CHAPTER 49: GOODBYE

366 7 0
                                    

Clide's Pov

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa condo ni audrey kailangan niyang nalaman ang lahat nang to! 

Nang nakadating ako dun agad akong pumasok sa loob upang nakasakay sa elevator, hindi ko alam pero Hindi ako mapakali, hindi ko din alam kung kinakabahan ba ako o ewan! 

*ting*

Pagbukas nang elevator mabilis akong lumabas at kumatok sa pinto ni audrey

"Clide! " sigaw niya sabay yakap niya sakin, na parang tuwang tuwa pa siya

"Clide,  na miss kita!  Ilang araw ka nang hindi pumupunta dito hah!  Nagtatampo na ako sayo , saan kaba galing hah?" Tanong niya habang nakapout ang bibig neto

Pumasok ako sa loob at isinira ang pinto
"Audrey!  Hindi yan ang dapat natin pag usapan!" Sabi ko

"Eh ano naman, pero teka wait may sasabihin ako sayo!,  " mabilis niyang inangat ang kamay niya upang ipakita sakin ang sing sing

"I'm getting married with skyler!" Tuwang tuwa niyang sabi

Napatingin lang ako sakanya nang matagal, alam ko kasi kapag sinabi ko yun baka masaktan lang siya

"Uy!  Hindi ka ba masaya para samin!  Ikaw pa naman ang best man niya! " sabi pa neto

"Audrey!  Hindi na matutuloy ang kasal niyo! " biglang umiba ang expresyon nang mukha niya

"Anong ibig mong sabihin? " tanong niya

"Niloloko ka lang ni skyler audrey,  ang totoo sex lang ang habol niya sayo!" Napakunot noo siya

"No! Nagkakamali ka! Mahal ako ni skyler at ikakasal na kami bukas, bakit ba ayaw na ayaw mo sakanya? May nagawa ba siyang mali sayo, pwede ba clide wag ka nang gumawa nang kwento para siraan kami,  kaibigan pa naman kita,  mahal ko siya at mahal niya din ako, sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal kami! "Galit na sabi niya

"Bakit ba ayaw mong naniwala sakin! Kaibigan mo ako pero bakit ang hirap sayo paniwalaan ako!" Inis kong sabi

"Dahil, palagi ka nalang galit kay skyler,  ano bang nagawa sayo nang tao? Pwede ba clide tigilan mo na to hindi na nakakatawa! " sabi niya

"Nagsasabi ako nang totoo audrey, sinundan ko siya kanina sa isang bar! At duon ko nalaman ang lahat! "

"Tama na clide!  Pwede ba wag mo nang siraan sakin si skyler, kung may galit ka sakanya,  please naman wag mo siyang siraan sakin, may tiwala ako sakanya dahil mahal niya ako! "

"Eh sakin audrey may tiwala kadin ba sakin?  Kahit kailan ba pinagkatiwalaan mo din ako?" Sigaw ko sabay na non ang pag patak nang luha ko

"Clide tama na! Ikakasal na kami bukas!  Kaya pwede ba wag mo nang sirain pa yun! Ngayon lang ako magiging masaya nang ganito dahil sa wakas nakita ko na din ang lalaking karapat dapat para sakin,  bakit hindi ka nalang maging masaya para samin? "

"Sinubukan ko audrey, pero hindi ko magawa,  dahil alam kong masamang tao ang pinasukan mo! At hindi ko kakayanin na nasasaktan ka! "

"Clide! Please tumigil kana! Let's just be happy! Bakit ba sinasabi mo sa maling tao ako pupunta! "

"Dahil yun ang totoo audrey!! Bakit ba ang hirap sayo paniwalaan ako,  ako ang bestfriend mo audrey, simula nang pagkabata hanggang ngayon nandito ako,  at yung lalaking yun minsan mo lang nakilala pero minahal mo kaagad! "

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong niya

"Bullshit! Ganyan ka ba talaga ka tanga audrey hah!  Ang hirap ba para sayo makita lahat nang efforts ko! Araw araw ako ang nandito para alagaan at mahalin ka!  Ganon kana ba talaga ka manhid audrey para hindi mo makita yun! Damn it! " sigaw ko

"Naguguluhan ako clide!  Pwede ba deretchuhen mo ako! "

"MAHAL KITA AUDREY at yun ang totoo !  mahirap bang makita yun hah! Una palang mahal na mahal na kita,  hindi mo man lang ba makita yun hah!, ang problema kasi sayo puro nalang si skyler ang nasa isip at nasa puso mo! Eh ako audrey!  Kahit kailan ba nagka space man lang ako diyan sa puso mo! Kahit kailan ba minahal mo din ako audrey? ,  Kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sakin audrey,  ako ang nandito audrey araw araw at sa araw araw na kasama kita ,araw araw din kitang minamahal, mahal na mahal kita audrey pero ang manhid mo!"

"Tumigil kana clide! "

"Bakit audrey! Nasaktan kaba nang malaman mo ang totoo?  Ako ba tinanong mo ba ako kung nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong magkasama ni skyler, at kahit kailan audrey wala kang tiwala sakin, kaibigan mo ako , oo kaibigan mo nga lang ako, pero audrey kahit konti ba may binigay ka ding tiwala sakin,  WALA AUDREY, DAHIL NAGPAPALOKO KA DUN SA GAGONG YUN, NA ANG TOTOO HINDI KA NAMAN MAHAL AT SEX LANG ANG HABOL SAYO!" hindi ko na napigilan ang sarili ko para sabihin yun

"TAMA NA CLIDE TUMAHIMIK KA NA!  HINDI AKO LOLOKUHIN NI SKYLER MAHAL NIYA AKO AT MAHAL NAMIN ANG ISAT ISA!  KUNG MAHIRAP SAYO NA TANGGAPIN SIYA, KALIMUTAN MO NA DING NAGING KAIBIGAN MO AKO,  TAMA NGA ANG HINALA KO,  MAY GUSTO KA NGA SAKIN KAYA PALA AYAW NA AYAW MO KAY SKYLER DAHIL GUSTO MO SAYO LANG AKO,  NAPAKA SELFISH MO CLIDE!  SI SKYLER LANG ANG MAHAL KO!, MAHAL DIN KITA PERO HANGGANG KAIBIGAN LANG TALAGA YUN CLIDE HANGGANG DUN LANG TALAGA YUN! BAKIT BA HINDI MO NALANG TANGGAPIN NA IKAKASAL NA AKO SAKANYA,  BAKIT KAILANGAN MO PANG SIRAAN SIYA SAKIN, PARA ANO HAH?  PARA MAPASAYO AKO HAH!  SINASABI KO SAYO CLIDE KUNG HINDI MO SIYA KAYANG TANGGAPIN KALIMUTAN MO NA DIN AKO! "
hindi ko inasahan ang sasabihin niya kusa nalang bumuhos ang luha ko

"Ganyan ka na ba katanga audrey, para mag bulagbulagan sa mga nangyayari,  ganyan ka na ba kabaliw sa lalaking yun hah!  Hindi mo pa siya kilala audrey! "

"Yun nga clide eh!  Hindi mo din siya kilala kaya pwede ba wag mo siyang husgahan! "

"Hinuhusgahan ko siya dahil yun ang totoo! Dahil yun ang narinig ko  at galing pa mismo sa bibig niya! "

" tama na clide!  Wala ka nang magagawa kahit ano pang sabihin mo ikakasal kami ni skyler,  siraan mo na siya pero hinding hindi ako maniniwala sayo! "

"Ganyan ka na ba ka bobo audrey!  Nahihibang kana! ano bang pinakain sayo nang gagong yun!"

"Tama na clide umalis kana!  Baka makalimutan ko pang naging kaibigan kita!  Kung hindi mo siya kayang tanggapin para sakin,  kalimutan mo na ako, kalimutan mo na din yang nararamdaman mo para sakin,  dahil  ikakasal na ako sakanya at wala ka nang magagawa dun! " Kusa nading bumuhos ang luha niya

"Yan ba talaga ang gusto mo audrey!  ang kalimutan kita,  alam mo nagsisi din nga ako eh bakit naging kaibigan kita,  dahil akala ko buong buo ang tiwala mo sakin,  nagkamali pala ako nang pinasukan!  Gusto mong lumayo ako sayo pwess ako na ang lalayo,  kakalimutan kong naging kaibigan kita!  At wag na wag kang iiyak sa harap ko dahil nasaktan ka!  Dahil ang clide na nakilala mo noon,  sa sususunod ibang clide na ang makikilala mo! At isa pa!  Kalimutan mo na din na nakikila mo ako dahil simula ngayon kakalimutan nadin kita! I think this is a goodbye Audrey Mendoza  " tumalikod ako sakanya at umalis na, habang walang tigil sa pag agos nang mga luha ako

Ang sakit sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon,  kahit kailan pala hindi siya nagkaroon nang tiwala sakin,  akala ko sa tagal tagal na naming magkakilala buong buo na ang tiwala niya sakin , pero nagkamali pala ako,  dahil mas may tiwala pala siya sa gagong yun, 

Nag drive ako, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko lang ngayon eh ang mapag isa! 

I think this is a goodbye audrey! :'(




--
Manhid ka audrey!!  Napakamanhid mo!

Keep on reading!! 

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon