CHAPTER 18: PROMISE

471 6 0
                                    

Clide's Pov

Mag sisix o'clock na pala nang gabi, nandito padin kami sa bahay, ayaw pa kasi ni mommy pauwiin si audrey sa condo niya, eto namang si audrey hindi Naka tanggi kay mama, enjoy na enjoy naman siya na kausap si mama, palibhasa girl talk nila yun kaya hindi ako nakikisali sakanila,

"Tita mauna na po ako, Mag gagabi na din po kasi! " sabi niya kay mommy
"Sayang naman! Nag eenjoy pa akong kausap ka! Pero OK na din I have a great time with you iha, bumisita ka ulit hah, para makapag girl to girl talk ulit tayo! " napangiti naman si audrey sa sinabi ni mama

"Sure tita, babalik uli ako dito, thank you po sa time at sa snacks hehe! " tawa tawa niyang sabi
"Any time iha! " sabay yakap kay audrey!

"Bye po tita alis na po ako!"sabi niya
"Sige iha, oh! Clide ihatid mo na si audrey!" Tumango ako kay mama at sabay na kaming lumabas ni audrey!

"Napagod kaba ngayon araw nato?" Tanong ko sakanya
"Hindi naman bakit mo natanong? " tanong niya pabalik

"Punta tayo sa park! " sabi ko!
"Sige ba game! " ngiti ngiti niyang Sabi, nag drive agad ako papuntang park ,tahimik lang si audrey habang papunta dun! Siguro napagod nga siya kakausap kay mama,

Ilang oras na ang nakakalipas naka abot nadin kami sa park, agad kaming bumaba, at nag simulang naglakad, ang gaganda nang mga ilaw, gabi nadin kasi kaya madaming tao ang namasyal,

"Hali ka! " sabay hila sakanya, papunta sa isang wish fountain
Sabi kasi nila kapag nagtapon ka nang coin dun pwede kanang humiling kahit anong gusto mo!

"Saan tayo pupunta?" tanong niya
"Basta! " agad kaming Naka dating sa wish fountain, at manghang mangha siya sa ganda nito.

"Wow! ang ganda! ang cute nang mga ilaw na nasa fountain"
Sabi niya
"Alam mo ba wish fountain ang tawag nila dito! " napatingin naman siya sakin

"Bakit naman? " humarap ako sakanya at napangiti, binigyan ko siya nang isang coin
"Sabi kasi nila, kapag nagtapon ka daw nang coin dito sa fountain nato pwede ka na daw humiling kahit anong gutso mo!"

"Talaga, pero hindi naman siguro masama kung susubukan diba, wala namang mawawala!"may utak din pala tong babae na to nakikisabay sa kalokohan ko, pero yun kasi ang sabi nila eh

"Sabay tayo hah! Game! One, two three! " sabi niya, sabay naming inihagis ang coin na hawak namin at sabay din kaming humiling

"Sana ako nalang ang mahalin ni audrey, promise mamahalin ko siya hindi bilang kaibigan, at mamahalin ko siya higit pa sa inaakala niya, " napatingin ako kay audrey hindi pa siya tapos sa pag hiling

"Ako nalang Ang mahalin mo audrey, hinding hindi kita sasaktan ,mamahalin kita habang buhay promise ko yan sayo! " bulong ko sa sarili ko habang naka tingin sakanya,

Napatingin naman siya sakin habang nakangiti, ang cute niya talagang tignan,
"Ang wish ko sana bestfriend tayo forever! Promise?"sabay taas nang hinliliit niya, nalungkot ako sa sinabi niya, kaibigan lang ba talaga ang turing niya sakin, kahit konti ba minahal niya ako hindi bilang kaibigan, ang sakit kasi eh, hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sakin,

"Hoy! Tulala ka diyan! " natauhan ako sa bosea niya, ang dami ko kasing iniisip

"Pinky swear! Bestfriend forever! Promise yan hah!" Sabi pa niya habang walang tigil sa pag taas nang hinliliit niya, wala din akong magagawa kaya nakipag pinky sweat nadin ako sakanya

"Promise!" Deep inside, masakit talaga, pero wala talaga akong magagawa, siguro ngayon tanggapin ko muna na magkaibigan lang muna talaga kami, pero sana sa tamang panahon matutunan din niya akong mahalin,

Naramdaman ko nalang ang pagkayakap niya sakin, kaya mas bumilis ang tibok nang puso, at sinasabing mahal ko na nga talaga si audrey, niyakap ko nalang din siya, at naramdaman ko nalang na may pumatak na luha sa mga mata ko! Agad ko yung pinunasan, ayokong makita ako ni audrey na umiiyak ako at nasasaktan,

"Hali ka punta tayo malapit sa ilog! " kumalas siya sa pagyakap sakin, at hinila ako papunta sa tabing ilog
Sumunod nalang din ako!

"Ang ganda! At ang sarap pa nang hangin dito! " nakapatong pa ito sa railings na bumabangga malapit sa ilog kaya hinawakan ko ang bewang niya

"Hinay hinay lang! Baka mahulog ka! " pag aalalang sabi ko sakanya ,napatingin naman siya sakin at bigla nalang siyang nadulas sa pinapatungan niya, buti nalang mabilis ko siyang nasalo.

Nagtinginan kami kaya dahilan yun sa pag bilis nang tibok nang puso ko! Para akong mabibinge sa bawat pag tibok nang puso ko, may tumutulak sakin na gusto ko siyang halikan, pero hindi ko magawa dahil iniisip ko ang magiging kalalabasan kapag ginawa ko yun,

"Thank you sa pag salo baby labs!" Namiss ko din yunh pag tawag niya sakin nang baby labs ang cute kasi kapag siya ang nagsasabi non,

Binaba ko siya at nagsimula na kaming maglakad, habang Mag kahawak ang kamay, sana totoo nalang to! Yung totoong kami at hindi bilang kaibigan lang, yung mahal na mahal namin ang isat isa at walang sino man ang sisira
Samin

"Aray! " sigaw niya kaya Napa tingin ako sakanya
"Bakit anong nangyari? " alala kong tanong, nakita kong napahawak siya sa paa niya kaya umupo ako para matignan ang paa niya

"Careful ok! Kaya mo bang maglakad? " tanong ko sakanya
Maglalakad na sana siya pero muntikan na siyang matumba
"Umangkas ka nalang sa likod ko!" Sabi ko sakanya, hindi na siya nagpaligoy ligoy pa ,agad siyang umangkas sa likod ko,

"Sigurado ka bang kaya mo ako baka sumakit nanaman yang likod mo!" Sabi niya, napailing Naman ako!
"Hayaan mo! Mag papa ninja massage ulit ako sayo!" Bigla naman niya akong hinampas

"Loko ka talaga! " mas kumapit pa siya sakin at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko!
"I love you baby labs! Ang sweet sweet mo talaga ngayon! " sabi niya mula sa likod ko!

"Matagal na akong sweet! Para sa mga gwapong lalaking tulad ko, yan yung mga taong sobra magmahal!" Sabi ko

"Humuhugot ka ngayon hah! " tawa tawa niyang sabi! Napangiti naman ako, hindi niya kasi na gets ang ibig kong sabihin,

--

Binaba ko siya sa kama niya nang maka dating kami sa condo niya,

"Mag pahinga kana, aalis nadin ako! " sabi ko sakanya, bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko! Kaya napatingin ako sakanya

"Hintayin mo munang makatulog ako bago ka umalis please! " pagpapacute niya sakin, tumabi ako sakanya at hinimas ko ang buhok niya, nilagyan ko din siya nang kumot para mas maging komportable ang tulog niya,

"Good night clide! " sabi niya at nagsimulang ipit ang mga mata niya
"Good night audrey I love you! " bulong ko! At hinalikan ko ang noo niya,

Sana marinig mo din tong nararamdaman ko para sayo!
Mahal kita audrey,
Mahal na mahal...............

--

I think I'm ilove!!! 😍😍😍

Matatagalan uli ako makapag update dahil midterm na bukas, hehe wish me luck guys! Thanks!
Love lots ❤

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon