Chapter 21: "Melissa is in the House!!"

45.8K 780 20
                                    

- Alam kong wala pa ko sa kalingkingan ng mga magagaling na writer na nagsusulat dito sa watty, pero you guys makes me feel that I'm one of them. Akala ko kasi talaga walang makakapansin sa mga sinusulat ko kasi sino ba naman ako, eh kabago bago ko lang dito. Isang compliment niyo lang sakin, na fi-feel ko na hindi aksaya ng oras ang ginagawa ko dito, kasi guys na a-appreciate niyo ..

- Ayun, nag drama lang sandali. Sana po pag patuloy niyo lang ang pagbabasa, I'll promise na di po kayo magsisisi .. :))

________________________________________

Kinabukasan ng magising si Venice.

“Uhmm..”

“Good morning Venice, okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Nancy.

“Huh? Okay naman, bakit?”

Tumayo sa pagakakahiga sa kama si Venice para sana mag CR ng bigla niyang maramdaman ang pag kirot ng tuhod niya.

“Ahh.”

Muli tuloy siyang napa upo sa kama, at tsaka niya lang nakita na may bandage siya sa tuhod.

Unti-unting nag flash back sa memory niya yung mga nangyari kagabi hanggang sa mawalan na nga siya ng malay.

“Paano akong naka rating dito?”

“Nakita ka nila Harry at Nathan na walang malay.”

“Si Keila?”

“Kumuha lang sandali ng pagkain mo. Bakit, di mo pa ba kayang tumayo? Gusto mong tulungan kita?”

“Hindi na, kaya ko na to.”

Dahan dahan siyang tumayo at dahan dahan ring naglakad papunta sa CR.

Pagpasok niya ay salamin agad ang tumambad sa kaniya, imbis tuloy na umihi siya ay tinitigan niya muna ang mukha niya.

Magmula ng mapunta ko sa kanila, lagi na lang akong nagkaka sugat. Lagi na lang akong nahihirapan at nasasaktan.

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon