CHAPTER 30: APOLOGIZE ACCEPTED

342 5 0
                                    

Clide's Pov

"Anak! May gustong kumausap sayo sa baba, lumabas kana diyan! " sigaw ni mommy mula sa labas nang kwarto ko, hindi ko namalayan anong oras na pala, tinignan ko ang cellphone ko at madami nang missed call at text sakin si audrey, nakita ko din ang oras 6:00 Pm na pala grabi yata ang tulog ko,

Sino naman kaya yung gustong kumausap sakin, lumabas ako sa kwarto ko habang hawak hawak ang batok ko!

Pagbaba ko sa hagdan nakita ko kaagad siya na nakatingin sakin, mukhang aso siyang napaka amo sa inaaktong mukha niya

"Oh bakit? " tanong ko habang Naka cross arm sakanya

Napapout naman ito tapos biglang lumapit sakin at niyakap ako, shete bumilis yata yung tibok nang puso ko

"Clide! Sorry na! Sorry na please! Umaacting lang naman ako kanina na nag tatampo sayo eh, hindi ko naman alam na ikaw pala yung magtatampo sakin, alam mo ba na umuwi ako mag isa kanina, tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot kaya naisipan ko na galit ka talaga sakin kaya kita pinuntahan dito, sorry na clide, sorry na po please!" Mahabang paliwanag niya sakin, lakas din umacting neto eh, kung hindi ko lang talaga siya mahal baka tinalikuran ko na siya

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at hinarap ko siya sakin, nakita ko sa mukha niya ang pagkadesididong humihingi nang tawad, ano pa bang magagawa ko matatanggihan ko ba ang babaeng to, ang galing kasi talagang mag pa awa sakin, hindi man lang ako makatiis

"OK apologize accepted! But in one condition!" Sabi ko, napakunot noo naman siya

"Ano naman yun?" Taka niyang tanong

"Hindi ka na makikipag komunikasyon sa lalaking yun!" Seryoso kong sabi

"Clide naman, hindi ba pwedeng maging happy ka nalang para sakin! Malay mo itinadhana talaga kami para sa isat isa?" Sabi niya

May kung among kirot akong naramdaman dito sa puso ko, ang sakit eh sobrang sakit,

Bakit hindi mo nalang sabihin na ako ang itinadhana sayo audrey at hindi ang lalaking yun,
Kausap ko sa sarili ko

"Clide! Ano galit ka padin ba sakin, clide naman eh!" Pagmamaktol niya

"Yan ba talaga ang gusto mo?" Tanong ko

"OK lang ba? " tanong niya pabalik

"Bahala ka!" Sabi ko

"Clide naman eh, galit ka padin ano bang gusto mong gawin ko para hindi kana magalit sakin"sabi niya

Layuan mo siya audrey at ako ang mahalin mo,
Kausap ko sa sarili ko

Napatingin ako sakanya, bakit hindi ko kayang sabihin sakanya ang mga bagay nayun, bakit clide, ganyan kana ba talaga ka torpe para sabihin ang bagay nayun

Lumapit ito sakin at niyakap ako
"Clide! Maging happy ka nalang sakin, malay mo siya na yung lalaking makakasama ko hanggang sa pagtanda! " sabi niya

Nandito naman ako audrey, nandito ako para samahan ka sa pagtanda ang lalaking hinding hindi ka lolokohin, ang lalaking mamahalin ka nang totoo,
Sabi ko sa isip ko

Inilayo ko siya sakin, at tumalikod muna ako sakanya, para kasing tutulo ang mga luha na dumadaloy sa mga mata, sobrang sakit na marinig ko ang mga bagay nayun mismo sakanya,

"Umuwi kana audrey gabi na! Madilim na sa daan! " sabi ko habang Naka talikod sakanya

"Hindi kana galit sakin? " tanong niya

"Hindi na! Sige na umuwi kana!" Sabi ko

Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya mula sa likod kaya duon ko na naramdaman ang pag tulo nang mga luha galing sa mga mata ko, mabilis ko yung pinunasan dahil ayokong makita ako ni audrey na nasasaktan,

Ganyan kana ba talaga ka manhid audrey, hindi mo man lang nakikita ang mga efforts ko para pasayahin ka araw araw!

"Thank you clide ang bait bait mo talaga, I love you clidy! " sabi niya habang Naka yakap padin sakin

Humarap ako sakanya at ngumiti at pinisil ko ang magkabilang pisnge niya upang ipaalam na hindi na ako galit sakanya,

"Ikaw talaga ang kulit mong bata ka, hali kana nga ihahatid na kita sa condo mo!" Ngumiti naman ito sakin, makikita ko ba ulit ang mga ngiti nato, yung hindi sa ibang tao yung saakin lang

"Ok na ba kayo? " tanong ni mama mula sa kusina

"Opo tita uuwi na po ako,!" Sabi niya

"Kumain na muna kayo! " pagyayaya ni mama

"Ah wag na po tita, nag celebrate po kasi kanina yung isa naming staff dahil birthday niya kaya busog pa po ako! " paliwanag niya

"Ah ganon ba, Sige mag iingat ka iha ha! " sabi niya at nag beso beso silang dalawa

"Ihahatid ko lang siya ma, uuwi na din ako pagkatapos!" Sabi ko

"Oh! Sige mag iingat kayo hah! "

"Sige po tita alis na po kami!" Sabi niya

--

Agad kaming sumakay sa kotse at hinatid ko siya sa labas nang tinitirahan niya
"Thank you clide ingat ka sa pag uwi, labyu! " sabay flying kiss at pumasok na ito

Nag lakad ako pabalik sa kotse ko at agad akong sumakay para makauwi

Habang umuuwi, napadaan ako sa park kung saan kami pumunta ni audrey

Nag park ako dun at bumaba ako nang kotse,

Bumalik ako sa wish fountain na pinuntahan namin,

Naaalala ko ang mga hiniling niya dito, napapaluha nalang ako kapag naaalala ko yun

Naglakad din ako papunta malapit sa ilog, natatandaan ko nong nasalo ko siya dito at nagkatinginan kami ,bumilis ang tibok nang puso ko non, habang malapit kami sa isat isa

Sa kaloob looban ko alam ko na mahal ko na nga si audrey, pero ako hindi niya yata ako kayang mahalin dahil ang nilalaman nang puso niya Ay yung gagong playboy nayun, bakit pa ba niya nakilala ang lalaking yun, ede sana hindi na siya nagustuhan ni audrey, nakakainis kung saan mahal na mahal ko na si audrey ang dami nang umeepal, nakaka bwisit,

"Audrey! kahit kailan ba nararamdaman mo din ang pagmamahal ko sayo, kahit minsan ba napatibok ko din ang puso mo? Yung sakin lang at hindi sa ibang tao, alam mo ba hindi ko akalain na magkakagusto ako sayo, dati kasi parang kaibigan lang kits pero ngayon mahal na mahal na yata kita audrey, at hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka sakin" sabi ko habang Naka tingin sa ilog, ramdam na ramdam ko ang pag haplos nang malamig na hangin na dumadaloy sa buong katawan ko, kahit kailan ang sarap nang simoy nang hangin dito.


--

Next chapter

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon