CHAPTER 76: DINNER

390 9 0
                                    

Audrey's Pov

Paglabas ko nang kwarto ko bumaba na ako para pumunta sa kusina nang biglang nakita ko si clide na natutulog sa kusina

"Yaya! Bakit nandito to? " tanong ko

"Ewan ko nga kung anong nangyayari sa batang yan! Uminom kasi yan kagabi, ayaw naman mag pagamot nang sugat niya tapos diyan nadin siya natulog ayoko naman siyang gisingin dahil baka magalit! " paliwanag ni yaya

"Sige yaya ako nang bahala!" Sabi ko ,lumapit ako Kay clide at inilagay ko ang kamay niya sa balikat ko at sinubukan ko siyang   itayo

"Hmmm! " pungay pungay niyang sabi

"Clide dun ka matulog sa kwarto mo wag dito sa kusina! " sabi ko, nag lakad kami papunta sa kwarto niya habang inaalalayan ko siya

Ang bigat naman nang lalaking to.

Nang Naka dating kami sa kwarto niya agad ko siyang inilapag pero kasama ako, natigilan lang ako nang nag kadikit ang mga labi namin

Sa sobrang gulat ko mabilis akong lumayo sakanya at inayos ko ang sarili ko

Hinablot niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya
"Audrey I'm sorry!  Please wag mo kong iwan! " sabi niya na parang maiiyak pa eto

"Clide mag pahinga kana, lasing ka lang!  Sige na aalis na ako! " aalis na sana ako pero bigla niya ulit ako hinila kaya napaupo ako sa kama niya, naramdaman ko nalang na niyakap niya ako

"Audrey please wag mokong iwan, please I'm so sorry! " sabi niya mas dumiin pa ang pagkakayakap Sakin neto

"Clide!  Tumigil kana!  Lasing ka lang!  Sige na magpahinga kana!

Tumayo ako at inayos ko ang pagkakahiga niya bago ako lumabas
"Yaya! painumin niyo nalang po siya nang gamot aalis na po ako!" Sabi ko sakanya

"Sige iha ako nang bahala!" Tumango ako at umalis na, nakita ko naman Si skyler na naghihintay sakin sa labas

"Good morning!" Sabi niya Pero Naka helmet ito

"Sorry hah natagalan ako, may inayos lang sa loob

"Ok lang kakadating ko lang din naman! " sabi niya

"Lets go!" Pang aaya ko
Binigay niya sakin ang isang helmet at sinuot ko na ito para makaalis na kami

Nag drive siya papuntang L company, after fifteen minutes Naka dating nadin kami
"Ano? gumana ba ang plano? Kumusta Si clide?" Tanong niya sakin habang kinukuha ang helmet niya

"Teka anong nangyari sa mukha mo bakit may pasa ka?" Tanong ko sakanya

"Eto ba! Wala to napaaway lang kagabi, may binastos kasing babae kahapon kaya tinulungan ko!" Paliwanag niya

"Ah! Yun naman pala! Pwede ba wag ka palaging mag paka hero hindi ikaw Si superman " sabi ko napatawa naman siya

"Syempre binabastos ang babae alangan man tignan ko lang diba! Lalo na pag ikaw yun baka mapatay ko sila! " pangbibiro niya

"Bolero! Sige na pasok na ako!  Madami pa akong gagawin,kita nalang tayo mamaya!" Sabi ko

"At teka! Dinner tayo mamaya treat ko " sabi niya

"Sige ba!  Sige kita nalang tayo mamaya bye ingat ka!" Sabi ko

"Sige bye! " nang umalis eto pumasok na ako sa company

"Audrey nakita mo ba si sir clide!" Tanong sakin nang employee

"Ah Sabi niya di daw siya papasok ngayon dahil masakit daw ulo niya!" Sabi ko

"Pano na to,  kailangan kong papermahan to dahil bukas na to ipapasa Wala pa naman dito Si ma'am yuri " sabi niya

"Ako nang bahala diyan! " sabay kuha nang papers.

"Salamat talaga audrey hah!" Sabi niya

"Walang anuman sige! "

--

5:30 PM

Nang uwian na hinintay ko kaagad si skyler sa labas, Maya maya lang ay dumating na siya

"Lets go!" Sabi niya, umangkas nadin ako sa likod niya at umalis na kami

"Saan tayo kakain?" Tanong ko!

"Basta malalaman mo din mamaya" Sabi niya na parang hindi ko pa masyado maintindihan dahil sa lakas nang hangin

Mga ilang oras lang nakadating nadin kami sa pamilyar na pamilyar sakin na lugar, dito kami dati kumakain ni clide, kasi masarap ang noodles dito!

"Nakapunta kana ba dito? Sabi nila masarap daw ang noodles dito! " Sabi niya

"Oo eto ang palagi naming pinupuntahan ni clide kong gusto naming kumain nang noodles!" Paliwanag ko

"Ah! Gusto mo lipat nalang tayo?" Sabi niya

"Ay! Hindi wag na! Dito nalang tayo, na miss ko din naman kumain nang noodles! " Sabi ko

"Tara? " sabay about nang kamay niya at pumasok na kami

"2 noodles please" sabi niya dun sa waiter

"So!  Kamusta na kayo ni clide, gumagana din ba yung pag aacting natin?" Tanong niya

"Napansin ko lang kagabi!  Kong umuwi siya sinuntok niya yung salamin na nasa kwarto niya at tiyaka nag lasing siya kagabi kaya dun siya natulog sa kusina!" Paliwanag ko

"Siguro nga nag seselos na siya!  Dahil palagi kitang pinapadalhan nang bulaklak at coffee! " Sabi niya

"Nakita ba niya na Ikaw ang nag bigay sakin non?" Tanong ko

"Ewan di ko alam! " sabi niya

Bigla nalang dumating ang order namin
"Here's your order ma'am /sir " sabay lapag nang pagkain

"Kumain nalang tayo! Kanina pa ako nagugutom! Sabi niya

"Sige! " bakit parang may kakaiba parang may alam siya na hindi niya sinasabi sakin

"OK na ba Yang pasa mo? " tanong ko

"Oo ok na! wag mo na tong alalahanin kumain nalang tayo! " tumango nalang ako sakanya at pinagpatuloy ang pagkain ko!





To be continued...............

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon