CHAPTER 20: ACCIDENTALLY KISS

458 7 0
                                    

Clide's Pov

"Grabi na busog talaga ako sa kinain natin!  I'm really full! " sabi ni audrey halata naman sakanya na busog siya eh, hindi kasi siya maka paglakad nang mabuti dahil sa kabusugan, napaka takaw kasi sa pagkain

Pumasok kami sa kotse at nag simula akong paandarin yun pabalik sa condo niya ,

-

Napahiga siya sa kama niya sa sobrang kabusugan, nakapikit pa ito na para bang nererelax ang sarili niya,

Umupo naman ako malapit sakanya at tinitigan ko siya, nakakatuwa kasi kapag tinitignan ko siya sa malapit mas naiinlove ako sakanya,

Bigla nalang siyang napamulat at tinignan ako "oh bakit? " tanong niya

"Wala naman, ang saya mo lang kasi panuorin! " umiling naman siya

"Mukha ba akong clown hah? " tanong niya

"Hindi ka mukhang clown mukha kang si pooh! " tawa tawa kong sabi

"Iniinis mo ako? " galit niyang sabi

"Ito naman masyadong high blood biro lang!" Humiga ako sa tabi niya at niyakap ko siya

"Tumabi ka nga ang bigat nang kamay mo!" Sabi niya

"Ayoko nga! Ang lambot kaya nang unan ko!" sabi ko habang walang tigil sa pagyakap sakanya

"Baliw ka talaga gawin mo ba naman akong tambayan mo hah!" Sabi niya napangiti naman ako!

Ipinikit ko ang mata ko para makatulog sa tabi niya, pagod din kasi ako sa kakadrive kanina at hindi pa ako masyadong naka tulog kagabi dahil sa kakabantay sakanya,

Buti nalang hinayaan niya akong makatulog na nakayakap sakanya, ganyan kami ka sweet pero hanggang magkaibigan nga lang sakit diba!

"Clide! " tawag niya sakin kaya napamulat ako para makatingin sakanyan

"Hmmm?"

"Punta tayo sa bar mamaya! " sabi niya napaupo naman ako sa sinabi niya at tinignan ko siya nang napaka seryoso,  kailan pa siya natutong Mag bar eh hindi naman siya pumupunta dun!

"At bakit hah? Kailan ka pa natuto mag bar?  Hindi ka naman pumupunta nang mga ganon diba? " taka kong tanong sakanya

Bigla siyang napaupo at pumulupot sa braso ko na para bang nag papacute pa
"Sige nananaman clide please!" Sabay beautiful eyes pa, paano ko ba matatanggihan ang magandang babae na to hah sabihin niyo nga!

"Saang bar ba yan?" Tanong ko
"Really papayag ka?" Parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko

"Ayaw mo!" Sabi ko
"Hindi, eto naman,  sa Vintrix lang naman! Wala nang bawian hah, pumayag ka na!" Sabi pa niya

Napailing naman ako!  Siya naman panay ngiti
"Oo na! " sabi ko gusto ko lang naman siya pasayahin, kung saan siya sasaya susunod nalang din ako

"Really thank you thank you thank you baby labs!" Napatingin ako sakanya at naramdaman ko nalang ang pagdikit nang labi niya sa labi ko! Parang hindi ako makapaniwala totoo ba to? Hindi ba ako nananaginip,

Nanlaki pa ang mga mata ko sa ginawa niya,  totoo ba to?
Bigla siyang Napa atras at napatingin sakin, bigla niya nalang akong hinampas

"Aray naman! " sigaw ko

"Bakit ka humarap! " gulat na gulat niyang tanong

"Aba!  Malay ko bang hahalikan mo ako, ikaw ha hindi mo ako iniinform may gusto ka sakin no?" Pang iinis ko sakanya

Tumayo siya habang hawak hawak ang labi niya,
"Kadiri ka clide! " aba ako pa ang kadiri ngayon eh siya nga yung humalik sakin,

Agad siyang pumunta sa banyo ewan ko ba kung anong gagawin niya dun, naiihi yata sa kilig, napangiti nalang ako habang hawak hawak ang labi ko!

Napahiga ako sa kama habang walang tigil sa pag ngiti, naaalala ko kasi yung nangyari kanina, shete kinikilig ako, kumuha ako nang unan at tinabon ko yun sa mukha ko!

"Hoy! Kilig na kilig ka diyang unggoy ka!" Naitapon ko yung unan na nasa mukha ko at napatingin ako sakanya,  Naka pa mewang pa ito habang naka tingin sakin kaya napaupo ako

"Bakit ka ba kasi humarap? " agad niyang tanong

"Aba! Malay ko ba na hahalikan mo ako!"

Umiling pa siya " sa cheeks lang naman dapat kita hahalikan eh!  Bigla ka nalang humarap sakin kaya nahalikan kita! " sabi niya

"Asus!  Sabihin mo nalang kasi na type mo ako! " pang iinis ko sakanya

"Mukha mo!" Sabi niya

"Gwapo! " dagdag ko!

"Yabang! " 

"Gwapo naman! " dagdag ko pa habang naka ngiti nang nakakaloko sakanya

Bigla nalang niya akong tinapunan nang towel na hawak niya, 

"Unggoy! " sigaw niya, paborito niya yatang itawag sakin yan

"Gorilla ka naman!" Pang iinis ko para habang walang tigil sa pagtawa,  ang saya niyang galitin,

Binigyan niya ako nang masamang tingin, pero ako nginingitian ko lang siya nang nakakaloko

"Ewan ko sayo! " umupo siya at humarap siya sa salamin,  ayan nanaman, Ikaw kasi clide eh ginagalit mo ayan tuloy nag tampo nanaman yung baby labs mo.

Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya mula sa likod,
"Sorry na wag ka nang magalit sakin! " paglalabing ko sakanya

"Ewan ko sayo galit ako! " sabi niya, aba ayaw pa mag palambing hah,

"Sige ka pag nagtampo ka diyan hindi tayo pupunta sa Vintrix! " sabi ko sakanya, napatayo naman siya at humarap sakin habang Naka ngiti

Bigla niya nalang pinisil ang magkabilang pisnge ko!
"Ang cute cute talaga nang baby labs ko! Ok na hindi na po ako galit! " ang dali lang pala daanin sa blackmail to !agad agad nalang nag papacute sakin,

"Sige na uuwi na muna ako Mag kita nalang tayo mamayang 6:00 pm susunduin kita dito,  uuwi na muna ako baka ma miss ako ni mommy! " sabi ko sakanya

"OK! Siguro nga namimiss na ni tita ang babyboy niya, !"
Napailing naman ako baby boy talaga,

"OK! I'll fetch you later ok see you later baby labs!" Sabay kiss sa cheeks niya

"Bye baby labs , see you later thanks sa breakfast.!" Ngumiti siya sakin tapos lamabas na ako nang condo niya

--

"Hi ma! " sabi ko nang maka rating ako sa bahay, humalik din ako sa cheeks ni mama,  para sabihin niya sweet padin ako kahit malaki na ako,

"Hello iho! Kumusta hah!  Ano may nangyari na ba? " si mama talaga ang dumi nang iniisip

"Ma naman!  Ang dami mong kalokohan! "

"Wag mong sabihin na hindi kapa nagtatapat sakanya, yang nilalaman nang puso mo mabubulok yan kapag itinago mo lang diyan! " sabay turo nang puso ko!

"Ma!  Hindi po ito ang tamang panahon para sabihin ko sakanya,  gusto ko pa pong makasama ko siya yung walang pag iilangan sa pagitan namin, Natatakot po kasi ako baka magkaroon kami nang ilangan sa isat isa kapag sinabi ko Ang nararamdaman ko para sakanya" paliwang ko kay mama

Huminga siya nang malalim
"Ikaw bahala anak!  Basta sinasabi ko sayo,wag ka nang magpaka torpe baka sa huli pag sisihan mo pa yan, ikaw din baka maunahan kapa! " may point naman si mama eh, pero may tumutulak talaga sakin na hindi ko dapat muna sabihin sakanya ang nararamdaman ko

Ano ba ang dapat?  Sabihin niyo nga, kailangan ko na bang aminin o itago ko nalang muna,  ayoko kasing magkailangan kaming dalawa at yun ang ayaw kong mangyari, pero iniisip ko din ang sinasabi ni mama, eh pano kung maunahan nga ako nang iba?
Haiy buhay!  Help me! ~T_T~

To be continued...................♡

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon