CHAPTER 25: BESTFRIEND

417 10 0
                                    

Clide's Pov

Nagising ako, nakita kong natutulog si audrey sa gilid ko habang nakayakap padin ito sakin

Napapangiti nalang ako dahil nandito siya para alagaan ako,  nakakatuwa sana ganito siya palagi ka sweet sakin, 

Hinay hinay kong inalis ang kamay niya sa bewang ko at umupo ako sa kama upang matitigan ko siya

Inalis ko ang mga buhok na tumatabon sa mukha niya
Ang ganda talaga ni audrey kahit natutulog siya,  ang labi niya ilong, pilik mata lahat napaka perpekto,

"Thank you audrey! " bulong kong sabi

Pinagpatuloy ko ang pag himas nang buhok niya,

Parang may tumutulak sakin na halikan siya, nakikita ko kasi Ang mapupulang labi niya,  para akong hinihila upang halikan ito, 

Ngayon ko lang napansin na lumalapit na pala ang labi ko sa labi niya,

Hinay hinay akong lumapit sakanya upang mahalikan ito

Pero

Pero

Pero

Pero

Naramdaman kong gumalaw ito kaya umupo ako nang maayos, sayang malapit nayun eh!

Napatingin uli ako sakanya, tulog padin ito, napagod yata sa kakabantay sakin, kawawa naman Ang baby labs ko

Hinimas ko ang malambot niyang pisnge,  napakaganda talaga nang babaeng to, kahit saang anggulo

Bakit hindi mo ako makita, nandito ako oh!  Nagmamahal sayo, bakit naghahanap kapa nang iba audrey hindi mo ba talaga ako kayang mahalin, hanggang mag kaibigan lang ba talaga tayo, wala na ba talaga akong space diyan sa puso mo, yung hindi bilang isang kaibigan lang,

Kahit kailan ba naramdaman mo na gusto mo din pala ako,  dahil ako araw araw nagugustuhan kita,  hindi lang yun, mahal na rin yata kita, sobra sobra

Naramdaman ko ang pagtulo nang luha sa mata ko habang Naka titig kay audrey, ang sakit kasi eh, ako nga ang laging nasa tabi niya pero iba naman Ang nasa puso niya.

"Clide! " mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko,ayokong nakikita niya akong umiiyak

"Umiiyak kaba? " umupo siya sa tabi ko at hinarap niya ako sakanya, hinawakan niya Ang magkabilang pisnge ko para tignan ako nang napaka seryoso

"Wala to! May pumasok lang na dumi sa mata ko, don't worry about me! " pagsisinungaling ko  sakanya

"Your lying umiiyak ka kaya, ayan oh! " sabi niya habang Naka tingin sakin

"Tell me!  bakit ka ba umiiyak? " alala niyang tanong

"Hindi nga ako umiiyak!" Sabi ko

"Clide kilala kita,  kahit hindi mo man sabihin sakin, alam ko may tinatago ka!  Pero kung ayaw mo talagang sabihin sakin, ok lang ,nandito padin ako para para pagaanin ang loob mo! Kaibigan kita,  diba promise natin dati magmamahalan tayo bilang magkaibigan, kaya kailangan tuparin natin yun,promise yun eh!  I love you clide! " niyakap niya ako, pero hindi ko na napigilang umiyak dahil sa sinabi niya na kaibigan lang talaga niya ako at pangako pa namin yun sa isat isa,

Niyakap ko siya din siya pabalik kahit nasasaktan ako nang sobra sobra, hindi padin ako susuko, ipaglalaban ko kung ano man tong nararamdaman ko

"I love you too audrey!" Sabi ko ,kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tinignan niya ako, nilagay niya ang kamay sa leeg ko at sa ulo ko!

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon