CHAPTER 5: HOTDOG

675 6 0
                                    

Clide's Pov

Agad akong nagbihis para maka baba kanina pa kasi ako nagugutom, lintik kasi na babae yun ang aga aga binabadtrip ako

"Good morning badj! " bungad niya nang maka baba ako,akala mo isang araw na kaming hindi nagkikita,

"Oh!  Anak kumain kana! " sabi naman ni mama, tumango naman ako at umupo ako Sa tabi niya

"So! Kumusta Ang tulog kagabi? " tanong ni mama kaya napatingin naman ako Kay audrey tinataas taas Ang kilay niya habang ngiti siya nang ngiti,  baliw na yata tong babae nato! 

"OK naman!" Tipid kong sabi, agad akong napatingin Sa breakfast namin,
"Ma! Asan yung favorite ko?" Napatingin ako kay audrey ngiti ngiti siya habang kumakain nang hotdog,
"Ay anak kanina lima yan, naubos na yata ni audrey!" Muli kong binaling Ang tingin ko kay audrey at tinignan ko siya nang masama,

"Peace ✌" sabay peace sign sakin!

"Hindi ko alam favorite mo pala Ang HOTDOG!  Ang HOTTTDOGG!" Pag uulit ulit niya, napailing naman ako!
"Palibhasa ang takaw takaw mo Sa HOTDOG! " pang iinis ko,bigla naman nag iba Ang aura niya, mukha na siyang sasabog Sa galit,  pikon talaga!

"Tama na nga yan kumain nalang kayo! Baka may photoshoot pa tong si audrey! " sabat ni mommy! Pinandilatan naman ako ni audrey at pinagpatuloy Ang pagkain niya,

--

"Bye tita!  Thank you po! " sabi ni audrey paalis na kasi kami sa bahay sasamahan ko pa to Sa photoshoot niya
"Any time iha!  Dito ka na kasi tumira!" Pagyayaya ni mama sakanya
"Sorry talaga tita, alam niyo naman kung anong rason ko diba! " sabi niya habang magkahawak Ang kamay nila

"Ano pa bang magagawa ko,basta bumisita ka dito hah!  Dalas dalasin mo na din!  At kapag nag bago Ang isip mo welcome na welcome ka dito! "Paliwang ni mama
"Sige po! Pag iisipan ko po yan!  Sige na po tita mauna na po kami! " sabay beso Kay mama
"Sige mag iingat kayo hah! " sabi pa niya
"Ma! Alis na po kami! " sabat ko! Tumango naman si mama,
Agad kaming sumakay Sa kotse ko! At nagdrive ako papunta Sa starlight company,

"Ang takaw takaw mo talaga nang hotdog!" Pagbabasag ko nang katahimikan,
"Malay ko ba na paborito mo ang hotdog!" Pagtataray niya,
"Palibhasa mahilig ka nga Sa HOTDOG! " Pang iinis ko sakanya
Bigla naman niya hinampas
"Yak kadiri ka clide!" Pssh, painosente pa, halata naman sakanya!

"Wag kanang magpaka inosente jan hindi bagay sayo! "Agad naman niya akong tinignan nang masama at nag cross arm siya habang deretcho na Naka tingin Sa daan,
"Wait stop the car!" Sigaw niya kaya bigla kong na preno Ang sasakyan kaya bumunggo yung uli naman Sa unahan,
"Aray naman clide hinay hinay lang! " pagmamaktol niya aba ako pa Ang sinisi hindi naman kami mabubunggo kung hindi niya ako sinigawan na pahintuin Ang kotse

"Bakit mo ba ako pinapahinto? " tanong ko! Bigla naman siyang napatingin Sa labas nang windshield,
"Si Mr.Crush! " sigaw niya, nakita kasi niyang palabas Ang lalaking nakita namin Sa boutique nonh bumili kami nang damit, pero mukhang ibang babae nanaman yung kasama niya
"Teka!  Iba yata Ang kasama niya hindi Naman yan yung babae na kasama niya Sa mall eh!" Sabi pa niya

"Yung mga ganyang Tao! Mga babaero yan kaya dapat hindi hinahangaan yan!  Tssk! Playboy!" Sabi ko, bigla naman siyang napatingin sakin
"Hiyang hiya naman ako sayo! " sabi niya
"For your info, hindi ako playboy! " paliwang ko!
"Ay! Hindi ka nga pala playboy, playgirl ka pala! " agad ko siyang sinamaan nang tingin, ilang beses ko ba dapat sabihin sakanya na hindi nga ako bakla,

"Iniinis mo ba talaga ako!" Sabi ko!
"Hindi!  At bakit ka naman affected siguro to too no!" Sabi pa niya
"Audrey Mendoza!" Sigaw ko!
"What? Mr.Clide Lopez! May problema ka!" Nilakumos ko Ang mukha ko dahil Sa sobrang stress Sa babaeng to Ang lakas mamilosopo eh!

"Sa susunod hindi na kita sasamahan Sa Photoshoot mo at hindi na kita ihahatig kapag tinawag mo pa akong bakla!" Panakot ko! Sakanya tignan natin ngayon kung sino Ang kawawa satin, agad naman siyang pumulupot Sa braso ko!
"Eto naman hindi mabiro!  Sorry na badj!  I love you!  Pa kiss nga!" Sabay kiss Sa cheeks ko!.kadiri!  Pero bakit ganito bakit Ang bilis nang pagtibok nang puso ko!  No way!  Hindi maaari! 

"Tumabi ka na nga!  Para kang bata! " sabi ko! Agad naman siyang umayos Sa pagkakaupo at pinaandar ko na ang kotse papunta Sa starlight company!

--

"Hi Miss. Audrey and Mr.Clide!! Bati samin nang isang staff, kilala nadin kasi ako dito dahil Sa palagi kong  Pagsama kay audrey!
"Hello!" Sabay naming bati Sa staff
"Badj! Bihis lang ako hah!! " sabi niya kaya tumango nalang ako!
"I buy you coffee!  Just wait for me!!" Sabi ko!
"Thank you badj love you!" Sabay alis papunta Sa dressing room niya, agad naman akong sumakay Sa elevator, at may kasama akong mga babae!  Dalawa lang naman sila I guest staff din sila dito!

"Ahm! Excuse me Mr.Clide pwede po ba kaming makipag selfie sainyu! " sabi nang isa
"Ahm! Hindi naman ako artista para makipag picture kayo sakin!" Paliwanag ko
"Ahm! OK lang po!  Ang gwapo niyo po kasi!,  alam niyo po bagay kayo ni Miss.Audrey boyfriend ka po ba niya?" Tanong naman nang isa mga chismosa

"No! I'm not his boyfriend!  I'm just his Bestfriend thats it!" paliwanag ko!
"Ah! Ganon po ba!  Sayang naman bagay pa naman kayo! pero kung may chance mas bagay naman tayo! " sabi pa nong isa, masyadong assuming hindi naman kagandahan! Buti nalang at bumukas na Ang elevator at agad akong lumabas, pero bago pa yun nag salita sila
"Sir clide pa selfie! " hindi ko na sila pinansin dahil malayo layo nadin ako sakanila,  agad akong sumakay nang kotse ko pagdating ko parking area, at nagdrive papunta Sa coffee shop!

--

"Good morning sir may I get your order? " tanong nang nasa counter,
"2 cappuccino please! " sabi ko!
"Here you go sir 2 cappuccino thank you! Come again! "Ngumiti ako at naglakad na ako palabas! 
Nakahagip ako nang isang familiar na mukha habang palabas ako nang coffee shop!  Yung lalaking crush na crush ni Audrey Iba nanaman Ang kasama, grabi ganyan na ba talaga siya ka playboy bawat oras yata Iba Iba Ang babae niya, hindi ko ipagkakaila na gwapo nga siya, pero hindi ako bakla hah!  Mas gwapo naman yata ako sakanya Mas maputi lang siya sakin, pero may abs naman ako kahit papano no! Aanhin mo ang gwapo kung playboy naman tssk.  Ang panget nang ideal man ni audrey hindi iniisip Ang ugali basta gwapo crush niya agad! 

Hinayaan ko na lang siya at lumbas na ako ,agad akong sumakay Sa kotse ko at nag drive pabalik Sa starlight company.

To be continued.............

--
Hotdog pa more ●ω●

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon