CHAPTER 22: AKO NALANG

451 13 0
                                    


Clide's Pov

Habang buhat buhat ko si audrey palabas nang vintrix natigilan ako sa sinabi niya
"I love you.....!" O_o

Totoo ba ang narinig ko, nag I love you siya sakin,  para ba talaga saakin yun

Napapangiti nalang ako sa narinig ko mula sakanya ,Ang sarap pakinggan nang I love you nayun, 

"I love you too audrey" bulong ko habang tinitignan ko siya

Isinakay ko siya sa kotse at nag simula na akong paandarin Ang sasakyan ko!

Twinkle twinkle little star how I wonder watch you are like a diamond in the sky! 

Rinig kong kanta kanta ni audrey habang nasa kotse ko at tawa tawa pa siyang pinaglalaruan Ang kamay niya, akala ko tulog na to, hindi pa pala,

Napatingin siya sakin,  kaya binabalik balik ko din Ang tingin sakanya, 

"Clide nutella! " pagpapacute niya sakin habang Naka pout,  grabi kahit pala lasing to nutella padin Ang hinahanap

"Mamaya na, andun sa condo mo!" Sabi ko

"NUTELLA! " sigaw niya uli
"NUTELLA "
"NUTELLA "
"NUUUTEEELLLLLLAAAAA"  malakas niyang sigaw

"Ano ba tumahimik ka nga!  Mamaya na kasi wala akong dalang nutella dito! " sabi ko!

Umupo siya nang maayos habang naka pout halata padin sa mukha niya Ang pagkalasing

--

Papasok kami sa condo niya nakaakbay lang siya sakin, grabi Ang bigat nang babaeng to
"Alam mo ang gwapo gwapo niya kanina, grabi ang yummy! "

Ano bang pinagsasabi nang babaeng to! grabi pala ang topak kapag nalasing

Ipinasok ko siya sa condo niya habang siya naman naka akbay sakin,  kanina kasi nong papasok kami dito parang tinatahe niya yung daan,  Dahil pa ekez ekez siyang mag lakad

Hiniga ko siya sa kama niya pero hindi siya bumitaw sa leeg ko kaya pareho kaming natumba sa kama, at nasa taas na ako nang dibdib niya, shet ang init

Sinubukan kong tumayo pero hinila niya ulit ako at niyakap tawa tawa pa siya, ganito ba talaga siya malasing

"Audrey bumitaw ka nga! " sabi ko!
"Ayoko! " pagpapacute niyang sabi

Ako naman ang hiniga niya at pumatong siya sa unahan ko! habang naka tingin sakin nang deretcho ,shete anong gagawin niya

Tumayo ito sa kama at natigilan ako sa ginawa niya, Q_Q
Sumayaw siya nang sexy dance!

Shete nang iinit ako!  Totoo ba tong nakikita ko! Ang wild niya ngayon

At kumakanta pa talaga siya nang careless whisper ,anong trip niya, shete para akong nasa paradise,  whooaa ~^O^~

Umupo siya ulit sa unahan ko,  shete si junior nag flaflag ceremony! 

Natigilan ako sa sunod niyang ginawa, Bigla bigla nalang niya akong hinalikan na parang walang bukas,  torrid kiss yung ginagawa niya,  nalaman ko lang naman yung word nayun nong pumunta ako nang france

Habang hinahalikan niya ako, nararamdaman ko nalang ang kamay niya na nasa loob nang damit ko, hinay hinay niyang itinaas yun hanggang hinubad na niya ang damit ko!

Shet ! Nang iinit na ako! 
﹋o﹋

Mas tumugon ang pagkakahalik niya sakin, yung kamay ko naman ay nasa legs niya  whoa ang bad nang kamay ko hinay hinay lang clide baka gumapang kung saan,

Itinaas ko Ang kamay ko hanggang umabot na ito sa bewang niya, 

Habang siya naman at patuloy Ang pagkakahalik sakin,  dumako Ang labi niya sa leeg ko! Grabi ang expert nang babae na to alam na alam Ang gagawin niya

Shete si audrey ba talaga to, baka sinasapian lang siya nang masamang elemento!
Jusko wag naman sana,

Napadako Ang kamay ko likod niya, dahil hanggang ngayon hindi padin tumitigil si audrey sa paghalik sakin, parang kakapusin na ako sa hininga dahil sa pagkakahalik niya sakin

Itinulak ko muna siya palayo, para maka hinga ako nang maayos, jusko muntikan na akong mamatay,

Naramdaman ko nalang si audrey na humiga sa dibdib ko,
Nakahawak pa ito sa bewang ko shete nakikiliti ako
"Audrey wag diyan!" Tawa tawa kong sabi, tumingin ulit siya sakin at hinalikan ako ,hinawakan niya Ang magkabilang pisnge ko at mas dumidiin ang pagkakahalik niya sakin

Napadako ang labi ko sa leeg niya, at duon ko na narinig na umuungol siya dahil sa pagkakahalik ko sa leeg niya,  ang nararamdaman ko ngayon parang mahal na mahal namin Ang isat isa hindi bilang kaibigan,  kung ano mang mangyari samin ngayon wala na akong pakialam, dahil kaya ko siyang panagutan, 

Wala na akong narinig na ungol kaya natigilan ako at napatingin kay audrey,  tulog na pala siya at humihilik pa ito,  napatawa nalang ako,  siguro nga hindi pa ngayon ang tamang panahon para gawin namin to! 

Pero kahit ganon masaya padin ako dahil feeling ko gusto nadin ako ni audrey, mas minamahal ko pa siya nang lubusan ngayon,  kahit hindi man natuloy to basta magkayakap kami ngayong natutulog, nasa dibdib ko siya habang natutulog nang mahimbing

Inaalis ko ang mga buhok na tumatabon sa mukha niya, napatitig uli ako sa maganda niyang mukha

"Sana ganito nalang tayo audrey!  Ako nalang ang mahalin mo ! Wag nalang yung lalaking yun, pag lalaruan ka lang non,  ako nalang please, promise mamahalin kita hanggang sa pag tanda natin, pakakasalanan kita kahit saang simbahan at araw araw ipaparamdaman ko sayo kung gaano kita kamahal!" Bulong ko!

Hinay hinay ko siyang hinalikan sa noo niya, at niyakap ko siya nang mahigpit
"I love you audrey!  Ako nalang please !" Naramdan ko Ang pagtulo nang luha, duon ko lang napatunayan na sobra ko na pala siyang minamahal , hindi ko yata kakayanin kong mawawala pa siya sakin,

Sobra sobra ko na siyang mahal,  oras oras pwede nang sumabog Ang dibdib ko dahil sa pag mamahal ko sakanya, sana hindi nalang niya nakilala Ang lalaking yun, ede sana hindi siya iniisip ni audrey ngayon,

Natigilan ako sa sinabi ni audrey habang magkayakap kami ngunit tulog padin ito!
"I love you skyler! " unti unting tumulo Ang mga luha ko habang Naka titig sakanya,  akala ko pa naman ako ang iniisip niya, nagkamali pala ako, siguro iniisip niya si skyler Ang katabi niya ngayon Ang lalaking pinag papantasyahan niya, 

"Ikaw kasi clide Masyado kang assuming! " sabi ko sa sarili ko dinadaan ko nalang sa tawa pero hindi ko maiwasan na tumulo Ang mga luha ko!

Tumayo ako sa hinihigaan ko at ihiniga ko siya, nilagyan ko siya nang kumot at hinimas himas ko Ang buhok niya, 

"Kahit siya ang nasa isip mo, palagi mong tatandaan mahal padin kita at hinding hindi kita isusuko! " hinalikan ko uli Ang noo niya! Upang iparamdam ko sakanya Ang tunay na nararamdaman ko , ayoko munang ipaalam ang nangyari ngayong gabi, alam kong mag tatawanan lang kami, dahil para sakanya isa lang yung laro dahil nga lasing siya at wala siya sa sarili niya, 

Kinuha ko ang damit ko at sinuot ko yun, kumuha nadin ako nang upuan at ipinatong ko ang ulo ko sa kama para mag simula nang matulog sa tabi nang pinaka mamahal ko!

"Mahirap ba talaga akong mahalin audrey?  Bakit siya pa, bakit hindi nalang ako! "

Ako nalang please!!!  T_T

To be continued............ ♡

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon