- Matatagalan pa po ulit bago ako mag post ng Updates .. Hanggang dito po muna, kasi next week magiging busy na naman .. Sana hindi po kau mainip .. Hmmmm. Sana magustuhan niyo tong Update, kahit na ginawa ko na naman po ito habang Inaantok, at nagugutom ako .. hehehe ... Bitin po ulit ito, so sana hindi kayo magalit .. hehehe .. Damihan ko na lang ung mga susunod ..
Thankssss.
_________________________________________________________________
Habang nasa biyahe, walang gustong mag salita saming apat.
Kaya pinanood ko na lang yung mga nadadaanan namin, para na rin hindi ako ma bored.
“Louie, sakay tayo sa carousel ahh. Diba favorite natin yun?” haaay. Sa wakas, may nagsalita na rin. Nakakabingi na kasi yung katahimikan.
Tsssh. Pa hiya na naman si Jhela, N/R na naman kasi si Louie.
Dahil sa pang dededma sa kanya ni Louie, hindi na ulit siya nagsalita. Aisssh. Ang tahimik na naman tuloy.
Makalipas ang ilang minuto, nabasag na naman yung katahimikan gawa ng pag ring ng new phone ko. (phone yung laman ng paper bag na binigay sakin kahapon ni Louie.)
“Hello.”
“My Princess, It’s ur mom!”
“Oh, mom!”
“Buti naman at ginamit mo na yung Phone na binili namin ng Dad mo.”
“Ah. Eh kasi naman may sim card na agad. By the way, thanks!”
“No problem My Princess. Nasabi na ba ng mga kasama mo diyan sa boarding house yung tungkol sa magiging escort mo?”
“Oh Yeah, nasabi na nila.”
“May napili ka na ba?”

BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...