Chapter 15: "TOPLESS Louie"

51.6K 855 42
                                    

Hindi ko na sana muna ito ipo-post ehh .. Pero para sa mga masugid kong readers, kahit karamihan di nagpaparamdam .. Alam kong andyan lang naman kayo .. hehehe .. Sana po magustuhan niyo na ang update na to .. Asahan niyo ng bitin to, kasi po pinutol ko .. hehe :D God Bless !!

___________________

Makalipas ang ilang araw ay gumaling na rin ang mga sugat ni Venice, nawala na rin ng tuluyan ang naging peklat niya sa mukha dahil na rin sa ointment na binigay sa kaniya ni keila ..

Kasalukuyang nasa sala si Venice at ginagaya ang pagsayaw ng dance instructor sa TV …

Hindi pa naman gising yung mga hunks kaya naisipan niyang sa sala na lang mag exercise, na su - suffocate kasi siya sa liit ng kwarto niya ..

Naka suot lang siya ng leggings at spaghetti strap na sando kaya naman ang sexy niya talagang tignan habang sumasayaw ..

Papunta sa kitchen si Louie para maghanda ng break fast ng marinig niya ang naka bukas na TV sa sala ..

Sisilipin niya sana kung sino yung nanonood, nang makita niyang sumasayaw si Venice ..

Ano na naman bang ginagawa ng babaeng to nang ganito ka aga?!

 


Magsasalita na sana siya para patigilin na si Venice sa ginagawa nito pero bigla siyang natigilan ng mapasadahan niya ng tingin ang katawan nito habang sumasayaw ..

Parang nalunok niya tuloy bigla yung sarili niyang dila .. Umiling iling siya upang sawayin ang sarili ..

Kumuha ulit siya ng buwelo para makapag salita nang may madinig siya sa likuran niya ..

“Oh God! She’s so Hot!” bulong ni Harry

“Harry?!! Ka- kanina ka pa ba diyan?” gulat na tanong ni Louie.

“No, kakarating ko lang! Ikaw? Kanina mo pa siguro tinititigan si Venice noh?”

“Bakit ko naman tititign yan?!!”

“Aminin mo Louie, ang Hot niya diba?!!”

“Saan ang Hot diyan?!! Wag mong sabihing nawalan ka na ng taste sa babae?”

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon