CHAPTER 51: TARANTA

335 5 0
                                    

Audrey's Pov

Limang araw na ang nakalipas, limang araw nadin akong nag mumukmok sa condo ko, 

Palaging Naka tulala habang tinitignan ang sarili ko sa salamin, limang araw na din ako tinatawagan nang manager ko pero hindi ko yun sinasagot

Nakatanggap ako nang text mula sa kanila, sabi nila kapag hindi daw ako nag punta dun papalitan na nila ako, dahil nalulugi na daw sila, 

Hindi!  Ayokong lumabas muna, gusto ko munang mapag isa,  hindi din naman ako makakapag focus, siguro hindi talaga para sakin ang pag momodel, siguro kailangan ko nang bitawan ang pag momodel dahil wala din namang silbi ang lahat,

Bakit pa nga ba ako nabubuhay hanggang ngayon, gusto ko nang mawala pero parang may humihila sakin na wag ko gawin,  my plano kaya ang diyos para sakin kaya hanggang ngayon buhay pa ako!

Nakatanggap ako nang tawag at agad ko yung sinagot,nag babakasakali na si clide ang tumatawag

"Hello clide! "

"Audrey this is not clide ,this is your manager,  Ano ba audrey!  Kailangan ka namin dito, one week ka nang wala!  Pwede nang malugi ang starlight, ano ba!  Hindi ka padin ba nakaka move on, tanggapin mo na na wala na kayo nang ex boyfriend mo!" Sabi niya sa kabilang linya, halata sa boses niya ang pagkadismaya

"Sir! I made my decision mag reresign na po ako bye! "
Mabilis kong pinatay ang tawag, ayoko nang marinig ang mga sasabihin niya,  siguro nga tama lang ang mga naging desisyon ko, 

Malulugi din naman yun kapag ako pa ang maging model dun, baka naka tunganga lang ako dun sa sobrang dami nang iniisip, 

Humiga ako sa kama!  Kusa nalang tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko,  hanggang ngayon masakit padin,  naaalala ko din ang mga pinagsamahan namin ni clide,

"Miss na miss na kita clide sorry!" Kausap ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama

Napatingin ako sa cellphone na nasa gilid nang ulohan ko kaya kinuha ko yun, hinanap ko ang contact number ni clide at sinubukang idial yun,

Nabigo ako dahil out of coverage ang cellphone niya,  kinalimutan na nga yata ako ni clide, 

"I'm sorry clide! " sabay pag patak nang luha ko

Sinubukan Kong ipikit ang mga mata ko upang ipagpahinga ang sarili ko,feeling ko kasi pagod na pagod na ako sa kakaiyak

Sana pala naniwala nalang ako kay clide, ede sana hindi ako nagkakaganito ngayon,at my isang tao pang nag mamahal sakin ngayon

"Ang tanga mo kasi audrey eh! Hindi mo pinagkatiwalaan ang taong nag mahal at nag alaga sayo nang napakatagal na panahon, mas pinili mo yung manlolokong yun,kaya panindigan mo yan! " kausap ko sa sarili ko!

Napaisip ako sandali, mabilis akong nagtungo sa banyo upang maligo at mag bihis

Nag suot ako nang short at tshirt at nag lagay ako nang jacket dahil mag gagabi na din kaya malamig sa labas,

Lumabas ako nang condo ko at nag hintay ako nang taxi,

Pumara ako nang taxi at mabilis akong sumakay

"Saan po tayo ma'am? " tanong sakin nang taxi driver

"Sandiego Ville po manong! " sabi ko

"Ok ma'am! " ipinikit ko muna ang mga mata ko at nag hintay lang ako na makarating kami dun

After 20 minutes

"Ma'am! Nandito na po tayo! " sabi niya

"Deretcho mo lang papasok manong,! " sabi ko, may nakasalubong naman kaming isang itim na kotse na parang familiar sakin,pero binalewala ko yun!

"Sige po ma'am! " mabilis siyang pumasok sa sandiego ville

"Diyan nalang po manong! " sabi ko, mabilis naman niyang itinabi ang sasakyan

"Bayad po! Salamat! " bumaba na ako at nasa tapat na ako nang bahay nila clide, sana naman nandito siya,

"Manong! " tawag ko sa guard nila clide,  tinignan niya muna ako para kilalahin

"Ma'am audrey!  Ano pong ginagawa niyo dito? " tanong niya sakin

"Nandiyan po ba si clide?" Tanong ko

"Ay ma'am kakaalis lang po nila!" Sabi niya

"Ho! Saan po sila pupunta? " tanong ko

"Papunta na po sila nang airport ngayon!  Pupunta na po silang new york kasama po sila ma'am cathy at sir cedric! Hindi niyo po ba sila Naka salubong?" I new it sakanila nga yun

"Ho! Sige po salamat! " mabilis akong tumakbo papunta sa labas nang sandiego ville para mag hanap nang taxi na sasakyan!

"Manaong para po! " sigaw ko sa taxi na papalapit sakin, mabilis akong sumakay parang walang bukas ang pagkataranta ko

"Saan po tayo!" Tanong niya

"Airport po, paki bilisan lang po may hinahabol po ako! " sabi ko

"Sige po!" Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa airport!

Hindi ako mapakali sa backseat,
"Please sana maabutan ko pa sila! Please! " bulong ko sa sarili ko habang napapakagat na ako sa daliri ko

"Manong pakibilisan po! " sabi ko  muli

"Sige po!" May binilisan pa niya ang sasakyan! 

After 15 minutes Naka dating na kami dun!

"Bayad po salamat! "

"Sukli niyo po!" Sigaw nang taxi driver

"Sayo na po yan!  Salamat! " mabilis akong tumakbo papunta sa loob para hanapin sila, shet asan na sila.




To be continued............

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon