Masarap ang naging gising niya kinabukasan .. Hindi niya na maalala kung paano siyang nakabalik sa kwarto niya, pero hindi na yun mahalaga sa kaniya ..
Tumayo siya at sumilip sa bintana nang makita niyang may basketball court pala dun .. Maya maya lang ay may isang lalaking dumating, di niya agad na mukhaan kasi medyo malayo pa ito ..
Nagulat siya nang ito’y lumundag at parang hangin lang na ibinato nito ang bola .. Buong akala niya ay di yun papasok dahil talagang malayo ang distansiya nito mula sa ring .. At muntik na siyang mapapalakpak nang yun ay ma shoot ..
“Nice!!”
Patakbo itong lumapit sa ring para kuhain ang bola, nang ito’y tumigil at tumingin sa direksiyon niya .. Nginitian siya nito bago muling tumakbo papalapit sa ring, at sa pagkakataong yun ay dunk naman ang ginawa nito ..
Mukhang nagpapa impress ito sa kaniya kaya naman umalis na siya sa bintana at bumaba na para sana mag breakfast ..
Wala pang tao sa baba pero may pagkain na sa mesa .. Ano pa bang aasahan niya, syempre di na naman masarap ang ulam nila ..
Matapos tignan kung ano ang breakfast ay bigla tuloy siyang nawalan ng gana .. Papasok na siya sa kitchen para sana maghagilap ng mas maayos na pagkain nang makita niya si Louie at hawak nito ang bote ng wine na ininom niya kagabi ..
“Ikaw ang uminom nito noh?” seryosong tanong ni Louie.
“Wala na ba kayong ibang mas matinong pagkain huh?!!” pagiiba niya sa usapan.
“Tinatanong kita kung ikaw ba ang uminom nito?!!”
“Tinatanong din kita kung wala na ba kayong mas matinong pagkain dito?!” pakikipagmatigasan niya.
Nabigla siya nang lapitan siya ni Louie at hinawakan nito ng mahigpit ang braso niya ..
“Hindi ka pwedeng mangialam ng mga gamit o pagkain .. Kahit na anong nandito sa boarding house, nang di namin alam!!!”
“Bitiwan mo ko, Masakit!!!”
Totoo naman kasing nasasaktan na siya .. Ang higpit kaya ng hawak nito sa braso niya ..
“Wala ka sa sarili mong bahay, kaya umayos ka!!!”
BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...