirapan ko naman siya,  ang manyak talaga ,

Itinabi ko ang cellphone ko at napahiga ulit ako sa kama, bigla namang tumabi sakin si clide habang naka upo sa gilid ko ,
"Oh! Ano nanaman yang mukha nayan? Para kang binagsakan nang langit diyan? " tanong niya sakin

"Eh! Pano naman kasi eh ! Hindi pa inaaccept ni Mr. Crush yung friend request ko! "Pagmamaktol ko sakanya! 
"Tssk!  Wag ka na kasing mag assume, babaero naman yun,  kaya pwede ba tumigil ka na sa kahibangan mo at wag mo nang hintayin na papansinin ka pa non!" sabi niya

"Bakit hindi ba ako kahintay hintay? " tanong ko sakanya
Bigla naman siyang lumapit sakin!
"Bakit di ba ako kamahal mahal?" Napakunot noo ako, anong ibig sabihin niya,

Pinalo ko nalang yung noo niya,
"Aray naman! " sabi niya habang hawak hawak Ang noo niya
"Coco Martin ikaw ba yan ?" Tanong ko sakanya

"Enrique Gil yata to! " pagyayabang niya
"Spell nga AMBISYOSO? " pang iinis ko!
"Tssk!  Basag trip ka talaga! " pagmamaktol niya, napailing naman ako,  tumayo ako Sa kama at pumunta Sa kusina para inumin Ang kape

"May photoshoot kaba ngayon? " tanong niya sakin
"Wala two days free ako! " paliwanag ko sakanya! 
"Punta tayo sa bahay!" Sabi niya
"Bakit naman? " tanong ko!
"Wala! Na miss ka na daw kasi ni mommy! " sabi niya

Ang sweet talaga ni tita cathy buti pa ako namimiss niya pero Ang pamilya ko ewan ko nalang! 
"Sige ba! Maliligo at Mag bibihis lang ako! " Agad akong pumunta sa banyo para Naka ligo at makapag bihis!  Ilang araw nadin kasi akong hindi nakakadalaw kay tita! 

Si Mom and dad kaya na mimiss din kaya nila ako!  Siguro hindi dahil may sari sarili na silang pamilya! 

--

"Lets go!" Sabi ko at bumaba na kami papunta Sa parking lot! 

Tahimik lang kami habang nasa byahe!  Tinatamad naman kasi akong magsalita ngayon ewan ko ba kung bakit!

Ilang minuto ang nakakalipas Naka dating nadin kami Sa bahay nila clide! 

"Where here!" Agad kaming pinagbuksan nang gate nang guard nila!  At pinasok niya Sa loob nang bahay nila Ang kotse niya,

Bumaba kami at pumasok sa loob nang bahay nila,
"Your here! OMG! I'm glad to see you iha, buti naman at napadalaw ka! " sabay yakap sakin!  Mas mahal pa yata niya ako,  hindi gaya nang mommy at daddy ko!

"I'm glad to see you too tita! " sabi ko!
"Naka pag almusal na ba kayo,  I prepared breakfast baka gusto niyo akong samahan! " sabi ni tita
"Sure Mom!" Sabi ni clide na  nasa gilid ko!

"Lets eat! " tumango ako at sumunod kami sakanya! 
"So! What happen last night? " tanong ni tita samin kaya natigilan kami Sa pagkain ni clide
"Mom! Natulog lang naman kami!  " sagot ni clide

"Natulog lang, hindi na kayo nag usap or something?" Ano bang gusto ni tita ipahiwatig!
"Sa sobrang takot ni audrey ayun natulog nalang, kaya natulog nalang din ako! " paliwanag uli ni clide
"Ahhh! Ok !" Ngumiti siya sakin at ganon din ako

"Asan po si tito? " pag iiba ko nang usapan, nagkatinginan naman sila ni clide!
"Ayun,  nasa trabaho nanaman,  umuwi siya kagabi, mga 12:00 yata tapos umalis din siya kaninang umaga mga 5:30 AM " Grabi ganon na talaga ka busy yung daddy ni clide

"But its OK! Sanay nadin naman ako na palaging wala siya dito, pero gusto ko din naman na makasama siya,  para makapag ibang bansa uli kami! At alam kong dadating din yung araw nayun if tinanggap na ni clide yung company namin! "Paliwang niya napatingin naman ako kay clide

"Ma!  Wag na nga muna nating pag usapan yan! not now ma! " Bakit kaya ayaw niyang tanggapin Ang company nila! 
"OK! I'll stop! Wag mo nang isipin yun iha!  Kumain ka nalang diyan hah! " sabi ni tita, kaya pinag patuloy ko nalang Ang pagkain ko!,  ako kaya Ang dahilan kung bakit ayaw ni clide tanggapin Ang company nila! 

Siguro nga wala akong karapatan para tanungin si clide sa bagay na yun dahil usapang pang pamilya nila yun.


To be continued.................

--

Siya nga ba Ang dahilan? 
Stay tuned..... ʘ‿ʘ

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon