Chapter 36: "Jealous + Bitterness = VENICE"

40K 898 53
                                    

Haaaiii. Di ko po talaga matiis na hindi mag update. Salamat po dahil dumarami na po ang readers nito. SINUBUKAN ko lang naman pong magsulat ng story na hindi scripted type, hindi ko expect na may makakapansin .. Thank u poooooo. Hindi naman required na mag Vote at mag Comment, pagpatuloy niyo lang yung pagbabasa nito, kuntento na ko .. Salamaaaat poooo :))))

_______________________________________________________________________

Kinabukasan, maaga na naman akong nagising kaya naisipan kong mag jogging sa labas .. Mamaya pa naman kasi yung pasok namin ..

Papalabas na nga ko ng boarding house ng makita kong pababa ng hagdanan si Jhela. Base sa suot niya, mukhang balak rin niyang mag jogging.


“Good Morning Venice! Mag jo-jogging ka rin ba?” tanong niya.

“Ah-Oo ..” sagot ko. Tsssh. Obvious naman diba? Kailangang tanungin pa? Aisssh. Bitter pa rin ako? Ewan ..

“Sabay na tayo!” sabi niya.

“Okay.” sagot ko naman.

Nag warm up muna kami bago kami nag start mag jogging. Habang nag wa-warm up ay napapatingin ako sa kaniya, napansin ko tuloy na mas matangkad pala siya sakin. Slim at Sexy rin. Pero masiyadong plain yung itsura niya.

Tsssh. Bago pa lumala ang bitterness ko ay inaya ko na siyang mag jogging. So ayan, sabay na nga kaming tumatakbo, pero moderate lang yung bilis.

“Naikwento nga pala sakin ni Ninong yung reason kung bakit ka sa  boarding house nila Louie naka tira ..” sabi niya habang tumatakbo.

“Ahh. Kaya pala di ka na nagtaka.”


“Gano katagal ka na bang nag stay sa kanila?”


“Almost two months .. I think?”

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon