CHAPTER 47: HINDI TAYO ITINAKDA

341 7 0
                                    

Clide's Pov

"Mom alis na po ako! " sigaw ko kay mommy na nasa kusina

"Sige anak!  Paki kumusta mo nalang ako Kay audrey hah, and anak good luck mamaya, palagi mong tatandaan habang hindi pa siya kasal my chance pa ! " sabi ni mommy

"Thank you ma! " ngumiti ako sakanya at umalis na

"Manong paki buksan po ang gate! " sigaw ko sa guard, sumakay ako nang kotse ,

Dalawang araw na ding hindi ako nakakapunta sa condo ni audrey dahil kahapon pumunta ako nang Singapore para bumili nang singsing at kanina lang ako nakauwi. Kahit my jetlag ok lang, dahil ngayong araw na to mag propropose na ako Kay audrey kahit boyfriend pa niya ang gagong yun! 

Nag drive ako papunta sa condo ni audrey, bababa na sana ako pero natigilan ako nang makita kong paalis sila ni skyler , umangkas eto sa likod at umalis na.

Mabilis ko silang sinundan, saan naman kaya sila pupunta, 

Nakarating kami sa lugar na malapit sa dagat at duon ko sila nakitang huminto, 

Hininto ko din ang sasakyan ko sa tagong lugar at nagtago ako nang palihim upang hindi nila ako makita

Nakita kong inaalalayan niya si audrey papunta sa dagat, kaya sinundan ko din sila nang tingin
Ano bang gagawin nila dito?

Nakita kong may lamesa at may upuan para sa dalawang tao at alam ko pakana nanaman yun nang gagong yun

Inalalayan niya si audrey umupo at dumating ang waiter upang lagyan sila nang maiinum

Hinawakan niya ang kamay ni audrey at nag usap sila
Natigilan nalang ako nang tumayo ito at lumuhod sa harap ni audrey,

Bigla akong nakaramdam nang sakit sa dibdib ko, huli nanaman ba ako,  bakit palagi nalang akong nahuhuli dapat ako ang mag propropose sakanya ngayon at hindi ang lalaking yan. Hindi pwede please audrey wag mo siyang sagutin please,

Kung kaya ko lang sana pigilan sila ginawa ko na, pero parang hindi ako makagalaw nang makita kong naghalikan sila , kusa nalang tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko

Eto na ba yun? Susuko na ba ako!  Natatandaan ko ang sabi ni mama pero duon din naman yun mapupunta at kapag nangyari yun, wala na walang wala na game over kana clide

Hindi ko pa siya kayang bitawan dahil hindi ko alam kong paano pa siya bibitawan nang ganon ganon nalang, damn hindi ko kaya audrey,  mahal na mahal kita,  pero ang sakit na makita kang masaya kasama ang lalaking yan, sana ako nalang audrey bakit siya pa

Kung ako ba siya makakayanan mo din ba akong mahalin nang ganyan? Bakit siya pa audrey bakit hindi nalang ako , napaka manhid mo audrey bakit mo ba ako sinasaktan nang ganito,  tanggap ko pa na boyfriend mo lang ang lalaking yan, pero ang hindi ko matanggap ang ikakasal ka na sa lalaking yan,  hindi ko kakayanin audrey,  hindi! 

Parang akong namatay nang makita ko silang masaya sa isat isa,  kasalanan ko din naman to eh,  dapat una palang sinabi ko ang lahat,

"Ang tanga tanga mo clide napakalaki mong tanga! " sabay untog ko sa manibela nang sasakyan ko

Napakapit ako sa manibela nang mahigpit sa sobrang galit sa sarili ko,  parang gusto ko nalang mamatay!  Wala na din naman ang lahat sakin, 

Pero naisip ko na ako lang ang kaisa isang anak ni mommy at ayokong malungkot siya kapag nawala ako, at hindi ko mapapatawad ang sarili ko 

Nag drive ako papunta sa plaza sa lugar na pinuntahan namin ni audrey

At nag park ako dun,  nagpunta ako sa wish fountain, wala akong pakialam kung tignan man ako nang mga tao,  eh ano bang paki alam nila,  bakit hindi ba sila nasasaktan? 

Tinapon ko ang singsing na binili ko!.
"Siguro darating din ang araw na  kung saan ka karapatdapat,  sa ngayon siguro kailangan na kitang pakawalan audrey! " hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak nalang ako nang sobra! 

Bigla umulan nang malakas.
Pati yata ang panahon nakikisunod sa pag iyak ko! 

Itinapat ko ang mukha ko sa langit upang salubungin ang pagpatak nang ulan at hayaan dumampi yun sa aking mukha

Hindi ko padin mapigilan ang aking sarili, tama na siguro yun, sabi nga nila kung mahal mo kaya mo siyang pakawalan basta sa ikasasaya niya,  at eto na ang panahong yun, wag mo nang ipilit ang hindi pwede, ibinigay lang siya sakin nang diyos upang makilala at hindi para makasama habang buhay !

"Ang tanga tanga ko! Panindigan mo yan clide!  Tanga ka eh!  Dapat lang sayo yan!  Nauunahan ka tuloy nang ibang tao, kasalanan mo yan eh kaya panindigan mo!  Gago ka kasi!  Ang gago gago mo!  Hindi ka lang gago!  Napaka torpe mo! Tapos iiyak iyak ka dahil sa nasasaktan ka na makita mong masaya na siya sa piling nang iba!  " kausap ko sa sarili habang nakatingin sa langit at pagmasdan ang pagdaloy nang ulan.

Pinagtagpo lang tayo pero hindi tayo ang itinakda! Tama! 






--

Kaya kong mahal mo ang isang tao sabihin mo na!  Ikaw din baka maunahan ka!

Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi!!  ;/

Next chapter tayo!!  Keep on reading

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon